Chapter 1

15 2 0
                                    

Chapter 1

Untitled


"He's not your prince charming if he doesn't make sure you know that you're his princess."

-Demi Lovato

∞•∞•∞


"Hi!"

Napatingin ako sa nagsalita sa harap ko. Sino 'to?

First day ko ngayon as a college student dito sa isang International school sa Pilipinas.

Halata namang pangmayayaman 'tong school na 'to. And guess what? Nakapasok ako. As a scholar.

At ngayon nga ay nasa cafeteria ako at busy sa paglalaro sa cellphone ko. I still have 30 minutes pa kasi before my first period starts. At may kumausap lang naman sa'king hindi ko kilala. Well, wala naman akong kakilala dito eh.

Tinitigan ko lang yung lalaki, wearing my emotionless face. Napansin niya pa ako sa lagay kong 'to?

Pumwesto na nga ako sa pinakadulo ng caf. Simple nga lang din ang suot kong red cropped top, black denim jeans, at black knee-length high-heeled boots. Syempre kahit papano, may fashion sense naman ako. Nakatali rin ang brown kong buhok na hanggang bewang at may kulot sa dulo. Naka-light makeup lang ako with matching red liptint. At may suot rin akong simpleng black choker, itim na cross na hikaw, at black writswatch.

Makaagaw pansin ba ang porma ko?

"I'm Trevor McLean." Ngumiti siya at nilahad ang kamay niya. I'm guessing he's half-American.

Typical blonde, blue-eyed guy. Simple lang ang porma niyang white v-neck shirt, jeans, and loafers. Pero malakas pa rin ang appeal niya at nadadala niya ito ng ayos. Napansin ko rin ang drumsticks sa harap niya. Drummer siya?

"Tracey Jane Sullivan." sabi ko at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. He seems harmless. But I can't trust anyone. Not after everyone betrayed me.

"Anong course mo?" tanong niya. So half nga siguro siya. He seemed fluent sa Tagalog.

"Accountancy." I said. Tinabi ko na yung cellphone ko sa pulang backpack ko. Para ready na ako sa pag-alis papuntang first period ko.

"Sayang. Civil engineering akin eh." sabi niya at mukha nga siyang nanghihinayang. Pwes ako hindi.

Wait, Civil Engineering? Rouge's dream course.

"Yeah." I shrugged. Wala naman akong ibang masabi eh.

Tinignan ko ang wristwatch ko. 20 minutes more.

"Gotta go." sabi ko at tumayo na. Ayoko ng kaibigan. Hindi ko kailangan nun.

Naglakad na ako palayo sa kaniya pero narinig ko pa ang huling sinabi niya.

"Hope to see you again, Jane!"

I hope not.

∞•∞•∞

"Good morning, class." sabi ng babaeng teacher na pumasok. Mukha na siyang may edad at mukha ring masungit.

As usual, introduction. Most hated by none other than me.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Buti nasa dulo na ako ngayon, katabi ng bintana.

Ang arte ng teacher namin na Ms. Catacutan ang pangalan. Kumanta daw kami ng kanta na kayang ipaliwanag ang nararamdaman namin ngayon. Or favorite song bago magpakilala. Konti lang kami ngayon, mga 21 ata kaya sinusulit na ng teacher namin yun.

Trace of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon