Chapter one!
Sana naman magustuhan niyo ^__^
VOTE. COMMENT. FAN.
para ganahan ako magupdate haha
enjoy!
~~~
CHAPTER 1 : LIAN VS. FRANCE
♪, ♫ She knows exactly what to do, whenever I'm alone with her
I can barely make a move, by the time she opens up her eyes
She sings to me at night, she's singing:
BA DA BA BA BA DA BA BA DA BA DA ♪, ♫ -click!
Aga naman manggising nito eh.
Hay nakakatamad pumasok lalo na isang kagaya kong tao na nabuhay lang ata sa mundo para dumagdadag sa populasyon, good for nothing. Parang wala naman yata talaga akong purpose dito.
Ang araw-araw ko rin naman sa school boring. Wala akong ibang ginawa kundi mag-aral, makinig sa prof at mag-aral ulit. Nothing interesting.
Wala rin naman akong choice kasi kailangan kong pangalagaan ang scholarship ko.
Yup, you heard right! Isang akong scholar sa Adelaide University, isang school na para lang sa mayayaman.
Well, hindi naman para lang sa mayayaman pero halos lahat kasi ng nag-aaral dito mayayaman. And I'm not one of them. Pero pangarap ko ang yumaman!
Ako nga pala si Julianne Scarlett Torres, Lian for short. Namatay ang nanay ko sa panganganak sakin at iniwan kami ng tatay ko bago pa ko lumabas sa mundo na 'to. Buti na lang ay may kumukupkop sakin na mayayaman. Swerte na rin siguro. Mula kasi nung namatay ang nanay ko binilin na niya ko sa bestfriend niya. Kaya dito ko nakatira sa kanila ngayon at malaki ang utang na loob ko sa kanila. Mayroon silang mga business gaya ng restaurants at hotels dito sa Pilipinas at kahit nakatira sila sa isang malaking bahay simpleng mga tao pa rin sila. At bilang ganti sa kabaitan nila sakin gusto kong magtrabaho sa kompanya nila. Kaya naman ang kinuha kong kurso ay Financial Management. Third year student, 17 years old.
Ok enough na sa kwento. alam ko you don't find my story interesting.
Naligo na ko at nagbihis para pumasok sa school.
Pagbaba ko nakaready na ang breakfast nandun na rin si Tita Alice, Tito Bert at si Alex. Ang gwapo niya talaga! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos parang lalo pang nadagdagan ang kagwapuhan niya.
Nakangiti siya sakin nung marinig niyang pababa ako ng hagdan.
Nakakatunaw naman!
Si Alex ay para ko nang best friend slash Kuya. Pero ang totoo niyan noon pa lang may gusto na ko sa kanya.
Normal lang naman yun di ba? Eh masisisi mo ba ko kung nasa kanya na ang lahat ng gusto ko sa isang lalaki. Actually, lahat ng gusto ng isang babae sa lalaki. Mr. Perfect eka nga.

BINABASA MO ANG
You & I
Dla nastolatkówSi Lian ay isang simpleng babae lang... simpleng buhay... hanggang dumating sa buhay niya ang isang mayaman, mayabang at gwapong si France... na nabuhay yata para guluhin ang buhay ng nerdy na si Lian. Tingin niyo kaya mahuhulog sila sa isa't isa?