Chapter 11 : The Perfect Moment! :')

390 7 1
                                    

==There's a tiny text message! A very tiny one! Please, read it.==

Uy! May nagtext!

I flipped my color blue LG icecream phone.

I know i-gogoogle niyo yan kaya nagready na ako ng picture. To the right! To the right!!!

Luma? Eh ano naman ngayon? Waley para sa'kin yang blackberry, S4 or Iphones niyo noh. Kahit pa sabihin niyo sa'kin na phase out na to, hinding hindi talaga ako magpapalit. Walang basagan ng trip. Tsaka, ang cute cute kaya nito! Feeling ko nga para akong bida sa isang koreanovela tuwing binubuksan ko to, kulang na lang sagutin ko ng "Yoboseyo?" (Hello) ang kung sino mang tumatawag sa'kin eh. Teheee.

Anyway, ang dami kong satsat. Magbabasa lang naman talaga ako ng text eh.

From: NigelNERD 

Oist! 5:30 pm na. Tigilan mo na paghilata mo dyan. May dinner pa tayo! 6:30 sa coffee shop. Wear something nice ah. ^__^

Si Nigel lang pala. Wag na kayong magtaka kung bakit NigelNERD ang name niya sa contacts ko. JanahWEIRD rin naman kasi inilagay niyang pangalan ko sa contacts niya. Yung baklang yun, psh!

Nagreply naman ako ng..

To: NigelNERD 

K dot

Pero teka? Wear something NICE?

Nasusuot pala yun?

Haha. Corny. I know.

Anyway, tumayo na ako mula sa'king pagkakahilata. Hindi ko naman inubos ang araw ng Birthday ko sa paghiga-higa lang noh. 18th birthday ko na kaya! Kahit papano masaya rin naman at di boring. Kaninang umaga lang nagskype kami ni Mama at ni Papa. Umabot yata sa dalawang oras yung pagchichikahan namin. Kinantahan nila ako ng Happy Birthday, tsaka binilhan rin nila ako ng cake at sabay-sabay kaming nagblow sa candle. Pero dahil skype lang yun, kahit anong sarap nung cake nila, sina mama at papa lang rin ang nakakain nun. Hahaist. Pero di bale na, bumawi naman sila dahil may ipinakita silang malaking stuffed toy na Polar Bear. Yeeeaaah. XD

Noon ko pa kasi sila kinukulit na gusto kong magkaroon ng Polar Bear eh.

Oo, yung hayop mismo.

I just really love furry animals. Kaya nung madiscover ko sila sa discovery channel, talagang ginusto kong magkaroon ng isa. Kaso, pano ko naman sila maalagaan eh wala pang limang minuto, tunaw na yung yelo dito sa'tin. Haaaaiiist. Kaya tiis muna ako sa stuffed toy. Maya na ako mag-aalaga ng isa kapag naka-migrate na ako sa North Pole at may sarili na akong igloo. Aheee :33

the Matchmaker. (RomanceComedy)  FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon