eto na update! sorry kung nainip kayo. back to school kasi eh
busy busy na naman po :D
pero ittry ko pa rin isingit mag-update para sainyo.
abangan niyo rin po yung bagong story ko in the making :D
ang only girl! mamaya i-upload ko ang plot ^__^
enjoy! comment lang kayo!
~~~~
Chapter 8:
*Heart Doctor
Lian's POV:
Andito ako ngayon sa library. May quiz kasi kami sa bio sa Monday. Kailangan ko ng ayusin ang grades ko lalo na sa biology
Yun ang nagpahamak sa scholarship ko eh.
Aish! Mababaliw na ata ako eh. Kahit ilang beses ko yata basahin to hindi pumapasok sa isip ko.T_T
Ginugulo kasi ni Alex yung utak ko eh. Ang ganda talaga nung babaeng kasama niya eh parang anghel. Ano naman kaya laban ko dun no?
Napasubsob na lang ako sa libro na binabasa ko….
“HUY!” may gumulat sakin galing sa may baba sa bandang gilid ng upuan ko
Parang bata tong palaka na to
“Ay Palaka!” ayan… nasabi ko tuloy yung palaka
Napalakas ata yung pagkakasabi ko nun at napahawak pa ko sa dibdib sa gulat halos matumba na nga ako sa upuan eh
“HAHAHAHAHA! Mahilig ka sa palaka ah… wag ka mag-alala bibigyan pa kita marami hahaha” natatawatawa pa siya habang tumatayo at umupo siya sa upuan sa tabi ko
“Hindi ako mahilig sa palaka lalo na kung kamukha mo!”
Bwisit na yabang to ginulat pa ko!
“excuse me. This is a library so please keep quiet” ~librarian
Ayan napagalitan pa tuloy ako T_T
Leche kasi eh kasalanan to ng mayabang na palaka
“sorry po” sabi ko dun sa librarian habang payuko sa libro sa kahihiyan. Ito naming palaka na to natatawa-tawa pa palibhasa hindi siya mapagalitan “ano natatawa ka pa dyan? Aish. Bat ka ba kasi nandito?”

BINABASA MO ANG
You & I
Fiksi RemajaSi Lian ay isang simpleng babae lang... simpleng buhay... hanggang dumating sa buhay niya ang isang mayaman, mayabang at gwapong si France... na nabuhay yata para guluhin ang buhay ng nerdy na si Lian. Tingin niyo kaya mahuhulog sila sa isa't isa?