Pinaharurot ni Kamen Raider ang kanyang motor at nilagpasan ako at si Mr. L. Surprisingly, tumungo ito paakyat sa stage at papunta sa kung saan nakaupo si Gayle. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ni Gayle pero dahil tulad kong shocked din ang pes ni bestfriend Gayle sa nangyari eh hindi tuloy niya alam kung anong gagawin niya.
"Ano?! Tatakas ka o hindi?!"
Biglang nagsalita si Kamen Raider kaya natauhan tuloy si Gayle. Kaso, too late na, kasi bigla siyang hinarangan ng mga galamay ni Matandang Hukluban.
"Hoy! Sino ka?!" Sabat naman ng isang tauhan ni Mr. L.
Bigla ring hinawakan ng mga galamay na yun ang motor ni Kamen Raider kaya pinaatras niya ito't pinatakbo. Dahil shunga yung humawak sa motor eh nadala tuloy siya sa pagtakbo. Mabuti na lang, nakabitiw rin siya.
At nang makapreno na si Kamen Raider. Abay, parang scene lang ng isang Action Movie ang nangyari. Nagsipasukan ang mahigit sa limang motor at pumaikot-ikot sa loob ng venue. Tigdadalawa ang mga sakay nito. Yung iba may helmet. Yung iba, edi siyempre wala.
Kaya yung iba, medyo namumukhaan ko.
Teka! Si Kuya Taba at Kuya Payat yun ah!
"Janah! Okay ka lang? Sorry medyo nalate!"
Biglang sumigaw si Vincent sabay pose ng peace sign. Sinagot ko rin naman siya ng thumbs up.
"Okay lang ako, Cent!"
Pagkasabi ko nun, may naramdaman na lang akong mahigpit na nakahawak na sa'king mga braso. Paglingon ko, ang mga Galamay ni Mr. L pala ay nakapulupot na sa'kin. Ewwww Kakaderder!
"Okay pala ha!"
"Hoy! Bitawan niyo siya."
Bigla silang sinugod ni Nigel ng high kick. Medyo napaatras naman si Kuya galamay kaso di pa rin nakabitiw ang loko sa'kin. Kaya pinuntirya ni Nigel ng suntok ang sikmura ni kuya at pagkatapos ay siniko ang mukha nito kaya kahit giba na ang mukha ni kuya eh mas nasira pa ito. Nyahaha. Dahil sa lakas ng mga tira ni Nigel, nakabitiw rin si kuya sa'kin. Kaso, before pa ako makapagPartey-partey, bigla naman akong hinila ng isa pang galamay ni Mr. L. Nahawakan rin naman ako ni Nigel kaya para na rin akong nagmistulang lubid sa tug-of-war dahil pinaghihila nila ako.
Oo na! Ako na in demand!
"STOP IT! Ano ba?! Alam kong maganda ako pero hindi ako si JULIA MONTES!"
Nagsitigilan naman ang dalawa sa ginawa ko kaya nagkaroon ng time si Nigel para sunggaban ng high kick, front kick, back kick, side kick, pandan kick, mocha kick, chocolate kick at... ay Cake na pala yun. Teehee~ ^___^ .V.
BINABASA MO ANG
the Matchmaker. (RomanceComedy) Fin
HumorNOT PG-13. Child-Friendly. nagloko na naman si Wattpad. Papano kung nalaman mo na ang bestfriend mo eh ikakasal na? PERO sa isang gangster pala? Buti sana kung gwapo, eh kaso SA PANGIT AT MATANDANG GANGSTER? Hahayaan mo bang mangyari yun? O magiging...