Sana magustuhan niyo :D
Comment kayo ah!
~~~
CHAPTER 5:
*UNKNOWN KISSER
Lian’s POV
“ano? nagawa mo kay France yun? Sayang hindi ko nakita” ~Sam
Kinwento ko lahat sa kanya yung ginawa ko kahapon. Absent kasi siya eh.
“pero bes… hindi naman sa kinakampihan ko si France ah pero hindi ka naman sigurado kung siya talaga may pakana nun eh. You don’t have any evidence”
“alam ko pero malakas talaga pakiramdam ko na siya gumawa nun eh! Kaya bagay lang sa kanya yun… bakit ba kasi ganun yung taong yun eh”
“alam mo bes kilala ko rin kahit papano yang pinsan ko. At sa pagkaka-observe ko eh he just wants some attention”
“oo yun! Exactly! Masyado siyang papansin”
“bes intindihin mo rin naman kasi yung tao… wala na kasi siyang nanay”
Totoo ba yun? Hala… nakonsenya naman ako dun
Napatingin ako kay Sam at nakita ko yung expression niya na parang may worry at care para sa pinsan niya
Siguro nga tama siya masyado ako nagoverreact to the point na sinapak ko pa siya.
Naalala ko tuloy nung inaway ko siya tapos nabanggit ko yung nanay niya… kaya pala siya nanahimik nun kasi wala na siyang nanay
“nagulat ka no bes… alam mo kahit ganung tao yang si Insan… may malungkot din yang pinagdadaanan. Si tito naman kasi, yung daddy niya… ayun always out of the country ang drama. Hindi ko na nga rin maalala kung kelan ko sila huling nakitang magkasama eh. Kaya ayun forever alone yang si France”
“…”
Napahinga ako ng malalim dahil sa mga narinig ko at naguilty talaga ako sa mga sinabi ko, may pinaghuhugutan naman din pala si yabang kaya ganun na lang ang reaction.
“hay nako tara na nga bes baka ma-late pa tayo”
Hinila na ko ni Sam papasok ng classroom
Ako… speechless pa rin. Naawa ako kay France.
Siguro nga kaya ganun yung yabang nay un kasi malungkot siya
Pero hindi naman ata tama na manakit siya ng iba para lang pasayahin niya sarili niya

BINABASA MO ANG
You & I
Teen FictionSi Lian ay isang simpleng babae lang... simpleng buhay... hanggang dumating sa buhay niya ang isang mayaman, mayabang at gwapong si France... na nabuhay yata para guluhin ang buhay ng nerdy na si Lian. Tingin niyo kaya mahuhulog sila sa isa't isa?