CHAPTER 52

10 2 0
                                    

APINCH pagkatapos nilang sumayaw ng LUV nung nagperform sila.Nasa Multimedia.

Line-up: Cassley-Jhacky-Cindy-Zoe-Hailee-Brithney.

CINDY'S POV

1 week nang nakakalipas nung nangyari saaming lima.Nakakamove-on na rin kami kahit papano at nasisimulan na rin namin ang paggawa ng kanta.Binalita rin sa TV na nahuli na raw yung walong lalake na kumuha samin dahil na rin sa pagbenta at paggamit nila ng droga sa eskwelahan at sa bahay.Napag-usapan na rin naming anim na sasabay na kaming gumawa kila Kuya Khai para maiwasan na rin ang nangyari at para hindi na rin maulit.Pinagalitan pa nga ni Mommy si Kuya pero pinagtanggol ko siya.Dumating naman sila at pinaglaban kami kaya nagpapasalamat din ako sa 7P.Kwinento namin kay Cassley ang nangyari kaya nagsorry siya samin pero pinipilit namin siya na wala siyang kasalan.

Linggo ngayon at nandito kami sa labas habang nag-iisip pa ng lyrics at beats kung paano ito gagawin.

Sila kuya Khailer ay tapos na sa lyrics nila at kami nalang ang hindi pa.Nagprisinta pa nga sila na tulungan kami sa lyrics kaya lang hindi kami pumayag.Gusto namin ay kami ang gumawa.

Hindi naman kami magkalaban eh.Ang kalaban talaga namin ay ang EXIT.Sila lang naman ang girl group na nakasali.Bawat Boy at Girl group, isa lang dapat ang manalo kada grupo kaya gagawin namin to nang kami lang.

Ang sakit na ng leeg ko sa kakasulat ng lyrics pero hindi pa rin ako makapag-isip ng magandang idudugtong.

Habang hinihimas ko ang leeg ko ay napatingin ako sa gawi nila Kieth na nasa kabilang mesa lang.Napatingin ako sa ibang lugar dahil sa ginawa niya.

Kinindatan lang naman niya ako.

"Sh*t" mura ko at tsaka ako umiling-iling kaya nilingon nila akong lima.

"Maglalagay ka ng mura sa lyrics?" tanong ni Brithney.Umiling ulit ako.

"Hinde.Hinde ah.."

"Hala!May sakit ka ba?! Bakit ka namumula?!" tarantang sabi ni Zoe.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko at winawagayway ko sa mukha niya.

"Wala wala wala wala wala.Okay lang ako.Mainit....lang?" tinanguan lang nila ako at tsaka nagsulat ulit.

Bwisit na Kieth to! Ano bang problema niya at may pakindat-kindat pang nalalaman.Nilingon ko ulit siya ng patago pero nagsusulat na ito.


Hanggang sa gumabi na ay wala pa rin akong natatapos.Nilingon ko si Zoe na sobrang laki ng ngiti.Tinignan niya kami isa isa at tsaka siya sumigaw.

"TAPOS NA!!! OKAY NA TO! Promise magugustuhan niyo!" tumayo kami at binasa ang lyrics.

Ang ginawa niyang lyrics ay may title na REMEMBER.Binasa namin to hanggang sa dulo.

((A/N: Kunyari hindi pa nagagawa ng APINK ang REMEMBER na comeback nila at mismong APINCH ang gumawa.Same sa BBTS, Fire naman ang Title ng kanila credist nalang din sa BTS)

"Woah! Nice one Zoe!"

"Ang ganda ng lyrics ah" sabi ni Brihney at tsaka niya tinapon ang papel na sinusulatan ng lyrics niya kanina.

"Bakit mo tinapon?!"

"Walang kwenta naman yun.Tsaka di rin yun tapos.Meron naman na " sabay turo niya sa hawak na papel ni Zoe.

Pinulot ni Zoe ang papel na tinapon ni Brithney kanina at binuklat.

"Itutuloy mo to.Kahit tapos na yung akin,syempre kailangan may reserba tayo"

"You need to conitue it.Malay mo, in future, makakarealease ka ng composed song mo with MV diba?" sumangayon siya sa sinabi ni Cassley at tsaka niya tinago ang papel.

Battle Between Music and Love (BTS and APINK series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon