"ANGEL POV"
Salamat Miss Author(AN: Mabuti kapa inaapreciate ang pagbibigay ko sayo ng POV. Pagsabihan mo yong' LEADER ninyo. Sarap pektusan. :))
Okay MIss Author, makakarating. ^_^
Papasok na kaming pito sa canteen. Wala kaming makitang bakante kaya ginamit ng leader namin ang pagiging MONSTER niya.
Lumapit ito sa mga lalaking nakaupo sa gitna ng canteen. Ngumiti lang ito at biglang nagsitayuan ang mga ito bitbit ang kani-kanilang tray.
Napailing na lang ako. Nang makaupo na kami ay agad nagsalita si Cha.
"Maya-maya ay darating narin si Milanda dito."
Tumango-tango na lang si Sai. Napabuntong hininga na lang ako. Aminado ako na inis rin ako sa babaeng iyon, hindi nga lang namin alam kung ano ang iniisip ni Sai.
Habang nag-uusap sila ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nagtext ang isa sa mga source ko na paparating na si Milanda sa canteen.
Napatingin ako sa may pintuan ng canteen ng pumasok ang galit na galit na babaeng kanina pa namin pinag-uusapan.
Inilibot nito ang tingin na para bang may hinahanap. Nang matapat sa amin ang mata nito naging mabalagsik iyon.
Sabi na nga ba kami ang hinahanap nito. Lumapit ito sa pwesto namin na parang manunungal sa galit. Ano kaya ang ginawa ni Sai dito.
Bigla na lang nanahimik ang lahat. Napatingin ako kay Sai na nakasmirk lang at nasa tabi na nito ang galit na galit na si Milanda.
"Bitch!" sigaw ni Milanda kay Sai. Lahat kami nagulat ng walang sabing-sabi binuhusan nito si Sai ng juice sa ulo. Na kahit si Sai ay nagulat rin.
shit! kita ninyo yon'?
she deserve it.
magandang laban ito.
oh-oh, she will definitely be dead.
who cares!
Narinig kong bulungan ng mga nasa canteen.
Nang makabawi kami sa nangyari ay agad kaming tumayo para gantihan si Milanda, pero pinigilan kami ni Mie at Dhel.
Tiningnan ko sila ng what-the-hell-are-doing look. Umiling lang ang dalawa.
Ibig sabihin lang nun, na wag muna kaming makialam.
"You deserve that, you fcking bitch!," nakatayo pa rin ito sa harap ni Sai.
Tumayo si Sai, mas matangkad ito kay Milanda.
Napasinghap ang lahat ng makita namin ang mukha ni Milanda na nasobsob sa ulam ni Tina na minudo. Hindi pa ito nakuntento kinuha nito ang ketshup at nag lettering ito sa likod ng damit ni Milanda ng SLUT.
Sabay kinuhaan ko ng picture si Milanda. Kawawa naman, siguradong front page ito sa article ng campus namin bukas.
Biglang nag-bow si Sai, kinuha nito ang bag at sabay labas ng canteen.
Nakangiting sumunod ang ibang kasamahan namin dito. Binalingan ko si Milanda na nakatayo lang, shocked parin ang mukha nito na dinagdagan pa nina Tina at Arge dahil tinapunan pa ng mga ito ng juice ang damit.
"Tina, Arge" tawag ko sa kanila, "Tama na yan'"
Nakangiting luamapit ang mga ito sa akin. Sabay kaming tatlong lumabas ng canteen at sa huling pagkakataon ay tiningnan ko si Milanda.
BINABASA MO ANG
Sorority Girls
General FictionLunar Judge meets Valkyrie Warriors..... What will Happen?? Hate? Clash? Anger? Jealousy? Betrayal? or worst of all LOVE??? U better find out!!! ~~~ HeartfiliaJean ✌ Copyright 2013
