Ako na matagal mag-update T.T sorry naman.
~~~
Chapter 12:
*Jealousy
Lian’s POV:
Habang naglalakad ako palabas ng building hindi ko pa rin maiwasang ialis yung isip ko sa pamatay na titig nung Aubrey. Grabe kasi eh. Parang kakainin niya ko ng buhay.
Hay, wag mo na nga lang pansinin Lian.
Biglang natigil yung malalim kong iniisip nung may humawak sa balikat ko.
Humarap ako at nakita ko si Alex. Problema nito?
“Lian”
Huminga ako ng malalim na parang hindi affected sa presence niya. “oh Alex. Bakit?”
“uhh… sabay na tayo umuwi”
“uhh… ano eh… may pupuntahan pa kasi ako”
“samahan na kita”
“nako hindi na… a-ano… matatagalan pa kasi ako eh. Sige ha!” tumalikod ako pero bago pa ko makapaglakad palayo nagsalita na siya.
“Lian, can we talk?”
Unti-unti akong humarap sa kanya at nakita ko yung expression niya na hindi maipinta. Parang worried na galit na ewan.
“Ano naman pag-uusapan natin Alex?”
Huminga siya ng malalim “About you and France”
Medyo nagulat ako at medyo nanlaki mata ko. Medyo lang naman ah kasi hindi ko inexpect tog topic na to eh.
“bakit?” yung lang nasabi ko
“Lian sigurado ka ba kay France?... sigurado ka bas a relasyon niyo?:
Ano ba sasabihin ko? Oo, sigurado ako na fake relationship lang to? Hindi mo pwede malaman Alex.
“o-oo naman. B-bakit mo naman natanong yun Alex?”
“because it’s France. You hate him”
“a-akala ko din eh. Pero nakilala ko na siya Alex, he's not what you think he is.”
Kahit isang kasinungalingan lang to alam ko na totoo ang sinasabi ko nung nabanggit ko na iba si France.
“Pero you know him well. Pano kung ginagamit ka lang niya”
Aray naman Alex, preno naman-.- oo ginagamit niya lang ako para pagselosin yung ex niya pero hindi mo naman kailangan ipamuka na hindi ako yun tipo na seseryosohin niya di ba.
“bakit Alex? Bakit naman niya ko gagamitin? Kasi hindi ako maganda? Kasi hindi ako sexy katulad nung mga nagiing ex niya? Ganun ba?”
Pinipigilan ko naman yung mga nangingilid na lha sa mata ko.
“hindi ko sinasabi yun Lian. It’s just… it’s too unbelievable na—“
“na ano? Na magugustuhan niya ko?”
“no Lian—”
“Alex… masaktan man ako balang araw… there is no one to blame but me, kaya sana… kung anuman ang meron samin ni France… Labas ka na dun”
![](https://img.wattpad.com/cover/682411-288-k924466.jpg)
BINABASA MO ANG
You & I
Ficção AdolescenteSi Lian ay isang simpleng babae lang... simpleng buhay... hanggang dumating sa buhay niya ang isang mayaman, mayabang at gwapong si France... na nabuhay yata para guluhin ang buhay ng nerdy na si Lian. Tingin niyo kaya mahuhulog sila sa isa't isa?