Sweet Serendipity
Papa'no kung biglang gumulo ang college life mo dahil sa isang koreano?
..a koreanovela that is purely made in the Philippines..
Subaybayan ang away-bating relasyon nina Aya at Dhian na nagsimula sa parehong boarding house at school na pinapasukan nina Janah at Nigel.
Excerpt
NGANGA si Aya sa kanyang nakita.
Well, wala namang PG13 sa harap niya pero big deal na kasi para kay Aya ang makakita ng isang lalaking boxers at six-pack abs lang ang tanging suot-suot considering sa tanang buhay niya, papa niya lang ang nakikita niyang lalaki sa loob ng bahay niya.
Ito namang si Dhian, may papunas-punas pa ng towel sa buhok niyang basa habang nakasandal sa may pintuan. Lakas lang maka-wet-look teh!
"What?"
Arroganteng tanong ni Dhian sa natamemeng Aya. Napansin naman niyang walang reaksyon ang taong nasa harap niya kaya umayos siya ng tayo at saka muling nagsalita.
"What do you want?!"
Tinignan ni Dhian mula ulo hanggang paa si Aya. At nang hindi pa rin makuhang makasagot ni Aya, inulit ni Dhian ang tanong niya.
"I said What do you want?!" Inis na sabi ni Dhian kaya biglang natauhan si Aya at sumagot.
"You!"
Sabay turo ni Aya sa kanya.
Nagulat silang pareho sa nasabi ni Aya kaya agad na napailing si Aya at naghanap ng tamang salita. Kaso, mukhang mali pa rin ata ang nabigkas niya.
"My.. my Room!"
Binigyan ng dirty look ni Dhian si Aya. Lalong mas nagduda kasi siya sa pinagsasabi nito. If I know, iniisip na nitong isang babaeng mababa ang lipad ang kaharap niya.
"No! No! No!.. Mali ka ng iniisip, kuya! I just want my room! I mean.. ...."
/Excerpt
Please click the external link for the story... :))
BINABASA MO ANG
the Matchmaker. (RomanceComedy) Fin
HumorNOT PG-13. Child-Friendly. nagloko na naman si Wattpad. Papano kung nalaman mo na ang bestfriend mo eh ikakasal na? PERO sa isang gangster pala? Buti sana kung gwapo, eh kaso SA PANGIT AT MATANDANG GANGSTER? Hahayaan mo bang mangyari yun? O magiging...