One month after............
Christmas Break na!!!
At andito pa rin kami sa mountain park na pinagvenue-han ng 18th birthday slash fake engagement party last month.
Oo, dito na kami natulog, kumain, naligo, for almost 30 days.
De joke lang. XD
Total Christmas Break na ng lahat kaya napag-isipan ni Mr. L, ay este, Tito L na magpaChristmas Party para sa'min. Oo, mula nung nangyari sa birthday ni Gayle eh naging close na kami. Lalo pa't napag-alaman kong si Tito L ang nagsilbing Matchmaker between Gayle and Kendric. Hay naku, at heto ako, trying hard na maghanap ng magiging boyfriend ni Gayle. Di ko lang alam, planado na pala ni Tito L ang lahat.
Anyway, sa hinaba-haba ng journey and misadventures na nangyari sa'min, partey partey rin naman pala ang ending. Ika nga nila, All is well that ends well!
Mabuti pa si bestfriend, may pa-sweet dance sweet dance pang nalalaman. Nakakainggit tuloy. Para lang akong wall flower nito. Di bale, maganda rin naman ako. Wala nga lang prince charming. Eh kasi, hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako. Ang major tanong,
Sino nga ba ang hinihintay ko?
"Ano ba yan. Party na party, ba't parang malungkot ka naman?"
Sabi ni Vincent na biglang tumabi sa'kin sa table.
"Ahh naku. Wala lang. May naisip lang ako."
Pagpipilit ko naman ng ngiti habang sinasabi yun.
"Hulaan ko. Si Nigel ano?"
Napalingon agad ako sa kanya nung sinabi niya yun. Hindi ko kasi inaasahan. Ba't napunta sa intsik nay un ang usapan??
"Ha? Hindi ahhh.."
Pagdedeny ko naman. Pero, sa totoo lang, medyo iniisip ko nga rin siya. Wala kasi siya ngayon sa party kasi siyempre, Christmas Break na. Dapat nandun siya sa pamilya niya. At isa pa, birthday rin niya ngayon. Malamang busy rin yun kaya siguro hanggang ngayon, wala man lang text sa'kin. Hmp.
"Sana kasi, isinama mo na lang."
"Naku! Gugulo lang ang party kapag andito siya."
Napansin ko namang napatawa na lang siya sa sinabi ko.
"Siya nga pala, may sasabihin ako sa'yong sekreto."
Umusog naman papalapit si Vincent sa'kin nung sinabi niya yun kaya nagtaka ako kung ano kaya ang sasabihin niya. Top secret ba to o gusto lang talaga niyang maka-score sa'kin dahil ang ganda ko ngayon saChristmas Party get-up ko. De joke lang. Napaka-Narcissistic ko lang. Wahaha. XD
BINABASA MO ANG
the Matchmaker. (RomanceComedy) Fin
HumorNOT PG-13. Child-Friendly. nagloko na naman si Wattpad. Papano kung nalaman mo na ang bestfriend mo eh ikakasal na? PERO sa isang gangster pala? Buti sana kung gwapo, eh kaso SA PANGIT AT MATANDANG GANGSTER? Hahayaan mo bang mangyari yun? O magiging...