CHAPTER 42

14 3 0
                                    

REX'S POV

"What do you do when you're home all alone? " yan ang tanong na nabunot ko.

Ano nga ba ginagawa ko kapag mag-isa sa bahay?  Hmmm.

"Nanonood yan ng porn!" napalingon kaagad ako sa makating bunganga na si Vix at binato ko sakanya ang sapatos ko.

"Tangina mo po" sabi ko ng walang boses.Aba ibubuking pa ako ng hayop na to.

Nang dahil dun ay nagtawanan ang iba.

"Hindi ah! Mabait ako. " sabi ko sakanila habang tinuturo ko sarili ko.Mabait naman talaga ako eh. Umagree kayo please.

"Ang ginagawa ko ay makinig ng music at sumasayaw. Yun lang po at maraming salamat" tsaka ako nag bow.

Pagkarating ko sa ka-grupo ko tsaka ko binatukan ang walangyang Vix.

"Aray! Sakit sakit friend"

"Gago ka talaga. Baka nga ikaw jan ang nanonood. Igaya mo pa ko sayo"

"Anong ako? Si Kieth nanonood din. Nahuli ko yan" bulong ni Vix.Napalingon naman ako kay Kieth na ngayon ay nakatayo na sa harapan.Taena,Di man lang nagmarathon.

Nauna nalang muna kami sa grupo nila Brithney kasi nag-cr pa si Zoe.Najojorbaks daw siya. Ew.

"Privilege: ....."

"Tuloy mo kieth. " bulong ni Hyung Suade. Pagkatapos niyang basahin ang privilege ay parang di siya mapakali? taena baka ang tanong ee.

"are you watching porn? " hahahahaha Jokeh lang jokeh.

Napalingon ako sa dumating na si Zoe kasama si Cindy. Aba tong dalawang to. Ang tagal tumae. Pero bakit parang umiyak si Cindy?

"You can ask anybody your question" sabay tingin niya samin.

"Yun na yun? " tanong ko. Aba mas maganda to ah.

"Oo. " sagot agad niya. Sino kaya yung tatanungin nito.

A moment of silent. Puta ang tagal. Gumagabi na at nakakatakot na dito.

"Bilisan mo kieth! " sigaw ni Clyde.

"Takot ka lang eh. Hahaha" Bulong Ko Kay Clyde.Matakutin to eh.Mwehehe.

"Kanino ka magtatanong Kieth?" Singit ni Chester.

Nagkabati na ba tong dalawang to? Himala kinakausap niya si Kieth.

"Cindy...."

CINDY'S POV

"Cindy...." napaangat agad ako ng tingin sa harap at kita ko ang malungkot na mata ni Kieth habang nakatingin sakin.

Wait di pa ako ready.Kakaiyak ko lang kanina.Why?

*REWIND*

Natapos na ang EXIT sa mga tanong na napili nila at sunod na magbabasa ay ang grupong BoystoB.

Unang tumayo ay si Chester.Pagkatingin at pagkabasa pa lang niya sa tanong niya ay napatingin agad siya sakin.Wth.Don't tell me na imemention niya ako?

"Privilege..

Confess anything in this room" Nakikita ko ang mga lungkot sa mga mata niya.

Sorry Chester.

Sana naintindihan mo ako nung mga panahon na yun.

Sadyang mahal ko lang si Kieth.

"Confess? Hmm.Rejected." Huminto siya sa pagsasalita tsaka ulit siya tumingin saamin.Hindi pala saamin.Kundi sakin lang.

"Masakit pala ang mareject ka ng taong mahal mo.Yeah,I love her.Pero..May mahal na daw siyang iba eh.I respect her decision.Kahit ano pa man yun.Hindi ko na siya guguluhin...Now na ..nalaman ko na ang mahal niya pala ay kadugo ko lang."

Battle Between Music and Love (BTS and APINK series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon