Writing? Writhing.

41 9 1
                                    

Bakit ka ba nagsusulat?

Maraming sagot sa katanungan na yan. Lalo pa't sandamakmak ang manunulat sa mundo. Wattpad pa nga lang, lampas dalawang milyon na. Iba iba ang rason. Kasi miski ako, nag-iba ang dahilan ko kung bakit ki gustong magsulat.

•4th grade - Gusto kong manalo sa News Writing competition.

•6th grade - Gusto kong manalo sa Essay Writing Contest.

•7th grade - Para lang may extra curricular.

•9th grade - Gusto kong gawan ng Fan Fic ang favorite Kdrama ko. Lol. Gusto ko ring gumaling katulad ng writers ng PHR.

•10th grade - Naisip na patapon ang buhay at itigil na lang ang pagsusulat; pero di pa rin tumigil.

•Present - Gustong makilala sa larangan ng BXB stories. Sa totoo lang, kung marunong lang akong magdrawing, gusto kong maging mangaka ng BL stories. Haha! Dream ko yun kaso meh!

Sa totoo lang, nagsimula ako sa 'straight' stories. Matino ang feedbacks sa mga gawa ko, nagkaroon pa ako ng reader na 40+ na yung edad (way back 2014.) Pinuri pa ng kaklase ko ang mga stories ko (though di niya alam na ako yung gumagamit ng pen name na yun).

Kaso, doon din nagsilabasan ang criticisms. Kadalasan ay hindi constructive to the point na naburyo na ako. Na-pressure ako. Nafrustrate kaya naman tinapos ko agad. Wala na akong paki sa sinasabi nila. Inakusahan pa akong manggagaya sa gawa ng iba. Like duh! Ako pa? Eh nonsense nga kadalasan ang mga gawa ko.

Iniwanan ko yung account at di na binalikan. Ngayon, konti na lang followers nito pero hindi ko magawang i-delete ang account Why? Kasi malaking bahagi iyon sa pagsusulat ko.

As of now, HunHan fanfics lang ang isusulat ko. More like, changing their names but you get my point. Hindi lang kasi ako sanay na gamitin ang real names nila kasi na-o-awkwardan ako, parang ganun kasi iba ang personality nila. Basta! Haha.

Someday, baka magsulat ako ng straight, pero baka hindi ko na mapanindigan tulad ng dati. Lalo pa't ang daming straight stories at mauubusan ka ng idea. Sa BXB kasi, pwede mong kontrolin ang nasa paligid nila. It's either hindi sila tanggap ng taong nakapaligid sa kanila o tanggap at sinusuportahan sila. Nasa kamay mo ang bawat galaw nila tsaka higit sa lahat, unique. Ewan ko lang ah?

Sa pananaw ko kasi, mas unique ang ibang LGBT stories dito sa Watty. Tulad na lang ng:

Gagsti! (Elusive_Conteuse)
-Powtek! Grabe hagalpak ko dito. Haha! First yaoi novel na nabasa ko dito sa Watty tapos pinabasa ko rin sa kapatid ko na nagustuhan niya. Light lang. Puro kagaguhan. Sorry for the term pero wala eh. Hahaha! Mahal na mahal ko ang storyang 'to. Read it, swear! Pag di kayo natawa, ibitay niyo ako.

The Sadist (Xakni_allyM)
-Sa simula pa lang, intense na. Yadong. Lol. Brutal 'tong kwentong 'to pero pakikiligin ka in mysterious ways. Pinaiyak din ako ng storyang 'to. Grabeng iyak ko kasi... ugh. Napakanta din ako ng wala sa oras este ng madaling araw. Mukha akong engot habang nagbabasa.

STRANGER + REVOLUTION
-Alam niyo naman kung bakit di ba?

Overall, writing a BXB story is harder compared to a normal one but still, I'll continue writing. Though I am writhing in pain. Haha!

PARA SA HUNHAN, XUNLU, SELU!



ReeleontologyWhere stories live. Discover now