CHAPTER 65

13 2 0
                                    


CINDY'S POV

2 YEARS LATER.

Masaya ako nang dumating ang anak ko sa buhay ko.Kahit ganun, sexy pa rin naman ako.Nagkikita pa rin kami ng APINCH ,pero minsan na nga lang.Pwera kay Cassley.Nalaman ko nalang na sila na ni Kuya Khailer.Ayun, sumunod siya sa Korea.Hindi ko na naituloy ang pag-aaral ko dahil sa pagbubuntis ko.

Yung contract na pagkatapos ng 3 years ay magdedebut kami? Nandito pa rin saamin.Kinuha na kami ng isang entertainment sa korea at hinihintay na lang ang 1 year para magdebut.Hindi kami tinanggalan ng contract dahil lang sa pagbubuntis ko.Naintindihan naman nila ang explanation ko kaya pwede pa kami magdebut.

"Hi Kiethy!!!" sigaw ng bestfriend ko na si Chester.Nandito kaming dalawa ng anak ko sa bahay.Yes,Her name is Kiethy.Kinuha ko ang pangalan niya sa daddy niya.Si Chester ang naging katulong ko nung panahong pinagbubuntis ko pa lamang si Kiethy.Lagi niya kaming kasama at lagi niya kaming pinapasyal.Kahit dalawang taon pa lang tong si Kiethy ay palangiti na.Pero wala pa naman siyang ngipin.Patubo pa lang.

"Baby Kiethy..Kita mo ba daddy mo sa TV? Ayun oh.. kumakanta siya.Bilis cheer mo!" Binatukan ko kaagad si Chester.Baliw talaga to.Alam nang hindi pa nakakaintindi ang anak ko, pinagpipilitan niya talagang ipakilala si Kieth.

Naalala ko naman ang nangyari noon.Nung panahong.. sinaktan ko siya.Para rin naman sa pangarap niya yun.Para na rin kay Kuya Khailer.Worth it kasi sikat na sila ngayon sa Korea.Pinapanood ko sila lagi.Kapag may mga KCON,Shows,Reality Shows,Drama or Concert sila ay updated ako sa lahat.Naalala ko rin na pinaglihian ko rin si Kieth habang buntis ako.Pinapanood ko lahat ng Music Videos nila ng paulit-ulit.Siguro mga 25 o higit pa na ulit ko dun.Kaya tumataas ang views ng mga MV nila.Siguro tulong ko na rin yun sa pagpanalo nila sa mga Shows.

Ang EXIT? Sikat na rin sila.Sila ang pumalit saamin sa pagdebut.Naiinggit man kami, pero pinapangako namin na pagkadebut na pagkadebut namin, gagawin namin lahat.Papatunayan namin na kami yung sana ay magdedebut.Magdebut kasama ang BBTS.

Masaya ako na masaya si Kuya Khailer ngayon.Habang nakikita ko silang masaya ay masaya na rin ako.Namimiss ko na si Kuya Khailer.Minsan nalang siya tumawag dito saamin.Nung minsan nga ay narinig niya na umiiyak si Baby Kiethy e, sinabi ko nalang na nanonood ako ng TV.

"Tulala ka na naman.Iniisip mo na naman si Kieth? Sus.Alam mo na ba ang balita?" Napatingin ako sakanya.Nasa lap ko ngayon si Kiethy habang kinakain niya ang buhok ko.Tinanggal ko naman agad.Baka paglaki nito ang kainin nalang nito eh yung buhok niya.

"Ano yun?" nag evil grin siya sakin kaya umiwas ako ng tingin.Parang baliw kasi.Pa-intense pa.

"Eto na.Sasabihin ko na.May concert sila Kieth dito sa pilipinas" nanlaki ang mata ko at hinarap ko kaagad siya.

"Di nga?! Totoo?"

"Oo! Ano ka b--"

"CINDYYYYYYY!! OH MAY GAD OUR BABY KIETHY!!" tinakpan ko kaagad ang tenga ni Kiethy.Kawawa naman tong anak ko baka mabingi ng tuluyan dahil sa sigaw ni Brithney.Nandito na naman silang apat.

"Teka nga, kakakita niyo lang kay Kiethy kahapon ah? Nandito na naman kayo?"

"Pake mo ba? Inaanak namin yan"

"Inaanak ko rin to noh"

Lagi silang ganyan kapag nagkikita sila.Minsan nga nag aagawan pa sila sa pagkarga kay Kiethy.Ang ginagawa ko? lumalabas ako ng bahay at iniiwan ko sila habang nagtatalo.

"Baby..want to see daddy?" Hindi pa rin niya ako naiintindihan.Pero alam ko na gusto na niyang makita at mayakap ang daddy niya.Minsan gusto ko nang puntahan si Kieth sa Korea at sabihing anak namin to.Na may anak kami.Pero paano? Maniniwala pa kaya siya sakin? Mahal niya pa kaya ako pagkatapos ko siyang pagtabuyan?

Battle Between Music and Love (BTS and APINK series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon