Chapter 6
Conspiracy
"You can close your eyes to the things you don't want to see, but you can't close your heart to the things you don't want to feel."
-Johnny Depp
∞•∞•∞
"So ano na ipapangalan natin sa banda?" tanong ni Trav.
"Oo nga! Mag-iisang linggo na tayong nagpa-practice wala pa rin tayong bandname." sabi naman ni Trev.
Sabagay. Isang linggo na simula nung first day. Second day of school kami nagsimulang magpractice kada hapon. Pero wala pa rin kaming naiisip na pangalan ng banda.
"Sige. Brainstorming tayo ngayon. Tsaka na ulit tayo magpractice." sabi ni Tris.
"Fusion Six?" suggest ni Troy. Umiling kaming lima.
"Diabolique Six?" suggest naman ni Trev. Umiling ulit kami.
"MuSix?" suggest ko. "Or simply Mu6."
"Yan na lang!" sabi ni Trav na parang may puso-puso pa ang mata sa sobrang tuwa. Napailing na lang ako.
"MuSix. Nice." sabi ni Trigger nang nakangisi. Nginisian ko lang din siya.
"So it's settled then. Ate, may alam ka nang bar na pwedeng mag-gig?" tanong ni Troy sa'kin.
Sa nakalipas ding isang linggo, pumayag si Troy na tawagin akong ate. Naiintindihan daw niya na nangungulila ako sa kapatid kong lalaki. At naiintindihan ko rin na nangungulila siya sa panganay niyang ate.
"Wala pa Troy eh. Pero nagtatanong-tanong pa rin ako." sabi ko sa kaniya. Sumalampak ako ng upo sa sofa.
"I've found one." sabi ni Trigger at tumabi sa'kin ng pagsalampak sa sofa.
"Saan, Tres?" tanong ni Tris.
"Majestique Bar. Mag-audition daw muna tayo then they'll decide kung tanggap tayo or not." sabi ni Trigger.
"Edi mag-audition tayo bukas after class." sabi ni Trav.
"Last practice tayo, dali!" excited na sabi ni Trev at pumwesto na sa drum niya.
"Alright." Trigger and I grumbled.
∞•∞•∞
"Hindi ka ba nahihirapan sa pabalik-balik dito, Trace?" tanong ni Trev.
I shrug. "Hinahatid niyo naman ako pauwi eh."
"What if you live with us here?" suggest ni Trigger.
I shook my head. "Wag na. Nakakahiya. Pinuhunan niyo ang bahay na 'to without me. Might as well use it without me."
"Grabe ka naman mag-isip, Prinsesa! Pamilya na tayo noh." sabi ni Trav.
"Still. Nakakahiya. You're too kind to me. You're all too good to be true." Hindi ko na napigilang masabi yun. Napakagat-labi ako. "Minsan tuloy naiisip kong kaya kayo ganyan sa'kin dahil sa awa."
BINABASA MO ANG
Trace of Love
RomanceON-GOING: UPDATE EVERY FRIDAY NIGHT Tracey Jane Sullivan is just a simple girl who's one of those hopeless romantic who used to believe in fairytales and a very big fan of happy endings before. But after what happened between her and Rouge, she lear...