CHAPTER 53

19 2 1
                                    

EXIT on Multimedia.

Line-up:
Gail-Hyerin-Le-Junghwa-Solji

CINDY'S POV

"Hindi ka pa ba tapos jan Cindy?" tanong sakin ni Zoe.Nilingon ko siya na nanliliit ang mata.

"Ano na naman?"

"Wala.May iniisip lang ako" sabi ko tsaka ko pinakinggan ulit ang beat.

Ako ang incharge ngayon sa pag-edit ng beats sa kanta.Syempre, nahihirapan ako pero ito na ang last.Kaya gusto ko gandahan.Dapat rin na matapos na to kasi 4 days nalang ang natitira samin.

Kaya ba namin yun?

"Tulungan ka na namin.Wait" tumayo siya sa kinauupuan niya at tsaka niya binato ang unan kay Hailee.

"Aray ha.Sorry is enough"

"Sadya yun.Tara dito.Tulungan na natin.Tapos na naman tayo sa steps eh."

Ako ang tumatapos ng kanta at sila naman sa steps at natapos na nila ito since narinig naman na nila ang beats sa kanta namin kaya nagawan na nila.

"Ending nalang."

KIETH'S POV

"Tapos na kaya sila?" tanong ni Trix habang kumakain ng Fries.

"Bat di mo itext si Hailee? Hawak mo naman yung cellphone mo" sabi sakanya ni Suade.

Nakikinig lang ako sa usapan nila kasi may iniisip ako.

"Ayoko.Baka maistorbo ko sila.Alam niyo naman na hindi pa sila tapos."

"Naks naman! Boyfriend material! Bigyan ng piso yan!" may pataas taas pa na kamay si Vix habang sinasabi yun.Hindi naman nila pinansin yun.

Paano ko ba gagawin ang panliligaw ko kay Ysa? Sa totoo lang wala talaga akong alam sa mga moves sa panliligaw.Bakit? Wala naman kasi akong niligawan dati.Si Cass? Hindi ko naman siya niligawan.Ang bata pa namin nun.Kung tanungin ko kaya si Trix Hyung?

"Trix.." bulong ko sakanya.Nasa harapan ko lang siya kaya bulong nalang.Baka marinig ako nitong apat.Except kay Suade, matino kausap.Si Khailer,dapat hindi niya marinig kasi sa kapatid niya ang pag-uusapan.

"hmm?" sabi niya habang nakataas ang kilay.

"May itatanong ako pre.Makinig ka" sabi ko sakanya sabay pindot ko ng screen ng cellphone niya.Hindi kasi nakikinig eh.

"HALA NA SENT! KIETH NAMAN!"

"Ano na naman yan?" seryosong tanong ni Suade.Nakakatakot ah.

"ETO KASING SI...Hayss.Nagdadalawang isip pa kasi ako kung tatanungin ko na ba si Hailee kung tapos na sila at magddate kami pagkatapos" napalingon kaming lahat sakanya.

"Bakit?"

"I told you after this competition."

May sinabi kasi saamin si Suade na kailangan muna namin magpractice pa.Hanggang sa pagtapos ng Competition na yun.Anong gagawin ko? Edi maghintay.Ngayon,nag-iisip lang talaga ako ng gagawin.Para handa na diba? Hindi yung yayayain ko na siya? Hehe.

"Oo nga..Ikaw talaga Hyung.Tiisin mo muna yan.Tsaka nasa baba lang naman siya.Ba't di nalang kayo mag-usap gamit ang isip?" sabat naman ni Vix.

"Luh.Tanga pwede ba yun? utak tol asan?"

Hindi na namin sila pinansin.Sila nalang nagbubilyawan dalawa ni Clyde kaya bahala sila.

Naging tahimik kaming magkakaibigan dito sa kwarto ni bayaw Khailer.Naasiwa talaga ako kapag tinitignan ko ang collections niya.

"Bakit ba mahal na mahal mo si Kumamon?" tanong ko.Ang dami niya kasing collections ng Japanese mascot na to.Sakit sa mata.Kulay itim pa.

"Eh bakit ikaw mahal na mahal mo si Iron man?" bato niyang sagot sakin.Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.Oo marami rin akong collections ni Iron man.Wag kayong maingay ha.Suot kong boxer ngayon ay Iron man na din.

"Kung ayaw mo sa kumamon ko, edi wag ka nang tumapak sa bahay namin.Alis na! Dun ka sa kwarto mo na puro Iron man" sabi niya yan habang nakapikit.Kaya siniko ko si Suade at nagmakaawa face ako na nagsasabing tulungan-mo-ako-hyung na tingin.

"Just be quite guys.I want to rest.Later on, magppractice na naman tayo.Magpahinga muna tayo for now" ayan ang bagsik ni Leader nim.

Tulog na silang lahat.Except saamin ni Trix.Si Vix nakahandusay sa sofa dito sa kwarto ni bayaw Khailer.Si Rex tulog sa kama katabi si bayaw Khailer.Si Suade hyung tulog din na nakataas ang paa sa mesa.Si Clyde nakahiga sa sahig.

Eto na ang pagkakataon ko para magtanong.

"Hyung..." simula ko.Tinignan na niya ako na parang antok na antok.

"Paano ba....paano ba.." paano ko ba tatanungin?

"Bilisan mo.Inaantok na ako" sabay lapag niya ng cellphone sa mesa.

"Ano kasi.." yumuko ako para naman kunyari shy type.Pero ang alam ko wala sa bokabularyo ko yun.

"Paano ba manligaw? I mean..Hindi ko alam kung paano sisimulan? Kapag date naman..parang common.Gusto ko yung kakaiba.Hindi naman yung umabot sa buwis buhay.Yung sakto lang na kakaiba.Alam mo yu------tulog na?"  Huminga ako ng malalim at tsaka ako sumandal sa pader.

Nandun na sana yun.Bastos na bata naman nitong si Trix.Makatulog na nga rin.Next time na lang.

CINDY'S POV

Umalis kami sa bahay dahil sa emergency.Kailangan naming pumunta ng school ngayon gawa ng requirements ni Cass at ang pagpasa namin ng project.Nakisabay diba? Natapos na namin to nung nakaraang buwan pa kaya lang di pa namin napapasa.Di naman sa late ang pasa.Naintindihan naman ng subject teacher namin kaya sinabay na namin sa pagpasa ng requirements ni Cass.

Hindi na namin nagawang magpaalam kila kuya Khai kasi nakita namin kung paano sila matulog.Sinilip lang namin at di kami tumapak sa kwarto niya.Nagulat pa sila Hailee kasi maraming stuff toy si Kuya ng isang Kumamon.Favorite niya talaga yun.Kaya ayaw niya kami tumapak sa kwarto niya dahil dun.

"Wala naman sigurong gagalaw dito nito diba? Kailangan natin ipasa yan ng sabay sabay" sabay turo niya sa laptop.

"Iiwan natin yan dito? Kung sa library nalang kaya? Baka mawala kasi.Malapit na natin tapusin yan eh." Nagpasya kasi kaming dito nalang gumawa sa school para kapag tapos na, saka namin ipapa-burn.

"Sige.Samahan mo ako Cindy" sumama naman ako kay Hailee sa pag-iwan ng laptop sa librarian at pagkatapos namin gawin ang lahat ay dumeretso na kami sa library kung saan namin itutuloy ang ginagawa.

"BESTFRIEND!" napalingon kami sa likod nang may sumigaw.Pinagalitan pa siya ng librarian.Nag-sorry naman siya at nagtuloy sa paglakad.Baliw talaga.

Nanliliit ang mata kong tinignan si Chester na papalapit kasama si Derb.

"Hey.Hi bestfriend hello guys.Hi Snobber Cassley" masayang bati ni Chester sakin.Inirapan ko siya dahil sa pagppuppy eyes niya sakin.Ano bang gayuma ang nainom nito at nagbago na? Dati lang ang sungit-sungit niya at tumutulo pa ang laway habang tulog.Ngayon ganun pa rin ata.

"What do you want?" tanong ko.Nginitian niya lang ako.

"Wala .Kinukumusta lang kita.Ay nga pala.Hi daw Hailee sabi ni Derb" siniko naman ni Derb si Chester dahil sa sinabi nito.

"Hi Derb nga pala" sabay abot niya ng kamay kay Hailee.Tinignan lang ito ni Hailee pero ilang saglit lang ay tinanggap niya na rin ito.

"Oy may boyfriend na yan" singit naman ni Zoe.Binatukan lang naman siya ni Brithney dahil sa sinabi nito.

"Baliw ka ba? Nakikipagkaibigan lang yung tao"

"Nakikipagkaibigan pero kay Hailee lang?"

"Selos ka naman?"

"Luh ikaw ang baliw"

"OHMAYGAD! BAKIT NAWALA" sigaw ni Jhacky habang nakatingin sa laptop kaya napatingin kaming lahat sakanya.

"Anong nawala?" Sabay sabay kaming tumingin sa laptop kasama sila Chester.










"Nawawala yung kanta natin.."

Battle Between Music and Love (BTS and APINK series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon