CHAPTER 12

32 5 2
                                    

Tinignan ko sila..

"Kanta" sabi ni Brithney.

Napatingin ako sakanila na seryoso sa pagkilatis sakin.Tinitignan nila yung bawat hugis at Ganda siguro ng katawan ko.Bawat tingin nila ay may tango.

"Pwede na siya Hailee, kanta at sayaw nalang" sabi ni Brithney.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko.

"Kumanta ka.Dapat makapasa ka muna saamin bago sa audition.Wag ka mag-alala.Papakitaan ka rin namin ng galing or should I Say, talent namin :) " nakangiti siya habang hawak hawak ang dulo ng buhok niya.

Napangiti ako.Dapat nga ganun..

Inumpisahan ko nang kumanta.

"baby baby geudaene-- teka lang, pwede bang intro lang? Hehe" tanong ko.

"Okay lang."-Hailee

Masyadong mahaba para sa isang buong kanta -_-

" baby baby geudaeneun

Caramel Macchiato

yeojeonhi nae ipgaen

geudae hyanggi dalkomhae

baby baby tonight yeah yeah"

(Yung kinanta ni Cindy = BTS-Coffee)

Hininto ko na ang pagkanta.Tinignan ko reaction nila.

"Galing! *clap* *clap* Pwede na ! Were 5 naaaaa yehet!" Sigaw ni Zoe.

"Wait , di pa tapos no.Sasayaw pa siya." Nakita kong naghahanap si Hailee ng kanta sa Cellphone. Sana naman maayos akong sumayaw ngayon -_- Gusto ko talagang sumali sakanila, ewan ko..feel ko talaga parang babagay ako sa grupo nila.Hindi naman sa pare-pareho kaming magaganda , ewan feel ko lang na gusto kong sumali sa grupo nila..

Pinatugtog ni Hailee ang NoNoNo ng Apink.

Buti nalang alam ko ang step na yun.Sinayaw ko na siya dati sa school :)

Pagkatapos kong sumayaw nagsitayuan na silang tatlo at parang aalis na,malungkot ang mukha nila habang papaalis.Yun na yun? Wala man lang, "You Passed!"? Siguro pangit nga yung sayaw ko.Ang alam ko nung last na sumayaw ako nung elementary.haaaaayss.Yung pangarap ko...Bye Bye

"Walang susuko saatin kapag na fail man tayo sa mga auditons ha? Dapat hahanap at hahanap pa rin tayo ng paraan para makapasok ulit"

Naalala ko yung sinabi ni kuya.Tama siya.Walang susuko.FIGHTING!

"Te-teka! Kasali na ba ako sa grupo niyo?" Tanong ko.

Nagtinginan naman silang apat.Sabay

Ngiti sa isat isa at Tumakbo papunta saakin at niyakap ako.Group hug ang ginawa namin.

"YEAAAAAAH!! Binibiro ka lang namin kanina HAHAHAHA para kang nalugi.Sorry"-Zoe

"Oo nga hahahah pero real talk Cindy, ang galing mo! Manang mana ka sa Kuya mo"-Jhacky

"Thank you sainyo ha..Buti naman at nagustuhan niyo ang ginawa ko."

"Sus! Wala yun, for now on..Kaibigan mo na kami"-Brithney

"AT WALANG MAGTATAKSILA! WALANG MAGLILIHIM!" Sigaw ni Hailee sabay taas-taas pa ng kamay

"Soooo, lahat ng secrets at problems malalaman ng lahat?" Tanong ko.

"Oo naman, kahit kulay ng panty mo kailangan malaman ng lahat"- Zoe

"Pfffft.HAHAHAHHA Baliw ka na Zoe, Tara na nga! Baka late na tayo!"- Jhacky

Now, masasabi ko nang matutuloy na ang pangarap ko nang dahil sakanila ♥

KIETH'S POV

"Hyung, Bakit ganito? Nag-hhang ang Subway surf? Kainis naman." Sabi ko kay Suade.Nakakainis, ang boring dito sa room.Wala manlang dumating na teacher, Ang sipag nila.Nakakahawa na

"Marami ka na sigurong apps.Mag-uninstall ka kaya."

"Ayoko.Eto nalang ang i-uninstall ko.Mas maganda ang COC"

"Ikaw bahala."

Ang Boring talaga.Yung lima, ayun tulog.Nakatulog pa sila na ganyan ka ingay ang classroom.Wala ngang pake ang President namin.Walang kwenta -_-

Buti nalang at nakapag register na kami kanina.Ang pangalan ng grupo namin? "BTX" Binago lang namin sa pangalang "BTS" na isang grupo ng kalalakihan sa Korea na kahawig daw naming lahat.Pinanood ko naman ang mga sayaw nila.Ang Astig.Kahawig nga namin.hahaha

"Kieth , Nasan si Cindy?" Tanong ni Suade sakin.

Oo nga, si Cindy bigla nalang nawala pagkarating namin dito.Nasan na kaya siya?Galit pa kaya siya sakin? Sino ba ang mali? Ako o Siya?

"Kieth!? Yo~ Natulala ka?"

"Ha?"

"Tss.Malala na yan.Mahal mo na siya?"

"Ha? Sino? Si Cindy? HINDI NO! Ano.. kaibigan lang kame hyung.Ano ba yang iniisip mo, masyadong malalim"

"Sus, okay lang yan.May pag-asa ka naman dun.Maniwala ka "

Tinignan ko siya ng masama.Para hindi obvious na natuwa ako sa sinabi niya.May pag-asa nga ba ako? Pagkatapos ko siyang sigawan at sabihan ng .. haissh!

"Hahahaha! Grabe , bakit ba? Ganun talaga ako no.." Napalingon ako sa babaeng tumawa.

Si Cindy.

Kausap si Chester at may nakasubo pa sakanya na Lollipop.Bigla kong naalala ang unang kita ko sakanya..

Tumabi siya kay Chester habang nakangiti.Hindi ba pwedeng ako nalang ang magpapangiti sakanya ng ganyan? Bakit si Chester pa? Siya na naman? Ano bang meron sa taong yan at nagugustuhan ng lahat?

Sa Inis ko, hinila ko si Cindy palabas.

"Kieth?? Teka.. Ano ba Kieth! Bitawan mo nga ako.."

Hindi ko siya pinansin at hinihila ko pa rin siya at dinala ko siya sa field.

"Ano na naman bang problema mo? Hinihigit mo nalang ako basta basta nang hindi nagpapaalam?"

Tinignan ko siya sa mata.

"Ang saya saya mo kapag kasama mo siya.."

Ngumisi siya at tinignan ako sa mata.

"Bakit ka ba nangingialam!! ha? Hindi naman kasi tayo Kieth ee., wala ka namang karapatan sa lahat ng ginagawa ko.Pwede ba? Tama na yang kaartehan mo.Nakakainis ee"

Nilagpasan niya na ako.Habang ako nakatulala sa kawalan.

"OUCH"

Ganun? Tama naman siya ee.Ano ba tong mga pinanggagawa ko? Wala nga akong karapatan na pagsabihan siya.Hindi manlang ako umimik sa sinabi niya.Masakit.Hindi ko na alam ang nararamdaman ko para kay Ysa.

Bakit nga ba sobrang nagseselos ako kapag may kasama siyang iba?

---

TAENA KIETH, WALANG FOREVER! HAHAHAHAYUF ~Ge Read lang.haha XD

~fangirlinluv_exobts

Battle Between Music and Love (BTS and APINK series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon