CHAPTER 34

15 4 0
                                    

CHESTER'S POV

Nagulat kami sa mga impormasyon na binitawan ni Mr. Nim.Kailangan na namin mag-ayos para bukas dahil naggagabi na rin.Iniwan na rin kami ni Mr. Nim dito sa bahay. Napag-usapan na rin namin na bukas nalang maghahanap ng Activities dito sa buong bahay.

6:36 na ng gabi ay wala pa ring kumikilos saamin na magluto ng ulam kaya nagprisinta na ako.

Kanina ko pang gusto na kausapin si Cindy kaya lang di ako makatyempo dahil umaaligid sakanya ang kuya niya at ang kagrupo nito. Kaya di ko muna siya pinansin kanina.

Naghanap ako ng pwedeng kainin ng lahat habang nasa labas pa sila at nagsasaya sa magandang view. Di ba sila nagsasawa?

May mga naiwang fork, Beef, Chicken at iba pa dito sa ref kaya sinubukan ko nang magluto ng adobo. Bahala sila kung sino man ang gustong kumain nito.

"Gusto mo tulungan kita? " napalingon ako sa nagsalita at nagulat ako nang si Cindy ang bumungad sakin.

I cleared my throat.

"S-sure. " kinuha niya ang mga recado at siya naghiwa nito.

"Marunong ka mag-luto?  Pasensya na ,medyo nagugutom na kasi ako.Magluluto na sana ako kaya lang... Naabutan kita dito. " Nilingon ko siya at nginitian.

"Okay lang. Adobo tong lulutuin ko. Hope you like it after" Nginitian niya lang ako.

Nasagi sa isip ko ang hindi pagtext sakanya nung sinabi kong itatanong ko na sana ay kung pwede ba siyang ligawan.

"Cindy.. About dun sa panliligaw ko--" Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may dumating na asungot.

"Ysa. " tawag niya kay Cindy.

"Oh kieth,  Asan na sila? "

"Nasa labas.Nagpapahangin.Anong ginagawa mo jan? " Di ko sila pinansin at nagpatuloy pa rin sa paghuhugas at pagprepair.

"Ah. Tinutulungan ko lang si Chester. Nagugutom na kasi ako ee. " Napalingon ako kay Cindy pero nabaling ako sa nakasimangot na mukha ng pinsan ko.Nakatalikod si Cindy sakanya kaya di siya nakita nito.

"Gusto mo bang ako nalang ang tutulong kay Chester? " Napabaling ulit ako kay Kieth at nakatingin siya kay Cindy habang sinasabi nito. May sasabihin na naman to.

"Hindi na.. Ako nalang. " sabi naman ni Cindy. Nagtalo pa silang dalawa sa kung sino ang tutulong sakin sa pagluto.

"Pabayaan mo na si Cindy, Kieth. Tutal siya naman ang unang tumulong sakin. Dun ka nalang" sabi ko. Nakita kong nagtiim bagang siya sa sinabi ko.

"Oo nga Kieth,  Im okay here. " Ngumisi ako at nararamdaman kong galit na siya sakin. Well,  I dont care. Pagkatapos niya akong suntukin nung nakaraang araw.

"Tutulungan ko nalang kayo. " sabi niya.

"Excuse me muna , CR lang ako" sabi naman ni Cindy kaya naiwan kaming dalawa dito sa kusina at siya gumawa sa ginagawa ni Cindy kanina.

"Hindi mo ba talaga titigilan si Ysa? " Ngumisi ako sa sinabi niyang yon at tuloy pa rin sa paghihiwa ng karne.

"No. Kahit ano pa ang sabihin mo Insan"

"Dont call me insan. "

"But your my cousin" Padabog niyang nilapag ang kutsilyo at hinarap ako.

"Hinay hinay ka lang Kieth, Nakikita ka ni Mr. Nim" sabay turo ko sa Camerang umiikot ikot sa ceiling.

Naramdaman kong huminga siya ng malalim.Nagtitimpi.

"Tandaan mo,  Di mapapasayo si Ysa and I will fight for it" sabi niya sabay alis sa harap ko.

Battle Between Music and Love (BTS and APINK series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon