CHAPTER 31

17 4 2
                                    

Nagmadali kaming maglakad ni Kuya Khai kasi late na kami. Ang haba ng pinag-usapan namin, Samantalang 1 hour lang ang break kaya ayun buti nalang at naabutan namin si Teacher Kath.

"Hello Class, Good Morning!"

"GoodMorning Mam.. " bati namin.

"Oh.. Nandito ba sa classroom na to ang TOP 5? ng Musical Event? Cause I have an announcement.. "

Napalingon ako kila Hailee at nginitian. Napabaling din ang tingin ko kay Chester.Ang lungkot ng mukha niya...

"Yes mam!  Kame ,Yung grupo nila Hailee at samin tsaka yung kila Chester mam. Mam yun po.hihi" sabi ni Vix habang malapad ang ngiti.

Napangiti rin si teacher cath saamin at binati kami. Ano kaya yung announcement?

"Naalala niyo pa ba yung sinabi naming Vacation niyo? "

"Oh my ghad my heart is oh my--" di na natapos ni Clyde ang sasabihin niya nung binatukan siya ni Suade.

"You're being over acting. Vacation lang yun.. " rinig ko pang sabi ni Suade kaya napatawa kaming lahat.

"No.. Guys, this is not just a Vacation, You have activities there to prove that you can be an idols. Do you know the shows in MBC ? Like One Fine Day? It will be like that.. And.. " Nagulat ako sa sunod sunod na sinabi ni teacher kath. One fine day?  Nanonood ako nun.

Tinignan niya ang hawak niyang papel at nginitian kami.

"You have 2 weeks to do that activity"

Napasigaw naman ang iba lalo na si Vix, Rex at Clyde kasama sila Brithney at Zoe.

"Your Vacation will start next week....on monday rather. "

"AY MAM!  SAAN PO PALA YUN?! " sigaw ni Vix.

"Baguio City.. "

Pagkatapos ng class namin kay teacher kath ay bigla silang nagsilapitan saakin.

"OHMAYGASH. Im sooooo excited like duh?!  Baguio!!!" excited na sabi ni Brithney habang hawak ang kanyang buhok.

"Yeah. Maganda dun if I know. Nababalitaan ko lang. "

"Talaga? Parang wala pa satin ang nakakapunta dun ah? "

"Talagang wala pa..and I think it will be fun"

Uwian na namin at nililigpit ko na yung mga gamit kong kalat sa desk. Ganun talaga ako. Lahat ng gamit ko minsan.. Ayun kalat sa mesa.

"Cindy.. Una na kami ah? Kasi may inuutus pa si mommy sakin. You know.. Girly things. " tumango nalang ako kay Brithney at sakanila.

"Kami din. Sabay naman kayo ni Khailer diba? " nginitian ko nalang siya at nauna na silang umalis.

Bigla kong naalala si Chester kaya nilingon ko siya sa pinakalikuran ng room.

Nililigpit na rin niya yung gamit niya at napatingin siya sa sakin kaya napa-iwas ako.

Ano kaya talagang nangyari? Nag-away ba talaga ulit sila ni kieth?

"Princess.. " nilingon ko si kuya. Karga niya yung bag niya sa likod.Nakita ko ring wala na sila Vix.Di ko napansin yun ah?

"Kakausapin ko lang si keith.Hintayin mo nalang ako sa kotse. Pinadala ko kay manong kuko. "

"Sige kuya. " nginitian niya ako and he pat my head.

Wala nang lahat ng tao sa room pero nagulat ako nang nakita ko si Chester na naghihintay sa labas ng pintuan ng room.

Hindi naman sa nag-aasume, pero.. Hinihintay ba niya ako?

Nagkunwari akong di ko siya nakita at nilagpasan ko lang. Kaya lang talagang hinabol niya ako pero nasa malayo na rin kaya sumigaw siya.

"Cindy!! " hinintay ko siya sa gitna ng paglalakad ko at kunyaring nagulat.

Hinihingal siyang tumingin sakin at nginitian niya ako.

"Akala ko umuwi ka na.. " baling ko sakanya at naglakad. Sumabay naman siya sakin.

"Nope.. Hinintay talaga kita. " napalingon ako sakanya at tinignan ang reaction niya nung sinabi niya yun. Di ko mabasa.

"Why? Do you have something to say? ...to me? " habol ko at patuloy pa rin sa paglalakad.

"Can I court you? " diretso niya sakin kaya napahinto ako.

Di ko kayang lumingon sakanya at gulat pa rin ako sa diretsong pagsabi niyang iyon.

"Uh-uhmm Are you serious about that? " sabi ko nang di pa rin siya tinitignan.

"Yes. Why not? I know, You treat me as your friend. But..I don't know that I want to be with you for long time instead." bumilis yung tibok ng puso ko. Ba't ba ako kinakabahan? Siguro ngayon lang ako nakarinig ng confession sa isang lalakeng di ko masyadong close. Hindi ko to na feel kay kieth. Dahil siguro mahal ko na siya?  Paano si Kieth?  Anong sasabihin ko kay Chester? Kinakabahan ako sa sitwasyong ito kaya nilingon ko siya at kita ko sa mga mata niya na seryoso siya.

Mas lalo akong kinabahan.

"Ah.. Eh.. Kasi Ches--" di ko natapos ang sasabihin ko nang narinig ko ang boses ni Kuya khai sa likod namin.

"Princess... Tara na. " Napatingin siya sa kausap ko at matalim ang tingin niya kay Chester.

Nag-aalinglangan pa ako sa sagot ko lalo na't di ko pa sinasagot ang tanong ni Chester.

"I'll text you" saad ni Chester tsaka siya umalis sa harapan namin.

KIETH'S POV

"Im sorry hyu--"

"Ang bakla ng aura natin kieth, Pwede bang ako nalang ang magsasalita? Kasi inaantok na ako kaya bibilisan ko na ang explanation. "

Tumango nalang ako sa sagot ko at para akong estudyanteng nakikinig sa teacher na pinapagalitan.

"Nag-usap na tayo dito dati. About it. About Cindy. Do you hear my acceptable for your Courting thingy to Cindy? Diba wala naman akong sinabi? Pero kieth sana naman naiintindihan mo ako, Oo wala akong karapatan sainyo kasi buhay niyo yan.. Pero ang akin lang ay pinoprotektahan ko lang si Cindy. I don't want to see her crying because of that Love shit.Now,Yes for me. Can you court her.. " Napalingon ako sakanya at biglang lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. Nakinig ako sa lahat ng sinabi niya at tama nga naman siya. May karapatan siya kasi kapatid niya yun.

"Cindy!! " may narinig kaming may sumigaw kaya napalingon kami lalo na't Cindy ang sinigaw.Si Chester?  What the..talagang sinusubukan niya ako ha?

"Kalma lang kieth." napatingin ako sakanya at kinalma ko ang sarili ko.

"Ako na ang bahala dun. Makinig ka muna sakin. "tumango ulit ako at nilingo ko sila Cindy.

"Mamaya na nga.. Tangina makinig ka muna sakin. "

"Oo na" inis na sagot ko.

"Ayoko nang tinatago mo sakin ang panliligaw mo sakanya.Akala mo di ko narinig?  Gago ka ba?  Sobrang galit ako nun. "

Nilingon ko siya. Narinig niya? Yun bang...

"Oo. Nasa pintuan ako nun nung sinabi mo yun. Kaya sige. I let explain you about it"

Huminga ako ng malalim at hinarap siya.

"Hyung.. Hindi ko kasi talaga alam kung payag kang ligawan ko siya.Nung kausap naman kita dati.. Di ka naman nag-agree. Eh...Naatat na akong ligawan siya at mapasakin. Nakikita mo yun? " sabay turo ko kila Cindy at Chester na magkasamang naglalakad.

"Baka maunahan ako nun. O baka maagawan pa ako. Alam ko ring ayaw mo dun sa mokong na yun eh. Tignan mo tuloy. Dumadamoves na.. " walang gana kong sabi.

"Sige.. Una na ako. Inaantok na talaga ako.Ako na ang bahala dun" bigla niyang sabi at umalis na sa harapan ko.

Ganun lang yun?

Battle Between Music and Love (BTS and APINK series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon