CHAPTER 45

20 3 5
                                    

CINDY'S POV

"Why....are you here?" tanong ko sakanya.

"Bakit? Bawal ba?" nginitian niya ako at tsaka siya umupo sa tabi ko.

"Hindi naman..uh..Akala ko ba ayaw mo na akong maging friends?" sabi ko nang hindi tumitingin sakanya.

"Siguro mamaya na natin yan pag-usapan.Mag enjoy na muna tayo.Tara!" tumayo siya at nilahad niya yung kamay niya sakin pero tinignan ko lang to.

Hindi kasi ako makapaniwala sa ginagawa niya ngayon.Akala ko ayaw na niya akong maging kaibigan pagkatapos ng sinabi niya kahapon.Tapos eto siya ngayon.Kinakausap ako.Naglalahad ng kamay at mag-eenjoy daw kami.Hay nako.

"Sige na.3 minutes nalang oh.Sayang" tinangggal niya ang pag-aalok ng kamay niya at tumingin sa kagrupo niyang namamangka.

"Ayaw mo ba? Im..sorry Cindy" tumayo ako sa pagkakaupo at hinarap siya.

"Nakakainis ka talaga!" Sigaw ko sakanya.Ngumisi lang siya sa ginawa ko.

Ganun nalang yun ?! Baliw ba to? Umalis siya sa harapan ko at tsaka siya naglakad sa may bentahan ng Fishball.

"My treat.Bilisan mo kumuha at matatapos na ang 3 minutes" kumuha ako ng 30 pcs. na Fishball at tsaka ko pinakita sakanya.

"Okay na ba to? Hindi ako nagbreakfast ee" sabi ko sakanya pero tango lang ang sinagot niya.

Umupo ulit ako sa damuhan kung saan kami kanina nakaupo.

"Hindi kita maintindihan." sabi ko habang may kinakain na Fishball.

"Sorry" yan lang ang sagot niya.

Hindi ko talaga siya maintindihan.Sabi niya Ayaw na niya akong maging kaibigan,Tapos pinaiyak pa ako ng Chester na to,tapos sabi niya lalayo na siya tapos ngayon kinakausap ako at ngayon nilibre pa ako.

"I accept your decision.Nung sinabi mo kahapon.Don't worry,I also accept your apology." nginitian ko siya at sabay nito ang pagkain ko ng Fishball.

"Naisip ko kasi...Baka kaya hindi ka pinapansin nung pinsan ko dahil sakin.Okay na ako na maging kaibigan ka Cindy.I will not force you to love me or like me.Masaya ka palang kasama no? and for that...I realize something.."

Nakikita ko sa mga mata niya sa sincere siya sa sinasabi niya.

"Hmm?" sagot ko kasi puno ng fishball ang bibig ko.Hehe..gutom kasi ako sorry na.

"Mas okay palang maging kaibigan ka kesa maging girlfriend kita o maging asawa." tumawa siya ng bahagya kaya pinalo ko yung balikat niya.Ayaw ba naman ituloy nalang at nanlait pa.

"Mas tatagal siguro tayo if maging bestfriend kita.What do you think? Ayoko na makipag-agawan diyan sa pinsan kong yan.Sinusuntok nalang ako bigla na akala mo gangster eh" nilunok ko muna ang limang fishball sa bibig ko at tsaka ko siya hinarap.

"Yun ba yung nagkasugat ka malapit dito?" Sabay turo ko malapit sa bibig ko.Naalala ko yun.

"Oo.Sabi niya layuan daw kita kasi baka may binabalak daw ako.Ang gago nga eh,mukha ba akong rapist?"

Tumawa ako ng malakas at tsaka ko siya pinapalo-palo sa likod.Pinigilan niya naman ako sa ginagawa ko.

"Sort of.Hahaha"

"Grabe ka.Ang sadista mo naman! Pwede bang tumawa ka nalang? At hin--"

"Ayyiiee.Si Cindy masaya na~" napahinto ako sa pagtawa nang makita ko silang lahat sa harap namin kasama sila Brithney at Kieth.

"Ha? Hehe..Tapos na ba ang 3 minutes?" Tinignan ko ang orasan at 8:21 na pala.Ang usapan ay 8:20.

Tumayo na kaming dalawa sa pagkakaupo at tsaka sila naglakad.Sumunod nalang kami sakanila.Sobrang awkward ng nangyari ah.Tch.

Battle Between Music and Love (BTS and APINK series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon