Chapter 15.1: Kalokang Revelations! >_<

266 5 5
                                    

"ANAAAAAAAAAAAK?!"

Sobrang lakas kong sabi kaya mukhang narinig yata ng buong bukid yun. What has gotten into the world at bakit naging ama ni Kendric si Mr. L!?!

"A....nak mo si Kendric? Kendric, totoo ba?"

Pagtataka namang tanong ni Gayle sa kanilang dalawa. Hindi naman sumagot si Kendric at sa halip ay humarap kay Mr. L.

"O siya siya! Aamin na ako. Total andito na rin lang naman ang lahat. Magpapaliwanag na ako." Pagsisimula ni Mr. L.

Humarap naman siya sa mga tao at kinuha pa talaga niya ang microphone para naman marinig ng lahat ang sasabihin niya.

"Tama nga ang narinig niyo. Marami ang hindi nakakaalam nito pero ako nga ang ama ni Kendric Lee at ang tunay kong pangalan ay si Frederick Lee."

Lahat ng tao dito ay nagsibulung-bulongan nang marinig nila ang sinabi ni Mr. L. Kaya para tumahimik ang lahat ay itinaas ni Mr. L ang kanyang isang kamay para tumahimik ang mga tao.

The return of Hitler!

Ayyy joke lang pala. Hehehe.

"Sa totoo lang, hindi ako isang gangster gaya ng naririnig niyo sa mga tao. Isa talaga akong negosyante. May ari ako ng mga pasugalan, sabongan, paupahan at pautangan dito sa lungsod natin. Dahil sa pinili kong negosyo, maraming kumakalaban sa'kin - mga pulitiko, pulisya, at iba pang malalaking tao. Mapanganib at magulo ang pinasukan kong mundo. Dahil dun, kinailangan kong protektahan ang sarili ko. Naghire ako ng mga taong sasama at magbabantay sa'kin kahit saan man ako magpunta at yan ang mga nakikita niyong mga lalaking naka-itim sa paligid. Ba't di kayo magHi sa kanila, boys?" Dagdag niya. 

Nagsikawayan naman sa madla ang mga lalaking pawang nakaitim, nakaleather shoes at naka-shades sa'ming lahat. Maging yung mga kumag na kani-kanina lang ay pinagpipyestahan kami ng tadyak.

"Hi, everyone!"

"Hello sa inyo!"

"Hi, guys!"

"Kamusta!"

Makapag-Hi naman tong mga kuyang to, parang mga katropa lang ni Barney eh.

"Alam kong kulang sa paligo tong mga bata ko kaya siguro maraming natatakot 'twing nakikita sila. Kaya nga napagkamalan pa akong gang leader, mafia boss o kung anu-ano pa man. Lalo na ng sarili kong anak."

Tumingin naman si Mr. L kay Kendric nang sabihin niya yun pero inirapan lang siya ng anak niya. May pinagmanahan nga.

"Pero, in all honesty, friendly naman talaga sila. Mas lalo na ang boss nila, di ba? BOYS?"

the Matchmaker. (RomanceComedy)  FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon