"Oh! Nige, ready ka na ba?"
"Hay naku! May magagawa pa ba ako?"
Okay!
Today's the day!
Ngayon na ang 18th birthday ni bestfriend Gayle. Meaning, ngayon rin mangyayari ang "engagement" niya with the ugliest man on Earth. Mabuti na lang, nakagawa rin kami ng plan just in time sa tulong ni Vincent. After nung nangyari sa mall, nag-offer agad siya ng plano. Sabi niya, tutulong daw siya sa pagtakas kay Gayle. May kilala raw siyang makakatulong sa problema namin. Ewan ko lang kung lupon ng mga hudloom, mafia, sundalo o kapulisan yun. Wala nga akong paki-alam kung yung Justice League pa ang dumating eh basta ba't maipapangako niya sa'min na maitatakas talaga namin si Gayle sa kamay ni Mr. L.
Anyway, para maisakatuparan ang plan na iyon. Nagsilbi kaming look-out o spy during the program. Kami ang magsasabi kung kailan pwede nang pumasok sina Vincent. Kaya, andito kami ngayon ni Nigel sa likod ng bahay nila Gayle at pilit na inaakyat ang puno na nakatayo malapit sa may bintana ng kwarto niya.
Maka-ninja moves lang teh!
"Gayle!"
Mahinang sigaw ko sabay pukpok sa bintana niya. Napansin naman ako ni Gayle at agad na pinagbuksan ng bintana.
"Janah?! Ba't ka nandyan? Umakyat ka ba?"
"Ay Hindi. Lumilipad ako."
"Ikaw talaga. Dali na! Baka mahulog pa kayo."
"Janah! Bilisan mo! Nangangawit na ako!"
Tinulongan agad kami ni Gayle na makapasok sa kwarto niya at pagkatapos ay ini-lock niya agad ang pintuan at isinara ang bintana.
"Ganda ng get-up niyo ah. Agent na agent!" Pagpraise niya sa outfit namin.
"Siya may pakana nito." Agad namang turo ni Nigel sa'kin.
Well, of course! Ako ang fashion coordinator namin ngayon kaya pinili kong mag-allblack kami ni Nigel sa event na to. Black pants + Black sweatshirt na may hoodie. Siyempre, kung secret agent rin lang naman ang peg namin ngayon eh ba't di na lang lubos-lubosin di ba?
"Pero teka! Bestfrieeeeeeeeeeeeeend! Why so gorgeous?!! Ang ganda mo, bessy! Ikaw na."
Pagpuri ko naman sa get-up ni Gayle ngayon. Napaka-ganda niya habang suot-suot ang white and blue ruffled dress niya. With matching simple make-up at wavy hair pa. Para siyang isang prinsesa!
"Thank you, Janah ha.. Kaso.."
Biglang nalungkot si Gayle at hindi na tinapos ang sasabihin niya kasi alam naman naming lahat kung saan tutungo yun eh. Hahay.
BINABASA MO ANG
the Matchmaker. (RomanceComedy) Fin
HumorNOT PG-13. Child-Friendly. nagloko na naman si Wattpad. Papano kung nalaman mo na ang bestfriend mo eh ikakasal na? PERO sa isang gangster pala? Buti sana kung gwapo, eh kaso SA PANGIT AT MATANDANG GANGSTER? Hahayaan mo bang mangyari yun? O magiging...