Chapter 5

5 2 0
                                    

Chapter 5

When You're Gone

"If you can't fly, then run. If you can't run, then walk. If you can't walk, then crawl. But whatever you do, you have to keep moving forward."

-Martin Luther King, Jr.

∞•∞•∞


"Jane, pwede ba tayong magkita?"

Napabangon ako nang marinig kong nagsalita si Rouge sa kabilang linya. I looked at the wall clock of my room.

"But it's already past ten, Rouge. Para saan ba? Can't you just say it over the phone?" tanong ko.

It took a minute before he answered. "I need you here."

He ended the call. He needs me?

Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng bahay. Tulog pa siguro sila kaya hindi naman nila mamamalayan ang paglabas ko. Besides, sasaglit lang ako kila Rouge.

Pagkarating ko sa bahay ni Rouge, the door was left ajar. Madilim sa loob ng bahay nila pero medyo may liwanag because of the lamp sa sala.

Umakyat ako papuntang kwarto niya. Madalas naman akong tumambay dito sa kanila kaya alam ko kung saan banda ang kwarto niya.

Unlike sa baba, maliwanag sa kwarto ni Rouge. And there I saw him, talking to his friends... while holding Ruby's hand.

I thought he needs me? Aalis na sana ako nang magsalita si Jersey, friend ko na friend niya rin.

"Hanggang kailan matatapos 'tong plano natin kay Jane?"

Plano? Anong plano yun?

I saw Rouge sighed. "Humahanap lang ako ng tamang tyempo. Sooner or later, lalayuan ko na rin siya."

"Tama lang yan, Rouge. You know how much I hate that girl for you." Lei said. She hates me for Rouge?

Nangingilid na ang luha ko. Are they talking about me behind my back?

"Kaya nga. We know you still love Ruby." Angie said. "Mahihirapan lang kayong itago ang relasyon niyo lalo pa't kung nasa paligid pa rin ang bruhang yun."

"I know, I know. Just give me more time." sabi ni Rouge at ngumiti kay Ruby.

Hindi lang pala siya sa'kin ngumingiti ng ganun... pati pala kay Ruby.

"Basta bilisan mo lang ang kilos mo. Pagod na akong makipagplastikan sa babaeng yun." sabi ni Jersey.

Plastikan? So much for being my kaibigan!

I've heard too much that's why I decided to left this house.

Takbo lang ako ng takbo at hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa walang tigil na pagtulo ng luha ko.

Nakarinig ako ng malakas na pagbusina before everything went black.

Napabangon ako mula sa panaginip kong yun. Mula sa masamang panaginip na yun.

I checked my phone and noticed that it's only 5 in the morning. My first period will start at exactly 8:00 in the morning.

Since nawala na ang antok ko because of that nightmare, I decided to jog na lang.

I wore my black racerback top, black jogging pants, and black sneakers. Tinali ko ang buhok ko at pinasakan ng earphones ang tenga ko while my phone is in my pocket.

Trace of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon