Chapter 4
This Is Me
"Have the courage to follow your heart and intuition. They somehow know what you truly want to become."-Steve Jobs
∞•∞•∞
"Tapos na atang initin yung pizza. Kain na muna tayo." pag-iiba ni Trigger ng usapan at hinila ako papuntang kitchen. Naiwan namang tulala yung apat dahil hindi nasagot ang tanong nila.
"Salamat." I murmured. Tipid lang siyang ngumiti sa'kin bago kinuha yung pizza sa oven.
Nilapag na niya yun sa dining table bago nagsalita ulit. "I know you're not yet ready to spill it. I don't want to rush you. We've got to gain your trust first before you tell us your story."
I pursed my lips. He's too damn understanding! Sa isang araw na pagkakakilala namin, parang ilang taon na niya akong kilala.
Nagulat ako nang higitin niya ako palabas ng dining at kusina. Humarap siya sa apat na kaninang nanonood ng TV na humarap sa'min ngayon.
"Mauna na kayo sa dining room. Susunod na lang kami." sabi niya bago ako hinigit paakyat ng hagdan.
Mukhang balik na sila sa normal dahil sumigaw pa si Trav ng, "P're, dahan-dahan lang! Gumamit ka ng proteksyon, ah?"
"Gago!" sigaw ni Trigger habang naakyat kami at narinig namin ang tawanan nila sa baba. "Don't mind them."
Natawa ako nang makita ko ang namumula niyang pisngi. "I don't mind it, really."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. May isang pinto sa tapat ng hagdan at may nakalagay na "Comfort Room". Naglakad pa kami sa corridor at tinitignan ko ang mga pintong nadadaanan namin.
After ng comfort room, sa tabi na pinto ay may nakalagay na "Troy's Kingdom". Toy Kingdom lang noh? Sa tapat na room nun ay may nakalagay na "Tristan's Sanctuary". Lakas maka-sanctuary eh. Sa tabi naman nun ay may nakalagay na "Travis' Haven". Mga adik talaga. Sa tapat ng room ni Trav ay may nakalagay naman na "Trevor's World". Napailing na kang ako. Tom's World ang peg?
Huminto kami sa kwartong katabi ng kay Trev at tapat ng Guest Room na nasa dulo. Kwarto na niya siguro 'to. Kahit sa nakapaskil sa pinto ng kwarto niya, ang cold pa rin ng dating: Trigger's. Yun lang. Walang kingdom, sanctuary, haven, world, or kahit room!
Pumasok kami sa kwarto niya at nanuot sa ilong ko ang masculine niyang amoy. Pinaupo niya ako sa kama niya. Puti ang bed sheet nun, habang itim naman ang unan at kumot niya.
Pinagmasdan ko ang kwarto niya. Itim ang pintura ng wall niya. Sa may corner, nandun ang study table niya na may laptop sa ibabaw. Sa kabilang corner nun, nandun ang itim niyang cabinet at nandun siya habang kumukuha ng kung ano.
Napatingin ako sa sidetable niya, and there I saw him... with a girl. Naka-uniform sila at parehong malawak ang ngiti habang nakaakbay si Trigger sa babae. Parang nakita ko na yang picture na yan sa kung saan. Here in this picture, he looks so... alive. Malayo sa nakikita ko sa kaniya ngayon na emo. Maganda naman yung babae. Brown din ang buhok gaya ng akin, malalim ang mga mata, matangos na ilong, pinkish lips. Pamilyar din si girl!
BINABASA MO ANG
Trace of Love
RomanceON-GOING: UPDATE EVERY FRIDAY NIGHT Tracey Jane Sullivan is just a simple girl who's one of those hopeless romantic who used to believe in fairytales and a very big fan of happy endings before. But after what happened between her and Rouge, she lear...