SG: 5 "Bipolar Si Leader"

151 3 0
  • Dedicated kay Cha Eniahm
                                    

Hi Guys! Sorry Ngayon lang ako nag-update.. ahhahahahah.. :) Anyways Makikilala na ninyo ang Valkyrie Warriors sa susunod na chapter kaya antay lang. Ciao!

*********

CHA POV

Author: Ayan, pinagbigyan na kita ha'. :)

Whatever

Author: Sungit

********

Nandito kami ngayon sa usual tambayan namin sa Simple Sweet Bakeshop na pag-aari naming siyam.

Itinayo namin ang SSB tatlong taon na ang nakararaan dahil lahat kami ay mahilig sa matamis at cake.

Nagtataka kayo siguro kung bakit siyam ang founder ng SSB, samantalang pito lang ang pinakilala ni Author na pinakakatakutan sa Lunar Judge.

Ang orihinal talaga na Lunar Judge ay Siyam. Nahiwalay lang sa amin ang dalawa ng nagmigrate ang mga ito sa London.

At dahil narin sa sekreto ng dalawa na ako lang ang nakakaalam, na maaaring ikagulo namin sa oras na mabunyag.

"Earth to Cha" napadilat-pikit siya ng ilang beses, dahil sa ginagawang pagpitik ni Arge ng daliri nito sa harapan niya.

"What?" iritang tanong ko.

"Kanina pa kaya ka namin kinakausap," - Tina.

Nasa loob pala kami ng private office namin sa SSB. Isa-isa kong tiningnan ang mga kaibigan ko.

Sina Arge at Tina ay nakatingin lang sa akin at naghihntay ng sagot.

Si Angel naman ayun as usual busy sa ipod.

Si Dhel busy rin sa libro, si Mie, tulala at si Sai may kausap na naman sa cellphone.

Binalikan ng mga mata ko si Mie, tatlong araw na rin ang dumaan ng sumabog ang picture nito sa internet. Dumami ang bumatikos dito, lalo na't contestant ito sa pageant nila.

Balewala sana iyon para kay Mie, kung hindi lang umuwi ang papa nito galing japan dahil sa picture na iyon.

Muntik na ngang mahiwalay sa amin ito at dalhin ito sa japan kung hindi lang namin kinausap ang papa nito at ni Sai ng sarilinan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung sino si RIS, maliban sa baliw na leader namin na aywa namang sabihin.

"Ate Cha!" sigaw ni Arge.

Tiningnan ko ito ng masama.

"Wow, maka-Ate ka wagas. Buwan lang naman ang tanda ko sayo," sabay irap ko rito.

"Kasi kanina ka pa kinakausap ng dalawang iyan at kanina pa rin mukhang tanga ang dalawang iyan," - Sai the poker face.

Wala na itong kausap, ngayon na ang timing ko para tanungin ulit ito tungkol kay RIS.

"Wag mo nang ituloy pa Cha" sagot agad nito. Hindi pa nga niya ibinubuka ang bibig ay alam na nito ang sasabihin niya. "Sabi ko naman sa inyo na-"

Hindi na namin pinatapos ito dahil sabay-sabay kaming nagsalitang lima, "Patience is key to Success" dugtong namin sa sasabihin nito.

"Alam na ninyo pala eh. Bakit ninyo pa itatanong," poker face na sagot nito.

"Kung sinasabi mo na, hindi na rin sana kami magtatanong pa," tumingin sa akin ang malaking mata nito. Hindi man ito magsalita ay halatang inis na ito.

"Cha has a point Sai," segunda naman ni Tina. "Why don't you tell us who's that damn RIS so we can get our revenge," naging mas halata ang inis nito dahil sa sinabi ni Tina. Napapikit ito, nagbilang ito ng one to ten at huminga ng malalim atsaka dumilat.

Sorority GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon