"Pasensya na kayo kung ngayon ko lang sinabi. Last Sunday, nung nagkita-kita tayo, dun ko rin lang kasi napagtagpi-tagpi ang lahat. Napag-isip-isip ko na kailangan ko na rin sigurong makialam." Pagpapaliwanag ni Cent.
This is soooo crazy like sooooo nakakaloka! Akala ko end of the world na nung sinabi ni Mr. L na anak niya si Kendric. I was very speechless kaya di na ako makapagsalita! Ngayon naman, naglabas na naman ng isang pampasabog si Vincent. I think I'm having a headache. Ang sakit lang sa ulo teh! Na-coconfuse na talaga ako ng bongga kaya dahil diyan ako'y nalilito na. Di ko alam irereact ko. I'm so dumbfounded! Grabeh! Like, super! What is this?! Ano ba'to?!
Redundancy Overload lang teh?!
"Tama na, Cent. Umalis na lang tayo."
Sumakay na sa motor si Kendric at papaandarin na sana yun kaso napigilan siya ni Vincent.
"Ken, huwag! Bumalik ka na sa inyo. Sa tingin ko, kailangan niyo nang magkaayos ni uncle. Masyadong marami nang naiipit. Sige na."
Sunod namang lumapit sa kanya si Mr. L na lungkot na lungkot ang mukha. Kala mo nga, iiyak na. Sa sobrang sama ng loob, di mo na tuloy makilala ang pagmumukha niya. Mas pumanget eh. Ewwwww.
"Kendric, patawarin mo na ako. Sa totoo lang, miss na miss na talaga kita, anak. Hindi ko alam kung ano pang gagawin ko para bumalik ka na."
Halos lumuhod na si Mr. L sa tabi ni Kendric pero di man lang siya nilingon nito. Napakatigas talaga ng Ex ni bff! May pinagmanahan nga. Tsk3.
Anyway, laking gulat na lang namin ng biglang bumilis at lumalim ang paghinga ni Mr. L. Agad namang rumispunde si Vincent sa tabi niya't inalalayan siya sa pag-upo.
"Uncle? Okay lang po kayo?"
Walang anu-ano ay nagsilapitan naman ang mga bata ni Mr. L sa kanyang tabi.
"Boss, ano po nangyari?!"
"Boss, wag niyo kaming iwan!"
"Boss, pa'no na po kami?!"
"Boss, magpakatatag ka!"
"Boss, pa'no na po yung utang ko?!"
Pinagtinginan ng lahat ang huling nagsalita at saka sabay-sabay na pinagpupukpok sa ulo.
"Ang.. huhu.. oa.. huhu.. niyo ah.. Paypayan... huhu.. niyo kaya.. huhu.. ako.. huhu.. noh?.. huhu.."
And in just the count of 1 2 3, nagsilabasan ang mga pamaypay ng mga galamay ni Mr. L. Ayos! Boyscout na boyscout!
"Tabi nga."
Bigla namang pumasok sa eksena si Kendric at tumabi sa papa niya.
BINABASA MO ANG
the Matchmaker. (RomanceComedy) Fin
HumorNOT PG-13. Child-Friendly. nagloko na naman si Wattpad. Papano kung nalaman mo na ang bestfriend mo eh ikakasal na? PERO sa isang gangster pala? Buti sana kung gwapo, eh kaso SA PANGIT AT MATANDANG GANGSTER? Hahayaan mo bang mangyari yun? O magiging...