CHAPTER 29

17 4 4
                                    

A/N: thank you nga pala kay "-eunhamin0937 " nang dahil sakanya kaya ko tinuloy ang story na to. Akala ko wala nang nagbabasa. Hahahaha So, Thank you be~ Hart. Hart.

Nga pala, binalik ko na ang POV ng bawat isa. Hirap kapag walang POV nila. Hahahaha. Sorry and Enjoy! ~

---

Dumating ng Monday nang hindi pa kami naguusap ni kuya. Ano nga ba ang dapat kong gawin? Kailangan ba ulit namin magusap tungkol dito? I know, mabilis ang pangyayari and also I know na mahal ko na si Kieth. Hirap mag-assume kung gusto rin niya ako. Tingin ko, Oo ata. Pero di naman makapal mukha ko. Sadyang ramdam ko lang.. Hehe

Napatingin ako sa baba kung saan kumakain na sila mommy at daddy kasama si Kuya Khai.

Hindi pa nga pala napapansin nila mama na nag-away kami ni Kuya. Nasa Paris sila nung mga panahong yun at kagabi lang sila umuwi.

"Oh anak, Baba ka na! yung chocolates mo nasa maleta pa. Sorry, kasi masyadong pagod kami ng daddy mo kakabalik ng pilipinas papuntang Paris.Di na namin naasikaso yung bagahe" sabi ni mommy habang pababa ako ng hagdan papuntang Kusina.

"Ok lang mommy, Kukunin ko po mamaya" tumabi ako sa tabi ni Kuya. Lagi naman kaming magkatabi habang kumakain na ee.

"Kumusta yung school works niyo? Nagagawa niyo ba ng mabuti? " napasulyap ako ng tingin kay kuya, at nakita kong napatayo na siya.

"Im done. I'll go ahead. "

Nakita ko na napatingin si Mommy sakin.

"Is there any problem anak? "

Napatingin din ako kay mommy at kay daddy na parehong nakatingin sakin.

"Later Mom,Dad. Kakausapin ko lang po si Kuya" Napatayo ako at hinabol si Kuya.

Nilingon ko siya at nakita kong pinapaandar na niya ang motor niya.

"Kuya Wait! Kuya! kuya! "

Tumigil naman siya sa kakapadyak ng power ng motor o kung ano man yun. Di ko alam

"Kuya.. Mag-usap na tayo. I-Im so sorry.Can we talk now? Please? "

Tinignan ko siya at napansin kong huminga siya ng malalim.

"Mamaya. Tatawagan nalang kita. Malalate na ako"

"Ee kuya malalate na rin ako. "

Napailing nalang siya at pinaandar na ang motor at umalis sa harapan ko.

Hayss.

--

VIX'S POV

"Di mo alam dahil sayo, ako'y di makakain... ~ di rin makatae buhat ng iyong kutuhin ~"

Napapakanta nalang ako sa sobrang tuwa. Tuwang tuwa.

"Taena may composer pala dito" -Rex

"Ang aga aga"-Clyde

Ba't kaya galit sila kapag kumakanta ako? Maganda naman boses ko.

"Ang ganda kaya ng boses ko. Ano yang pinuputok ng butchi niyo? " sabi ko sakanila habang nakasandal sa pader ng room namin.

Nandito kami ngayon sa labas at nagpapahangin. Wala pa namang teacher ee.

Natutuwa talaga ako sa araw na to. Di ko alam kung bakit.

"Wag ka kasing gumawa ng sariling Lyrics. Masyadong nakakasuka" sabi ni Suade. Tinignan ko siya ng nakakaawa.

"Brad.. "

"What? " takhang tanong niya.Naiiyak na ako.

"Buntis ka ba? " sabi ko at agad na umiwas sa sapak niya.

"Gago ka"

"Mahal ka naman" balik ko sakanya. Agad ko naman naalala ulit ang nangyari kanina ..

REWIND

Pagkadating ko sa Room ay agad kong unang nakita si Zoe na nagsusulat sa White Board.

Dahan dahan ko naman tinignan kung anong sinusulat niya.

Saranghaeyo Kim Taehyung <3

Huling basa ko sa sinulat niya.
Fan din pala to ng BTS? yun kasi ang Cover group namin. Di kaya....

"Ikaw ha. Mahal mo si V? "

Nagulat siya sa pagkabulong ko sakanya at agad niyang binura ang nakasulat.

"A-ako? F-fan ng B-BTS?! hindi ah! " hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkatitig sa mga mata niya at nakangisi pa.

"W-wag ka ngang ganyan! Mukha kang aso! "

"Ako? Mukhang aso? Sa gwapo kong to? Tanggap ko pang alien ako ee. Magkamukha kami ni Matteo Do"

"Yuck Vix. Mahiya ka kay SooHyun" sabi niya at tumalikod. Hinila ko naman ang braso niya at napatingin sakin.

"Ano?! "

"Mahal kita" sinabi ko sakanya at iniwan nalang siya dun na namumula.

---

CINDY'S POV

"Cindy!" rinig kong sigaw ni Chester at patakbong sumabay sa lakad ko.

"Hi. Good Morning " sabay ngiti ko sakanya.

Napansin ko naman kaagad na may pasa siya sa mukha at may sugat ang kanyang labi kaya napahawak ako rito.

"Anong nangyari sayo? "

Tinabing niya ang kamay ko sa pagkakahawak ng labi niya at napailing.

"Wala to.Tara,Baka malate pa tayo"

Naunahan pa niya ako maglakad. Nice.

---

Ang bilis ng oras no? Lunch break na at hinahanap ko pa rin si Chester. Di ko alam, pero nag-aalala ako sa sugat niyang yun. Concern lang siguro ako? Dahil friend ko siya?

"Ysa.. " Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Kieth.

What the?...

"May sugat ka rin? "

"Pwede ba tayong mag-usap?" sabi niya habang papalapit sakin at hindi pinansin ang tanong ko.

"E-eh... Uhmm. T-tungkol saan? "

Tinignan niya ako sa mata at halos mapalundag ako sa kaba.

Ang seryoso niya.

"About you..







And Me"

----

OH EDI BITIN. HAHAHAHAHAHA SORNA.
(Sorry sa Typo) I-eedit ko to kapag malapit na matapos. Hehe mukhang mahaba haba pa to. Haysss. <3

Battle Between Music and Love (BTS and APINK series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon