Chapter 10
Jump Then Fall
"A man is already halfway in love with any woman who listens to him."-Brendan Francis Behan
∞•∞•∞
"Mahusay, MuSix! Dahil sa inyo, lalong dumami ang tumatangkilik sa bar ko. Kaya naman dadagdagan ko ang sweldo niyo ng tig-iisang libo."
Natuwa naman kami sa sinabi ni Boss. Binigay na sa'min ni Helena ang sweldo namin.
"Ang galing niyo talaga! Pwede na kayong maging isang professional band!" tuwang-tuwa na sabi ni Helena. "Kung sakali man na kailanganin niyo ng manager, available ako." sabi niya sabay kindat sa'min.
Napangisi lang kaming anim. Kung sakali man nga, wala naman kaming magiging problema kay Helena dahil napakabait niya sa'min sa nagdaang isang buwan. Lagi niya kaming pinagbe-break kapag nakikita niyang mukhang pagod na kami. Kaya walang kaso sa'kin kung si Helena nga ang maging manager namin.
"Manager Ynna. Naks!" sabi niya sa sarili niya at humagikhik. Napailing naman si Boss sa inaasta ng assistant.
"Sige na, Helena. Marami ka pang gagawin." sabi ni Boss sa kaniya.
She pouted her lips. Siguro mga nasa early thirties na si Helena pero kung umasta parang mas matanda pa kami sa kaniya. She could really be childish. Pero hindi rin maikakaila ang simple niyang kagandahan. At hindi na ako magtataka kung magkatuluyan sila ni Boss. Pareho naman kasi silang single at mukhang ready din to mingle.
"Okay." down na down na sabi niya kay Boss pero ngumiti agad siya sa'min nang tignan niya kami. "Sige, babies! Bye." pagpapaalam niya sa'min bago lumabas ng opisina ni Boss.
Mag-iisang buwan na rin na babies ang tawag niya sa'min. Kunwari daw anak niya kami. Sige. Basta si Boss ang tatay. Huehue.
"Sige na, MuSix! Keep up the good work." nakangiting sabi ni Boss sa'min bago bumalik sa pinagkakaabalahan niya sa laptop niya.
"Alright. Una na kami, Boss!" sabi ko at nagsalute sa kaniya na sinuklian din niya ng salutation.
"Sige. Ingat."
"Bye, Boss! Ingat din. Ingat kay Helena." nakangising sabi ni Trev. I saw a shade of pink sa maputi at gwapong mukha ni Boss.
"Ingatan si Helena." panggagatong ni Trav kaya naman nabato na siya ni Boss ng binilog na tissue.
Tatawa-tawa kaming lumabas sa opisina ni Boss. Nakasalubong din namin si Helena na papunta na atang opisina ni Boss.
Ang lawak-lawak ng ngiti niya sa'min. "Ingat, babies!" sabi niya sa'min at pinisil pa ang pisngi ko. "Ang cute talaga ng baby girl ko."
Ngumuso ako. "Oo na, mommy." I emphasized the word 'mommy'. "Ingat ka din, kay daddy." nakangising sabi ko sa kaniya.
Napakunot naman ang noo niya. "Daddy?"
Sumingit si Tris. "Si Daddy!" sabi niya. "Daddy Boss." He winked at Helena na pulang-pula ang mukha.
BINABASA MO ANG
Trace of Love
RomanceON-GOING: UPDATE EVERY FRIDAY NIGHT Tracey Jane Sullivan is just a simple girl who's one of those hopeless romantic who used to believe in fairytales and a very big fan of happy endings before. But after what happened between her and Rouge, she lear...