-----------------------------------------------------------------------------------------
WANTED: BOYFRIEND MATERIAL!
If you are confident that you have these following qualities below, please do contact 0917*******. ASAP. We sincerely need your service. ^^,Characteristics:
1) Gwapo!
2) Matangkad!
3) Mayaman!
4) Mabait!
At higit sa lahat…
5) MAGANDA ANG KATAWAN!
Ay mali! Mali!
5) Marunong Makipaglaban!----------------------------------------------------------------------
Yes!
Natapos ko na rin yung pinaghirapang characteristics na binuo ko mula pa kaninang alas Otso ng umaga na ngayon ay mag-aalas Kwatro na ng hapon. Eksaherada much? Hindi ah. Totoo yan. Nagsimula talaga ako kaninang 8 noh. Kaso, alam mo naman, pagmaganda ang waitress, duma-dami ang costumers, kaya ayun naging busy ako. Pero infairness naman sa’kin. Nakahanap pa rin ako ng time at natapos ko.
Napalingon naman ako sa kinaroroonan ni Nigel kasi excited na akong maipakita sa kanya yung gawa ko kaso busy-busyhan ang drama niya. Kanina pa kasi mop ng mop. Juma-Janitor lang?
“Wow ha. Sipag naman! Paki-mop mo na rin pati dingding ah.” Pabiro kong sabi.
“Harhar.” ( > . > )“Sungit!” ( < . < )
“Oi Nige.. (Nayj) Check mo nga ‘tong gawa ko. Pwede na ba to maging poster?”
Kinuha naman ni Nigel yung gawa ko tas agad na napatawa. At di lang basta tawa ah, yung tipong nang-aasar talaga na tawa. Tinuturo-turo pa niya yung papel na hawak-hawak niya’t tumi-tingin-tingin sa’kin. Parang di makapaniwala na gawa ko yun. Baket?? Maganda naman ah! Hmmp.
Batukan ko nga!
“Aray!”
“Sabi ko, magcomment ka! Wala akong sinabing laitin mo.”
“Eh kasi naman. Sabi ko naman po kasi sa’yo, humanap ka lang ng magiging pamalit. Di ko naman sinabing humanap ka ng call boy!” Patawa-tawa pa niyang sabi. Ouch. It hurts ha. ://
“Pshsh.. Hinahanapan ko lang siya ng pekeng boyfriend noh. Akin na nga yan. Di ka naman matino kausap eh.” =’(
Drama effect kong sabi sa kanya sabay kuha ng papel at talikod pero surprisingly, bigla niya namang inagaw ulit mula sa’kin yung papel.
“Napaka-serious mo talaga! Actually, okay naman tong gawa mo eh kaso kailangan lang ng konting improvements. Ang pangit naman di ba kung ‘to lang yung ilalagay natin sa poste? Walang ka-art art.”
Sooooo… Kani-kanina lang nilalait-lait niya yung gawa ko. Ngayon naman, nilalait-lait niya pa rin yung gawa ko.Ano to? Gaguhan?
“Ganito na lang. Pupunan ko na lang ng mga art2 sa gilid ‘to.”
Art daw? Weeh. Pa’no naman yun? Meron ba siyang lapis, gunting, crayons, craypas, color pens?
Nagpaalam naman siya na pupunta lang saglit sa may locker. Mukhang may kukunin ata. Pagbalik naman niya, may dala-dala na nga siyang lapis at craypas.Whaaaaaaaaaat?! SERYOWSOW?!
“Di ka rin ready noh?”
“Syempre! Boy Scout ata to.”
So gumuhit-guhit na siya ng magagandang borders sa gilid ng papel at tinulungan ko naman siyang magcolor. Ginawang color ang craypas? Haha. Serry, walang ganyan sa gradeschool namin eh.
BINABASA MO ANG
the Matchmaker. (RomanceComedy) Fin
HumorNOT PG-13. Child-Friendly. nagloko na naman si Wattpad. Papano kung nalaman mo na ang bestfriend mo eh ikakasal na? PERO sa isang gangster pala? Buti sana kung gwapo, eh kaso SA PANGIT AT MATANDANG GANGSTER? Hahayaan mo bang mangyari yun? O magiging...