Chapter 8: Operation: Hanapin si Kendric~! :'D

441 7 11
                                    

“Mahahanapan mo rin ng solusyon yan.” 

 

“Mahahanapan mo rin ng solusyon yan.”



                                                                  “Mahahanapan mo rin ng solusyon yan.”



Eh ang tanong? Ano nga ba ang solusyon?!


Hay naku, isang lingo na lang bago ang 18th birthday ni Gayle and still wala pa rin akong naiisip na paraan. Ang hirap naman kasi makahanap ng instant boyfriend. Buti kung nabibili lang sila sa bangketa, diba? Eh hindi eh. Parang nag-eextinct na nga sila. Kung may makita ka naman kasing gwapo, kikilatisin muna dapat. In this century, halos lahat ng mga lalaki ngayon eh taken o di kaya naman nagfifeeling babae.  Kaya, look at me! Loner pa rin hanggang ngayon. 


Mabuti na lang andyan pa si Vincent!! ^______^


Anyway, back to the story. Kagabi, halos di na ako nakatulog sa kakaisip kay Vincent… este.. what I mean is.. sa mga sinabi ni Vincent. Mabuti na lang after 1 million seconds, hulaan niyo na lang kung gaano katagal yan. Lol. At makailang beses na pagpagulong-gulong sa higaan, napagtanto ko rin kung ano ang gagawin ko. Tatawagin ko itong…


OPERATION: HANAPIN SI KENDRIC!


Remember, Kendric? Siya yung maangas na lalaking natutulog sa puno ng balete. Ewan ko kung anong nahithit nun o kung mesa-kapre lang ba talaga siya’t ginawa niyang bedroom ang malaking puno. Anyway, since ex nga siya ni Gayle eh mas maganda siguro kung siya na lang ang gawin kong pekeng boyfie ni bestie diba? Kahit na g*go siya sa pag-iwan kay bestfriend dahil sa barkada niya, bet ko pa rin si Kendric. Nakita ko kaya kung paano niya niligawan si Gayle. Sobrang sweet kaya nila nun. Lakas maka-Jandi at Junpyo lang. Kaya I know if ma-eexplain ko ng maayos kay Kendric na maeengage ang ex niya sa isang Dirty Old Man, I’m sure maawa yun at tutulungan agad si bestfriend. Baka pa nga, magkabalikan sila niyan eh.


Oh-ha! Valentine Cupid lang ang peg ko ngayon.


Kaya the next day, naghanap ako agad ng info’s about Kendric. Mabuti na lang at tinulungan ako ni kaibigang facebook. Teka! Eh si Vincent kaya, masearch ko rin.



FB stalking, gotta love it!



 So mahilig pala siyang tumambay, sa isang bar called Polaris 7. Langya’ng mokong na yun. Hanggang ngayon pa rin pala mahilig makipag-inuman. Anyway, total it’s Saturday at patapos na ang duty ko sa shop, susugod ako dun mamaya.


Humanda ka, Kendric! Mwahahahaha~



“Hoy! Janah.. Kanina ka pa nakangisi diyan mag-isa. Okay ka lang?”
sabat naman ni Nigel na nagmomop.


“Wala noh. Magmop ka na nga lang diyan. Echosero ka talaga. Hmp.”
Pairap ko namang sagot.

“Ahh Janah.. Bukas, ano kasi.. diba, birthday mo na?”


Hala oo, nga noh?! Masyado kasi akong naging concern kay Gayle kaya ayun. Nakalimutan ko na magdedebut rin pala ako. Birthday ko na bukas. 7 days lang kasi ang tanda ko kay Gayle. Pero, wala naman akong plano para sa 18th birthday ko. Hello?! Wala naman dito ang parents ko, tsaka masyado nang hassle kung uuwi pa ako sa probinsya. Actually, gusto ko na ngang kalimutan yung birthday ko para forever 17 na ako. Hahahaha.


the Matchmaker. (RomanceComedy)  FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon