CHAPTER 2:
*This is war
“Grabe bes hanggang ngayon usap-usapan pa rin yung nangyare sainyo ni France,” sabi sakin ni Sam habang papasok kami ng building.
Eh madami naman talagang mga chismoso’t chismosa dito lalo na tungkol kay France.
Bwisit talaga yung asungot nay un eh.
Ang tahi-tahimik ng buhay ko ngayon ginulo niya. Kaasar talaga. ito naman mga tao na to why don't they mind their own business.. kairita..
“Hay nako, eh ano pa nga bag aasahan mo sa mga yan. Eh pumapasok lang ata yang mga yan para manghimasok sa buhay ng may buhay,” sagot ko sa kanya na medyo asar.
Pumasok na kami ni Sam sa klase.
Pagpasok naming sa room hindi na kogano nagulat kung halos lahat nakatingin sakin.
Yung iba titingnan ako pero pag tuminigin ako sa kanila biglang iiwas sila ng tingin tapos magbubulungan. Sobrang Big deal ba yung ginawa ko.. siguro nga.
Yung iba naman nakangiti sakin na parang may nakita silang kakaiba.
Papaupo na kami ng biglang may tatlong babaeng humarang samin.
Para silang yung tatlong babae sa mean girls. May dalawa pang galamay sa tabi. Kilala ko sila eto yung mga brat na maarte eh.
“Hoy manang nerd!” aba mukhang naghahanap ng away to ah. Pwes hindi ako papatol sa kanila no.
“magkalinawan nga lang tayo…bakit ang lakas ng loob mo para labanan si France ha?” pagtataray nila sakin.
E kung bangasan ko kaya tong mga to…de joke lang ^_^v mabait naman ako no.
“teka teka teka…bat niyo ba ko pinapakealaman? Ni hindi ko nga kayo kilala e” akala ata nila magpapasindak ako sa kanila eh. NO WAY!
“bes sila ata yung members ng fans club ni France,” bulong sakin ni Sam. Sus fans club? Eh ano naman ngayon"
“correction.” Sabat ni arte, “kami ang officers at ako lang naman ang president.” para naming may pake ako kung sila officers nun no.
“oh eh ano ngaun? May nagtanong ba?” medyo tinarayan ko rin sila.
Nakakairita kasi pagmumukha eh. kala ba nila maintimidate nila ko.. hell no!
Kala mo naman kung sinong magaganda e mukhang nagbihis lang ng maganda at naligo ng pabango. yun na yun? Bad ko hehe ^_~v totoo naman..

BINABASA MO ANG
You & I
Ficção AdolescenteSi Lian ay isang simpleng babae lang... simpleng buhay... hanggang dumating sa buhay niya ang isang mayaman, mayabang at gwapong si France... na nabuhay yata para guluhin ang buhay ng nerdy na si Lian. Tingin niyo kaya mahuhulog sila sa isa't isa?