Chapter 6: Awkwardness Overload~!

415 12 0
                                    

“Araaaaaaaaay!”

                                            “Ang arte mo naman. Para ice lang eh.”

“Ang arte mo naman, kung di mo kaya ako sinapak edi sana hindi masakit!”


Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Nigel. Oo nga naman, ang lakas lakas kaya ng pagkakasapak ko sa kanya kanina. Kaya ko nga sinabing Specialty Punch ko yun kasi hidden strength ko yun eh. Kasing lakas kaya yun ng kame hame wave ni San Gokou o di kaya yung power whip ni Bulbasaur.. Char… 

Eksaherada much?



Kaya nga ngayon, kung titignan mo si Nigel, may nakasaksak na kapiraso ng tissue sa butas ng kanyang ilong gawa ng pagkakaroon ng epistaxis which is commonly called by the people of the Earth as NOSEBLEED. Lels.Wala, para maiba lang. 

But wait, there’s more! Nagkaroon din siya ng instant Birth mark sa kanyang pisngi. Oh diba, ang laking remembrance lang. 


Kawawang nilalang talaga.

“Sorry na kasi.” Sabi ko sabay puppy eyes.

“Kung hinayaan mo lang kasi ako kanina. Marunong naman kasi ako magmartial arts eh. Kamag-anak ko kaya si Jackie Chan!”

Bigla akong natawa sa sinabi niya. Ano yun, basta pareho yung apelyido, kamag-anak na agad? Di ba pwedeng feelingero muna?



“Hay naku Nigel. Tigil-tigilan mo nga ako sa mga jokes mo na yan. Waley eh.”

“Totoo kaya yun! Gusto mo bigyan pa kita ng pictures ni papa at ni Jackie Chan nung bata pa sila eh.”


Bigla niyang kinuha yung wallet niya at may kinuhang isang maliit na picture. Parang year of the kopong kopong pa yung picture kasi halos mapupunit na tsaka mukhang nagkaroon pa ng Hepa kasi manila-nilaw na eh. 

“Oh heto! Tignan mo ‘to.”

Ipinakita niya sa’kin yung picture. May dalawang bata sa litrato pero halos di na makita yung itsura kasi parang dumaan na yata sa gyera yung litrato. 

“Ito si daddy nung 5 years old pa lang siya. Ito naman si Jackie Chan. 6 years old daw siya diyan. Mag-3rd degree cousins sila.”


 Napa-weeeeeh ako sa sinabi niya. Di naman sa hindi talaga ako naniniwala kasi medyo convincing naman eh pero gusto ko lang talaga siyang asarin. Haha. Wala, trip trip lang.


“Totoo nga! Promise! Kahit suntukin mo pa ako ulit.”

Mas napatawa ako ngayon kasi habang sinasabi niya yun sobrang serious niya talaga. Kung makatingin kasi siya sa’kin para akong isang malaking criminal dahil hindi ako naniniwala sa pinagsasabi niya. Haha. Nigel, chill ka lang. Gino-good-time lang kita noh. Pero, ito 
namang si Nigel, biglang napabusangot. Grabeh di ko na kaya, mau-utot na ako sa kakatawa.



“Hay naku! Kailan mo kaya ako papaniwalaan?”


Kahit mahirap, pinilit ko na lang tumigil sa pagtawa. Mukhang malungkot na kasi si Nigel. Hindi naman ako ganun ka-harsh noh. 


“’To naman. Halika na nga.” Lambing ko naman sa kanya.


Sinubukan kong ilagay ulit yung icepack sa pisngi niya ng dahan-dahan pero tinalikuran niya ako kaya kinalabit ko siya ng kinalabit. Ayaw talaga eh. Ang drama talaga nitong si Nigel. Pffff.

Lumipat na lang ako sa harap niya para ilagay ulit ang icepack pero sadyang maarte tong lalaking to at may patakip-takip pa ng unang nalalaman. Kaya ayun, bigla kong hinablot yung unan at sa sobrang lakas ng pagkakahablot ko eh mukhang pati kaluluwa ko natangay ko. Madudulas na sana ako eh due to the force of gravity pero laking gulat ko na lang ng bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang wrists ko. Para tuloy kaming sasayaw ng waltz o kung ano man.


And then, I eventually realized….. 
 

Nagkatinginan na pala kami.



Ewan ko ba. 

Sa mga panahon na yun, parang tumigil ang lahat sa paligid.

Wala akong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko.

Wala akong ibang makita kundi ang mga mata niyang titig na titig sa’kin.

Ano bang pakiramdam ito?

Biglang napaatras si Nigel kaya napatingin na rin ako sa ibang dako. Medyo nagka-awkward moment na naman kami. Enebenemenyen. Round 2 na to!

“Sige, Janah. Balik na ako sa kwarto ko. Salamat sa ice."

Sabi ni Nigel sa’kin habang nakatingin sa pader. Ako naman, hindi na naka-imik at tumango na lang. 

Haaaaaaaaaay buhaaaaaaaaaaaay.

Ano ba ‘to. Ba’t ba kasi ako biglang kinabahan? Eh diba, nararamdaman ko lang dapat yan kung sa crush ko ‘to nangyari. Hay naku! Baka nakulangan lang ako sa tulog at pagkain. Maka-chibog na nga. ;3




the Matchmaker. (RomanceComedy)  FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon