Chapter 9

7 1 0
                                    

Chapter 9

Porque

"A merry heart makes a cheerful countenance, but by sorrow of the heart the spirit is broken."

-Proverbs 15:13

∞•∞•∞

I felt numb. I can't feel anything.

Lunes na ngayon. Kakabangon ko pa lang mula sa kama, pero wala pa rin ako sa sarili ko. Wala akong maramdamang kahit ano.

Matapos umuwi agad ni Rouge nung Sabado, dahil na rin siguro sa mga unusual na pangyayari sa iisang araw lamang, feeling ko may isang parteng nawala sa'kin.

Napapikit ako. Naalala ko bigla ang usapan namin ni Lola.

"Apo." tawag sa'kin ni Lola.

Wala sa sariling lumapit ako sa kaniya. I tried to smile, na nauwi sa ngiwi.

Malungkot siyang ngumiti sa'kin at hinaplos ang buhok ko habang nakaupo ako sa sahig malapit sa rocking chair na inupuan niya.

"Nararamdaman ko nang malapit na ang oras ko." marahang sabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. "Lola. Wag ka nga pong ganyan."

"Apo, kung oras ko na, oras ko na. Diyos na ang nagpasya, at wala na tayong magagawa doon." sabi niya. "At isa pa, masyado na akong matanda, apo. Kakailanganin ko na ring magpahinga."

"Magpahinga?" tanong ko sa kaniya. Marahan naman siyang tumango kaya tumayo na ako. "Tara, 'La. Tulog na po tayo."

Hinila naman niya ako paupo ulit. "Hindi lang basta tulog ang kailangan ko, apo. Kundi forever na pagpapahinga kasama Niya."

"'La naman. Nakukuha niyo pa pong pumoreber diyan." biro ko sa kaniya. "Wag po muna, Lola. Please." sabi ko at nag-puppy eyes pa sa kaniya. Pinisil naman niya ng marahan ang pisngi ko.

"Kung pwede nga lang na wag na muna, apo. Dahil gusto ko munang makitang magkaayos na kayo ni Trey bago man ako poreber na mamahinga." Natahimik ako sa sinabi ni Lola.

Napayuko ako. "Lola."

"Bakit, apo?"

"Sige na po."

Napakunot ang noo niya. "Anong sige na?"

I sighed. "Mamahinga ka na po poreber. Wala ka na pong aasahang araw kung kailan kami magkakabati ni Trey."

Natawa naman si Lola. "Ikaw talagang bata ka. Kanina lang ayaw mo pa akong mamahinga, ngayon naman pinagpapahinga mo na ako." natatawang sabi niya.

Ngumuso ako. "Kasi naman po, 'La. Hindi na po mangyayari yang gusto niyong mangyari. Baka kahit mamatay na ako, hindi pupunta o iiyak man lang si Trey sa sobrang galit niya sa'kin."

"Apo." sabi niya at marahang pinatong ang isa niyang kamay sa kamay kong nakahawak sa isa niya pang kamay. "Hindi totoo yan. Magalit man sa'yo si Trey, pero mahal ka pa rin nun."

Trace of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon