Chapter 13 [Orange Juice]

85 0 0
                                    

Hello po :) after 2 years mag-uupdate na haha!

sorry na :(

***

Dinampot ko ang ice pack na kinuha ko. After masuntok ni France ay dinala ko siya dito sa clinic.

Wala na yung nurse dito pano uwian na ng lahat kaya kami na lang ni France ang nandito.

Idadampi ko na sana yung icepack sa namumula niyang pisngi ng mapansin ko ang labi niya at bigla ko naalala ang lambot nito nung dumampi sa mga labi ko yan kanina.

AAAAAAAGH! BWISIT!

Sa inis ko ay diniinan ko ang dampi ng icepack sa mukha ni France dahilan para masaktan siya.

"ARAAAAAY!!" napahawak siya sa pisngi niya at pinandilatan ako ng mata, "dahan-dahan naman!" utos niya sakin.

"Wag ka ngang mag-inarte dyan. Para ka pong babae," tsaka ko nilagay ang ice pack sa mukha niya na agad naman niyang hinawakan.

"Eh kung ayusin mo kaya at baka kalimutan kong babae ka,"  

"Dapat lang sayo yan no," halikan ba naman daw ako ng wala akong kamalay-malay. Bute nga sa kanya masyado kasi siyang nagte-take advantage.

Kumuha naman ako ng betadine at bulak para linisin yung mga scratches na nakuha niya nung napatumba siya ni Alex.

"Oy ano yan???" parang natatakot na tanong ni France nung makita niya ang bulak at betadine na hawak ko.

"Gusto mong maging doktor pero di mo alam kung ano tong hawak ko,"

"Ayoko niyan!"

"Hoy lalaki! Pasalamat ka nga at tinutulungan pa kita eh!" 

"Tss. Kunware ka pa," seryosong sabi niya, "Hindi mo ba alam na pumipila pa ang mga babae at mga bakla para lang mapansin ko sila," dahil siyan diniinan ko ang pahid ko sa sugat niya. "ARAAAAAY MANANG!!!"

"Pumila ba ko??"

"E di hindi na kung hindi! Bakit ka ba nanakit? Sadista ka ba ha?! Magsama nga kayo ng Alex mo!" napatigil naman ako ng marinig ko ang pangalan niya. Ano kayang nangyari kay Alex? 

E bakit ko ba kasi siya iniisip??! Tama na nga Lian!

"Oh? napatigil ka? Ano ba kasing nagustuhan mo sa Alex na yun? Akala mo naman kung sinong mabait eh barumbado naman,"

"Mabait talaga siya no. At saka teka nga.... sino ba nagsabi ko sayong may gusto ako sa kanya??"

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon