Chapter 3: Watcha Think? :)

658 13 9
                                    

Chapter 3: Watcha Think? :')

“Tao po!”

Sigaw ko sa tapat ng gate ng bahay nila Gayle.

8:00 am pa lang naman pero pumunta na rin ako kasama si Manang, Posh at Nigel. Dito kasi kami kina Gayle tatambay ngayong fiesta para na rin tumulong at well.. chumibog. Pero siyempre, may dala rin naman kaming ulam noh. Di rin naman kami magcecelebrate sa’min ng pista kasi nga wala yung mommy at daddy ko, diba? So dito na lang kami makikisiksik. Ehehe.

“Oh Janah! Ang aga niyo naman ata?”

Bati sa’min ni Gayle sabay bukas ng gate nila.

“Oks lang yun. Nakaka-inip rin naman kasi dun kina-Janah.” Sabat naman ni Nigel.

Makasagot naman tong katabi ko, parang siya tinanong eh. Pwes, papatulogin ko siya sa kalye mamaya. *evil laugh*

So after kong mag-evil laugh, nakapasok na rin kami sa loob ng bahay. Maayos na ang lahat pero magulo pa rin. Este, magulo yung mga tao kasi nga ang daming nagluluto at marami ring mga batang naglalaro. Tas ito namang si Nigel, nakikilaro rin.

Haaaay naku… Ilang taon na ba ‘to?

Para maka-tulong kina-Gayle, kami na ni Nigel ang bahala sa mga tables at chairs. Meron naman rin kaming background dun kasi nga nagtatrabaho kami sa coffee shop.

After an hour, natapos na rin ang lahat. Yung mga food na lang ang dapat na iprepare kaya umupo muna kami sa salas at nagkaraoke. Nagduet kami ni Gayle at ang kinanta namin ay “Alone”. Di naman sa pagmamayabang pero 99 lang naman yung score namin. ~_^ .V.. Siyempre, binigyan rin naman namin ng chance si Nigel pero sobrang gulat namin ng biglang kumanta si Nigel ng alien song. I mean, Taiwanese song pala. Yung Qin Fe Dei Yi. Naks, meteor garden na meteor garden. Kaya ayun, napakanta na rin kami. After that, balak pa sana niyang kantahin yung Baby, Baby. Ka-lurky! Buti na lang naagaw ni Manang yung mic. Whew.

Pagkalipas ng isang oras, nagsidatingan na rin ang mga bisita kaya nagsimula na rin kaming magserve. Smile dito. Smile doon. Ang simple lang ng trabaho namin tas may libre agad kaming chibog. Sana ganito lang kadali ang buhay.

Pagkatapos masigurado na nabigyan na ng plato lahat ng bisita, kumuha na rin kami nung amin.

It’s chibogan time!

Kumuha ako ng humba, spare ribs at menudo. Obviously, yun kasi yung mga favorite ko. Si Gayle naman, menudo lang yung kinuha. Di niya kasi trip ang maghalu-halo ng ulam. Tas si Nigel naman, gabundok na lechon, spare ribs, at pansit yung kinuha. Parang ala lang pagkain sa kanila eh. > . >

Pumunta na kami dun sa hagdan at dun na chumibog. Wala na kasing libreng table kaya doon na lang rin kami. Nasa kalagitnaan na kami ng pagsisimot ng aming plato nang may dumating na mga lalaking naka-black coat at naka-shades. 

“Gayle, sino yun?” Bulong ko kay Gayle sabay turo sa kinaroroonan ng mga lalaki gamit ang aking labi. Nabigla na lang ako ng nabulunan si Gayle at dali-daling ininum ang sprite niya. Tinapik ko yung likod niya para naman matulungan siya at nang mahimasmasan na siya, bigla niya akong nilingon.

“Janah.. Pag hinanap ako ni mommy, sabihin mo najejebs ako. Doon muna ako sa taas. Babye.”

Pagkatapos nun ay nawala na lang siya na parang ninja kaya hindi na ako nakapagtanong pa kung bakit. Tinignan ko na lang muli yung mga lalaki. Nakatayo sila na nakapalibot sa isang upuan kung saan naka-upo ang isang matandang naka-black coat at naka-shades rin pero wag ka! Naiiba ang hairstyle niya sa lahat.

the Matchmaker. (RomanceComedy)  FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon