Chapter 15 [Something Special]

20 1 0
                                        

Chapter 15: Something Special

“Oh bakit ganyan mukha mo?” tanong sakin ni France habang hinuhuli yung tingin ko.

Hindi ko kasi alam kung ano isasagot ko sa kanya.

“Natatakot ka ba?” tanong niiya ulit sakin kaya naman napatango na lang ako. “First time mo no?” sunod niyang tanong at napatango na naman ulit ako.

“Sorry, France, hindi kasi talaga ko sanay sa ganito eh,” sumagot na ko sa kanya, “Kinakabahan ako.”

Medyo nagulat ako nung hinawakan ni France yung kamay ko, “Hindi ka dapat matakot. Magtiwala ka sakin. Magaling ako sa ganito. Ako pa ba?” nakangisi niyang sabi sakin. Eto talaga kahit kalian napaconfident. 

“Ayoko lang kasing isipin nila na kaladkarin akong babae,” sabi ko sa kanya.

“Don’t worry. Akong bahala sayo,” 

“Talaga?” nung tumango si France ay napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Natatakot lang talaga ko sa pwedeng mangyari. Hindi ko naman talaga kasi ginagawa to eh. Ngayon lang.

“So pano? Ready ka na ba?” nilapit niya yung mukha niya sakin. 

“Ready na,” sagot ko na sa kanya.

“Okay, eto na ah?” sabi ulit niya.

Eto na to. Wala ng atrasan to.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay bahagya akong napatalon sa tunog ng doorbell at bumukas agad ang front door. 

Kanina pa kasi kami ni France nakatayo dito sa harap ng bahay namin at nagcocontemplate kung pipindutin na ba niya yung doorbell. Hinatid  niya ko dito at para na rin maglunch samin. At kanina pa rin ako namamawis sa kaba.

Nakita ko si Tito Bert na seryosong seryoso yung facial expression. Shet, ngayon ko lang siyang nakita si Tito na ganyan kaseryoso. 

“Kanina pa kami naghihintay,” sabi ni Tito Bert habang nakahalukipkip ang kamay niya.

“Sorry po, Tito. Hindi na po mauulit,” mahina ko ng sagot.

“Siya ba yung kasama mo buong gabi?” tanong niya tapos ay napatingin sa magkahawak naming kamay kaya agad naman akong napabitiw.

“Ah Tito Bert si France po pala,” pinakilala ko si France, “France si Tito Bert.”

“G-good Afternoon po, Sir,” bati ni France tapos ay nakipagshake hands kay Tito.

Itong lalaki na to akala mo kung sino magsalita na siya bahala pero halata mo namang kabado! Ay grabe. Nauutal pa!

“Oh nandito na pala kayo?” biglang sumulpot naman si Tita Alice. Tiningnan niya si France mula ulo hanggang paa habang seryoso din ang mukha. “Boyfriend ka ba ni Lian?” seryosong tanong niya kay France.

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon