CHAPTER 57

10 2 1
                                    

BoysToBe on Multimedia

Line-up: Zian-Grason-Ian-Seth-Chester-France-Derb

KIETH'S POV

"Kawawa ka naman Kieth.Wala man lang kayong time para magdate ni Ysa mo" rinig kong sabi ni Vix kaya tinapon ko sakanya ang mansanas na buto nalang ang natira.

"Sa tamang panahon" sabi ko.Natawa naman sila sa sinabi ko.Anong mali dun?

"Umaaldub ah.Nice" hindi ko nalang sila pinansin at hinintay ko nalang ang text ni Ysa.

"Kieth..Kung sagutin ka man ni Ysa mo ngayon, be sure to me that you will protect her" sabi sakin ng kuya ng nililigawan ko.Medyo kinabahan ako.Hint ba yun? Talagang protective niya.Sumaludo ako sakanya.

"Yes sir.You know me." tumango lang siya at nagthumbs-up.

Nandito kami sa bahay ko ngayon.Pagod na daw sila magpractice kaya rest time ngayon and tommorow is D-Day.Bukas na.Kung makuha man kami o Hinde, Pinagusapan na namin na ayos lang.Basta makakapagdebut kami at magiging Idol rin kami.

"Paano kaya kapag nanalo sila Cindy ...tapos yung grupo nila Chester? Edi sila ang magkakasama sa isang Entertainment Company?" tinignan ko kaagad sa nagsalitang si Clyde.Oo nga no.Ang hirap naman nito.Paano kung bumalik yung pagkagusto ni Chester kay Ysa? Paano kung ...paano kung..Hindi.Hindi pwede.Bestfriend na daw sila.

"Hindi pwede yun.Dapat isa lang satin ang manalo.Hindi pwedeng magsama sila!" sigaw ni Trix kaya napalingon kaming lahat sakanya.OA naman nito?

"Don't shout.Anong problema mo?" antok na sabi Khailer habang nakapikit.

"Tss.Hindi niyo ako maiiintindihan"

"We don't understand you If you will not say it to us" seryosong sabi ni Suade. Napatayo si Trix at tsaka siya tumalikod saamin.

"Ang drama naman Hyung.Wag ganyan" pabirong sabi ni Rex.Humarap siya saamin at kita mong parang galit siya.

"Kasi..Aish! Yung isang miyembro kasi ng BoysToBe parang may gusto kay Hailee eh" sabay upo niya sa kanina niyang inupuan.Kaya naman pala.Hindi naman maiiwasan yun.Baka maging Close sila tulad ng naisip ko.Yung kay Chester....

"Posibleng mangyari yan.Maging close sila since iisang company lang sila.But..Its up to Hailee kung magbago ang nararamdaman niya towards you." seryosong ring sabi ni Khailer.Oo nga..Napaisip ako sa sinabi ni khailer.

Pwedeng mangyari yun..

----

D-DAY

CINDY'S POV

Ito na ang oras para sa performance namin.Marami na ring mga estudyante ang naka-upo at nag-aabang.Nandito kami sa backstage at nagdadasal.

"Amen.." sabay naming sabi.Kinakabahan na ako.Kinakabahan na kami.

"Guys.Ang daming tao." sabi ni Hailee habang nakasilip sa labas.Lumapit kami sakanya at sumilip na rin.

"Oh may gash.Wala pa ba ang EXO at GFRIEND?"

"Sino ba sila? Di ko kasi sila kilala" sabi ko kaya napatingin sila saakin.

"What? Hindi mo sila kilala? Sikat sila bes"

"Oo nga bes.Sa EXO, May 12 members..then sa GFRIEND may 6 members like us." Tumango-tango nalang ako sa sinabi niya.

"Sino daw ang unang magpperform?"

"Sabi ni Mr.Nim saamin kanina, Surprise.It means, nakadipende sa MC kung sino ang uunahin niya."

"Edi kabahan na tayo" 30 minutes nalang at magsisimula na ang Event.Nakaupo lang kami dito sa backstage habang inaayos ang damit namin.Masyado kasi maiksi.Di ko naman akalain na ganito ang babagay sa kanta namin.Si Mr.Nim naman ang pumili nito since nakita namin siya sa Botique kahapon na namimili rin ng sosootin niya.

"Restroom muna ako guys" sabi ko at tumayo.

"Sama ako Cindy!" rinig kong sabi ni Hailee kaya sumabay na kami.

Pagdating namin sa Restroom ay nakita namin ang dalawang member ng EXIT.Papasok na ako ng cubicle ng hinila ako ni Junghwa.

"Hey..Goodluck! Sana matalo ay este manalo kayo." Nginitian niya ako ng nakakaloko.Inirapan naman siya ni Hailee.

"Goodluck din." Sabi ko tsaka ko hinila ang braso ko.Ang sakit niya humawak kaya medyo namula yung braso ko.

"Hala namumula Cindy.Grabe naman kasi yung babaeng yun! OA,maggoodluck na nga lang mananakit pa" sabay iling niya nang umalis na sila Junghwa.

"Okay ka lang?" tinanguan ko lang siya at pumasok na sa Cubicle.

Paglabas namin, nakasalubong namin ni Kieth kasama si Rex.

"Uyyy.Cindy!Hailee! Goodluck mamaya! Ganda niyo ah.Papicture!" binatukan agad siya ni Kieth.

"Wag niyo na siya pansinin.Goodluck pala mamaya.Fighting!" sabi niya saamin.Nginitian ko siya.

"Thank you.Kayo din." Ang awkward pa rin kapag tinitignan ko si Kieth.Parang nahihiya ako na ewan? Hindi ko alam.I feel like...

"Huy! Nagbblush ka" sabi naman ni Hailee.Hinanap ko naman ang dalawa.

"Umalis na sila.Bigla ka nalang natulala at namula.Ikaw ha.Umamin ka na kasi o kaya sagutin mo na siya.Mahal ka nun" ngumisi lang ako sa sinabi niya.

"Okay."

----
SOMEONE'S POV

"May ipapagawa ako sainyo" sabay bigay ko sakanila ang isang gamot na galing america.

"Ano yan mam?" Tanong ng isang rohelyo.Ngumisi ako sa tanong niya.

"Hindi ko alam.Basta ilagay niyo yan sa pagkain or maybe sa inumin ni Cindy.Wag kay Kieth ha! papatayin ko kayo kapag nagkamali kayo"

"Mam, saan naman po namin gagawin to?" Napaisip ako sa tanong niya.I remember when I heard something..I smiled.

"Sa celebration nila..After this event." nangiti na naman ako.

Kieth will be mine soon.

---

THIRD PERSON

Hinihintay ng lahat ang pagtawag ng unang grupo na magpperform.Kinakabahan na ang lahat kung sino ang uunahin ng MC.

Unang natawag ang SEVENTEEN dahil napukaw ito ng pansin dahil sa dami nila.

Namangha ang lahat sa naging resulta ng kanilang performance.Napalakpak ang lahat nang matapos silang magperform.Maganda ang komento ng bawat judges.Puro possitive thoughts ang sinabi ng mga ito.

Natahimik ang lahat dahil sa paghihintay ng pangalawang grupo na tatawagin.Ngumiti ang MC at tsaka niya tinawag ang BoysToBe.

Maganda ang naging feedback ng mga judges dahil sa galing ng BoysToBe.Makikita mong pangalawang grupo pa lang iyon ay hirap na sila sa pagpili ng mananalo.

Sunod na tinawag ang BBTS na grupo nila Kieth.Hindi pa sila nakakatayo sa stage ay naghiyawan na ang mga estudyanteng nanonood sa University na iyon.Naeexcite na lumabas sa backstage ang grupo nila Cindy para suportahan ang grupo ng Kuya niya.Sumisigaw sigaw sila at tumatalon talon.

Nagsimula na silang sumayaw at unang tugtog pa lang nila ay maganda at nakakasunod ang lahat.Masaya ang lahat sa panood at napapasayaw na rin.Tili at ingay ang maririnig mo sa mga manonood.Dahil sa sikat na sila dati sa University ay alam na ang kakalabasan ng audience ompact.

Pagkatapos nilang sumayaw ay nag-bow sila sa lahat ng nanonood.Pumalakpak at humiyaw ang mga estudyante.

Sunod na tinawag ang Grupo nila Cindy kaya napatingin sila sa isa't isa.

"Goodluck!" narinig nilang sigaw galing sa BBTS.Nginitian lang nila ito at dumeretso na sa Stage.

Habang nagaayos ang APINCH,Napatingin si Cindy sa audience.Hindi niya aakalain na maraming tao pala ang nakatingin sakanila.Pero napahinto ang tingin niya sa isang tao na nakaupo sa judges sits.Napukaw agad at nalaman niya kung sino ang taong ito.Ang taong matagal na niyang hindi nakita..

"Chanyeol..."

Battle Between Music and Love (BTS and APINK series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon