Alam mo ba kung ano ang tinatawag nilang Snowflake method? Siguro ay hindi mo pa alam, unless nag-Google ka.
Well, it is a complex style of writing na hindi ko masunod dahil wala naman akong pakialam sa ginagawa ko. Nalaman ko ang tungkol diyan dahil sa mahilig akong magreasearch ng kung ano ano at I swear, mahirap siyang i-execute lalo na kung hindi mo siya gamay. #thuglife.
Eniwey, walang kinalaman yan sa rant book ko. Lol.
Ang topic ko ngayon ay ang FilGlish POV o TagLish para sa karamihan.
Although madalas kong hindi nasusunod 'to, isishare ko ang tip na natutunan ko mula sa mga manunulat dito sa Wattpad.
Kung gusto mong mas maging malinis ang paggamit mo ng mga salita / luminis ang bawat talata mo ay HUWAG NA HUWAG MONG PAGHAHALUIN ANG TAGALOG AT INGLES SA ISANG PANGUNGUSAP, LIBAN NA LANG KUNG HIRAM ANG GAGAMITING SALITA.
Sa totoo lang, yan ang gusto kong mangyari pero dahil inaatake ako ng katamaran sa pagsulat at pag-iisip—RF at FR—madalas kong paghaluin ang dalawang lenggwahe sa isang talata.
Kung Tagalog / Filipino ang ginamit mo sa unang pangungusap, dapat, hanggang sa dulo ng talata ay iyon pa rin. Wag paghahaluin ang Ingles at Filipino sa iisang talata dahil hihina ang ito. Ngunit kung hindi maiiwasan, ayos lang. BASTA BA'T HUWAG PAGHAHALUIN ANG MAGKAIBANG LENGGWAHE SA IISANG PANGUNGUSAP. MAGIGING CONYO PO ANG LABAS. KUNG PWEDE, I-ITALICIZE NIYO YUNG WORD.
Example:
Kumain kami ng hapunan sa fancy restaurant because he insisted.
It is a no-no lalo na kung lalaking POV yan. Lalambot ang karakter niya.
Pwede namang:
We had our dinner on a fancy restaurant because he insisted. #RIPENGLISH
O di kaya'y,
Sa isang magarbong restawran kami naghapunan dahil nagpumilit siya at wala akong nagawa. (Yay!)
Alam kong di ko nasusunod yan kasi gaya nga ng sabi ko, masyado akong tamad. Gusto ko kasi munang tapusin ang FR para maiedit ko. Palalalimin ang mga salita, aayusin ang dapat ayusin para maisumite ang manuscript sa kung sino mang tatanggap. Susubukan ko lang. Wala namang masama, di ba?
Basta, tandaan, para maging epektibo ang POV o mga batuhan ng linya, iisang lenggwahe lamang ang dapat gamitin. Okay?
Uulitin ko, hindi ko yan sinusunod dahil tinatamad ako. Oo, tinatamad lang. Pwede mong sabihing hipoks lang talaga ako. Madalas ko kasing pinaghahalo ang mga yan. Minsan nga, pinaghahalo ko ang mga natutunan kong Japanese words sa Chinese phrases. Kamusta naman di ba?
Tip ko lang yan para sa mga gustong magsulat sa pormal na paraan. Iyan kasi ang tawag ng mga kaibigan ko pag sumusunod ko sa rules of writing. Haha.
Nasa sa inyo naman kung susundin niyo o hindi. Nagbabahagi lamang ako ng aking natutunan.
May gusto ka bang itanong este malaman? Tips? Tanong na! Dapat ay may sense ah?!
#HIPOKRITOangNAGSULATnitoHAHAHAHA.
YOU ARE READING
Reeleontology
Random► Random stuffs about sa sarili ko na alam kong wala namang paki ang mambabasa.