Prologue
"Happily ever after is not a fairytale, it is a choice."-Fawn Weaver
∞•∞•∞
"Ano bang bibilhin natin dun, Rouge?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep. Sinuot ko na rin ang shades ko dahil tanghali na at mainit pa.
He shrugged. "Bored ka. Bored din ako. Wala akong pera. Ikaw ba, meron?"
I smiled sheepishly. "Pamasahe ko lang."
Ngumisi siya. "Window-shopping na lang."
Tinawagan kasi ako ni Rouge at mag-mall daw kami. Since wala akong kasama sa bahay ngayon, nagpaalam ako kay mommy at daddy through text. At nang pumayag sila ay pumayag na rin ako sa kaniya.
Nang may jeep ng dumating, sumakay na kami dun at nagbayad ng pamasahe papuntang mall. Libre niya daw kaya hindi na ako umangal.
Pagkarating namin sa mall, since Linggo ngayon, marami-rami rin ang mga tao. Hinubad ko na ang shades ko at sinabit sa unahan ng tshirt ko. Simple lang ang suot ko ngayon na v-neck shirt, denim jeans, at itim na doll shoes. Tapos may suot din akong itim na cross na hikaw.
Gaya nga ng sabi ni Rouge, nagwindow-shop lang kami. Andami naming nagustuhan pero hindi naman nagustuhan ng bulsa namin. Hindi kasi ako nagdala ng maraming pera at iniwan ko ang credit cards ko sa bahay so hindi ako nakapamili.
Kaya we end up eating sa food court. Kwek-kwek at softdrinks lang ang binili namin pero okay lang. Libre naman ulit ni Rouge eh!
"Akala ko ba wala kang pera na dala?" tanong ko sa kaniya habang nanguya ng kwek-kwek. Favorite streetfood ko 'to eh.
"Meron din naman, Jane. Anong pamasahe ko niyan?" sarcastic na sabi niya. I rolled my eyes at him at dinuro siya gamit yung stick ng kwek-kwek.
"Aba malay ko sa'yo! Ikaw may sabing wala kang pera eh." sabi ko.
Napaisip ako. Sabagay, mayaman naman ang pamilya Cruze, which is family niya. Sadyang kuripot lang ang unico hijo nila. Well, mayaman din naman ang pamilya namin though not as rich as Rouge's family. At kuripot din ako. Hindi naman kasi ako maluho eh. Kuntento na ako sa kung anong kayang ibigay sa'kin ng mga magulang ko.
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. At parang namutla siya bigla. "Wait nga. Natatae ako."
I burst out laughing. "What?! Kahihiyan ka pre!" Kaya pala biglang namutla.
He glared at me. "Wag mo 'kong tawaging pre. Anong tingin mo sa'yo? Lalaki? Anyways, hindi ka ba natae?!" OA pero hirap niyang tanong. Naka-attract tuloy siya ng citizens.
"What the? Tumae ka na nga lang kung tatae ka!" sabi ko sa kaniya.
Tumawa lang siya at pumunta na ngang CR habang sapo-sapo ang dibdib niya. Kumunot ang noo ko. Weird. Napailing na lang ako. Kung hindi ko lang mahal ang isang yun, nabatukan ko na yun!
Yes. I admit I'm in love with Rouge. I don't know if he felt the same way but he's acting sweet with me. Rouge is more of a silent person. And I never thought that he could be like that to me. It's like we have this unspoken relationship. I'd love to ask him about our status, but I'm afraid that I'm just assuming things. Baka sa pagtatanong ko sa kaniya tungkol doon, mawala na lang ang kung anumang meron kami ngayon.
I don't know if I could stand this set-up. But whatever. I'll try, for him.
Pero hindi ko maiwasang maalala si Ruby--
BINABASA MO ANG
Trace of Love
RomanceON-GOING: UPDATE EVERY FRIDAY NIGHT Tracey Jane Sullivan is just a simple girl who's one of those hopeless romantic who used to believe in fairytales and a very big fan of happy endings before. But after what happened between her and Rouge, she lear...