Chapter 7

2 1 0
                                    

Chapter 7

Take A Bow

"That's the thing about pain. It demands to be felt."

-John Green

∞•∞•∞

"Great job, MuSix!" bati ni Boss sa'min. Boss lang daw ang gusto niyang itawag sa kaniya. Kfine. "Helena?" tawag niya sa assistant niya.

"Yes, sir?" tanong sa kaniya ni Helena. He scowled at her. "Err. Boss."

"Their schedule, please?"

Dali-dali namang hinanap ni Helena ang schedule ng pagtugtog namin dito sa Majestique Bar. Bumalik din siya agad dala ang schedule at binigay kay Boss.

"Oh-kay. M-W-F kayo tutugtog dito sa bar every 4:00-6:00 PM. No work, no pay. Kada araw na natugtog kayo, each of you will get 1K, individually. Every month ang swelduhan. Start niyo na bukas dahil Miyerkules na nun." mahabang litanya ni Boss. "Pampalubag-loob ngayong pagtugtog niyo, heto ang tiglilimang daan ninyo. Kitakits bukas."

Binigyan kami ni Helena ng brown envelope na naglalaman ng limandaan para sa pagtugtog ngayon. Isasama ko na lang 'to sa ipon ko para kay Trixie.

Nang makalabas na kami ng bar, andami na agad nilang plano.

"Tara't magcelebrate!" sigaw ni Trev. Napailing na lang ako. Gabi na't lahat ang ingay pa rin.

"Oo nga! Sama ka, Trace." sabi naman ni Tris. Tumingin ako sa kaniya at umiling.

"I'm sorry, guys. May shift pa ako ngayon sa Cafe Le Roxelle." sabi ko sa kanila. "Actually, paalis na talaga ako nga--"

"Let us take you there, then." putol ni Trigger sa sasabihin ko. Medyo nabawasan na ang dark aura niya.

Papayag na sana ako nang may tumawag bigla sa pangalan ko.

"Jane!" Nilingon ko si Rouge na naglalakad papunta sa'kin. "Diba may shift ka ngayon? Let me drive you there." nakangiting alok niya.

"Uhh..." Napatingin ako kay Trigger na masama na naman ang timpla ng mukha. What to do?! "By the way, Rouge, mga kabanda ko nga pala. Sina Troy, Travis, Tristan, Trevor, at... Trigger." sabi ko kay Rouge. "And guys, this is Rouge. My... uhh..." Friend ko na nga ba siya? Pumapayag na ba ako?

"Slave." Nakangising sabi ni Rouge at kumindat sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin while he just shrug. "She's my Queen, anyway."

Nag-ahh naman yung apat, hindi kasali si Trigger. Nakatingin lang siya sa malayo habang nakasimangot.

Nagulat ako nang biglang umakbay sa'kin si Rouge. "So, tara na?" aya niya sa'kin.

Tumingin ako kay Trigger pero hindi siya tumingin sa'kin. Napalunok ako. Mukhang bad mood ulit siya. Kaya naman tumango at ngumiti na ako kay Rouge.

"Sige, guys. Una na ako. Bukas na lang ulit." pagpapaalam ko sa kanilang lima. Tumango naman sina Trev at ngumiti, syempre, except for Trigger na busy na sa phone niya.

Trace of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon