Chapter 11

3 0 0
                                    

Chapter 11

Huwag Ka Nang Humirit

"Love is about hiding one's real self. When you're spending your precious time with your lover, you discover the undiscovered parts of your life."

-Anonymous

∞•∞•∞

"Ugh."

Nasapo ko ang ulo ko. Sumasakit na kasi sa sobrang stress!

Makalipas ang isang linggo matapos ang mini revelation sa buhay ni Troy, hindi naman ako nilubayan ng tambak-tambak na gawain sa school. Hindi pa kami nagkakasalubong ulit ni Odette kaya di ko pa siya nakakausap gaya ng pinangako ko kay Troy. Pero mas malaki ang problema ko ngayon!

Essay. I admit I'm a bit good in writing, but I'm actually suffering mind block as of now. Walang pumapasok sa utak ko. Maybe because of Trigger...

Naglalakad ako sa corridors at hindi naman nakaligtas sa'kin ang mga tingin ng iba. What's going on?

Sabagay, medyo sumisikat na kasi ang MuSix kaya malamang kilala ako dahil Trigger and I are the face of the band, being the vocalists and all.

Kaya naman hindi ko na yun pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad ko. Pero may mali kasi talaga sa tingin nila eh! Napatingin ako sa suot ko.

Maayos naman. Plain black v-neck shirt, plain black denim jeans, plain black pumps, plain black choker and plain black wristwatch. Plain black backpack. Nag-foundation lang ako at minimal blush tapos red liptint. Nakaponytail lang din ang buhok kong dark brown with curls sa tip.

To summarize it all, I'm just plain and gothic today! Anong kapansin-pansin dun?

Again, I ignored their stares. Nanlaki ang mata ko nang may tumunog sa malalaking speakers sa corridors. Marami kasing speakers dito for some announcement mula sa principal or whatnot.

Pamilyar yung kanta. Ang alam ko si James Reid ang kumanta nun eh.

♪Dorooroodooo, dorooroodooo♪

Pero mas nagulat ako nang may isang lalaking estudyante ang nagbigay sa'kin ng isang tangkay ng pulang rosas.

"May nagpapabigay po." sabi niya at umalis din. Hahabulin ko sana si kuya para magtanong pero may nag-abot ulit sa'kin ng ganung rosas, pero babae naman!

Handa ka na ba, maging aking sinisinta?
Pasensya ka na
Parang trip ko ngayong ibigin ka
'Wag kang mag-alala, 'di naman ako manloloko
Gusto ko lang ay yung masosolo kita♪

Hindi si James Reid mismo ang nakanta mula sa speakers. Pero pamilyar yung boses.

Impit na tumili yung babae sa harap ko. "Pinapabigay sa'yo, Trace! Idol ko talaga kayo! Pa-hug nga!" sabi niya at yumakap pa nga sa'kin. I smiled and hugged her back.

Umalis din agad siya bago pa ako makapagtanong. Leshe. Susundan ko na sana si ate kaso may humarang na naman!

Mamili ka na lang sa dalawa,
Mahalin mo ako o mamahalin kita?
Hindi ka pa ba nakakahalata?
Sa akin wala kang kawala, kaya...♪

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trace of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon