CHAPTER 59

10 3 2
                                    

©ttootp.

CINDY'S POV

Bulungan lang ang maririnig sa audience at pati ang MC ay nakatingin at nakangiti lang saakin.Nagtataka namang tumingin sakin ang lima.I decided it for a long time.Ayoko rin naman maging pabebe sa lahat ng bagay.Lalo na sa panliligaw kung alam mo namang sincere ang lalake.Kung hindi talaga kayo para sa isa't isa at hindi kayo match,

There's a word called Break Up.

"Hala sino kaya?"

"OMG baka si Chester?"

"OMG wag sana si Crush! Huhu"

"Aww ang sweet nun"

Hinanap ng dalawang mata ko si Kieth,pero hindi ko siya nakita malapit kay Trix.Si Trix lang ang nanonood.Sasabihin ko ba kahit wala siya?

"Yes, Ms.Ferran? Tell it now." Nilingon ko ang MC at tsaka ako lumingon ulit sa audience sits.

Napansin ko na may anim na taong tumatakbo papasok.Hinihingal pa sila habang papalakad papunta kay Trix.

Naririnig ko pa rin ang bulungan nilang lahat.Inayos ko ang mic na nakasabit sa tenga ko.Nilapit ko to sa bibig ko at sinabi ang mga katagang matagal ko nang pinag-isipan.

Huminga ako ng malalim at tsaka ako nagsalita.

"Yes Kieth..I will be your girlfriend from now on."

KIETH'S POV

Naiinis pa rin ako sa mga nangyari ngayon.Biruin mo? Nakita ko silang magkayakap? Sila na ba? Kaya ba ayaw pa akong sagutin ni Ysa? Pero alam ko mahal niya ako.Alam ko yun.Pero anong ginagawa at pinagusapan nila ng Chanyeol na yun?

Sino ba mas gwapo? Ako na kamukha ni Jungkook o Si Chanyeol ng EXO? Pero alam ko ako ee.Hindi ko rin naman maitatanggi na may itsura nga yung mokong na yun.Paano kaya sila nagkakilala? Kanina lang sila nagkita ah?

"Taena bingi talaga" napalingon ako sa nagsalitang si Rex.

"Ayan.Natauhan na rin.Samahan mo kame sa labas! Bibili kame ng turon." Alam nang ang lalim ng iniisip ko, iistorbuhin pa.Wala na akong nagawa kundi samahan sila.

"Grabe yung interview natin kanina no? Pati lovelife.Akala ko pa naman di aamin si hyung na may Hailee siya ee." Si Trix nga lang nagsalita saaming lahat.Kasi kame...single gentlemens pa lang.

"Grabe no? Ang galing magsalita nung leader ng APINCH.Maganda din siya!"

Napalingon kaming anim sa nagsalitang mga babae sa tabi namin na bumibili din ng turon.

"Miss? Apinch na ang iniinterview?" Tanong ko.Namula yung dalawang babae kaya napiling ako.

"Miss?"

"Ah! Ah..O-oo! OO! Sila na..Alam niyo ba,may aaminin yung isang member sakanila.She said n-na..Sasagutin niya na daw yung nanliligaw sakan--"

Tumakbo na ako.Hindi ko namalayan na bumibilis na pala yung tibok ng puso ko.Ano to? Ito na ba yun? eh kung ganun, ano si Chanyeol sa buhay niya? Si Ysa ba talaga ang sinasabi ng babae?

"Tangina yung turoooon" sigaw ni Vix habang tumatakbo.Di na kami nakabili nang dahil sakin.May oras pa naman mamaya.

Dumating kami dun nang hingal na hingal kaya nakuha namin ang atensyon ng lahat.Naglakad nalang kami papunta sa tabi ni Trix na hindi man lang kami sinabihan na sila na pala ang iinterviewhin.

" Yes Kieth..I will be your girlfriend from now on."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Ysa.A-ano..daw?

Battle Between Music and Love (BTS and APINK series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon