Chapter 14 [A Sheep Dressed in Lion's Clothing]

49 0 0
                                    

Chapter 14: A Sheep Dressed in Lion's Clothing

"Lian!" lumingon ako sa paligid para hanapin yung boses nung babaeng tumawag sakin.

Habang lumilingon lingon ako ay napansin ang ganda ng unfamiliar na lugar. Masyadong maliwanag at para kong nasa kawalan. Parang... langit?

Nasan ba ko?

Anong ginagawa ko dito?

Bakit ako lang mag-isa dito?

At sino yung tumatawag sakin?

"Lian, mag-iingat ka," sabi nung babaeng kanina pa tumatawag sakin.

"Sino ka? Bakit ayaw mong magpakita?" tanong ko sa kanya.

"Lian," may tumawag na naman sakin pero this time lalaki naman.

Nakita ko siya pero masyadong maliwanag para makita ko kung sino siya.

Kaya tumakbo ako papunta sa kanya pero parang hindi ako lumalapit sa kanya hanggang sa nadulas ako at napahiga pero bakit ganun? Malambot?

Pagdilat ko ng mata ko ay nasa kwarto na ko at nakahiga. Nananaginip lang pala ko.

Ano kaya meaning ng panaginip ko na yun? Ang weird.

Sino kaya yung boses na yun at tsaka yung lalaki?

Nevermind. Panaginip lang naman yun.

Napaupo ako sa kama at napalingon sa paligid.

Shit!

Hindi ko to kwarto! Eh nasan ako?

Kinidnap ba ko?

Ang yaman naman ata ng kidnapper ko at malaki at maganda yung kwarto niya? Malas niya at hindi naman ako mayaman wala siyang mapapala sakin.

Hindi kaya may nagtatangka na naman sa pagkababae ko?!

Sabi ko na nga ba dapat nagsampa na ko ng kaso dun sa dalawang lalaking nambastos sakin!

Pagtingin ko sa ilalim ng kumot ay nakauniform pa rin naman ako.

Pero nasan ako? Kinakabahan na ko. Yung dibdib ko parang sasabog sa kaba.

Dahan-dahan akong tumayo para tumakas ng may marinig ako na nagpatay ng faucet sa banyo kaya bigla kong kinuha yung lampshade sa tabi ng kama para gawing depensa.

Unti-unti akong lumapit sa pinto para atakihin kung sinumang masamang loob ang nagkulong sakin dito.

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon