SG: 8 "Sino Ka Ba?"

124 2 0
                                        

"DHEL POV"

Konti na lang at matatapos ko na ang paggrogrocery. Buti na lang at sanay na akong maging independent. Last stop bathroom needs.

Kukuha na sana ako ng toilet tissue ng mapansin kong ubos na sa mababang hilera iyon. Ito ang mahirap sa kinulang ang height (_ _ ).

Nagtataka ako kung bakit agad naubos kaagad ang stock nun? May shortage na ba ng toilet tissue.

Grabe ang gwapo niya talaga noh.

Oo nga eh, papicture tau.

Nakakahiya kaya.

<_< Tiningnan ko ang mga babaeng nasa kaliwa ko. May artista ba?Picture daw eh?

Well never mind. Tumingin ako sa pinakamataas na hilera ng toilet paper at iniisip kung pano ko kukunin iyon.

Sinubukan kong tumalon pero hindi ko pa rin abot.

Sheessh! Arggg.

Hihingi na sana ako ng tulong ng may nag-abot sa akin ng isang set ng toilet paper.

"Here take this" sabi sa akin ng lalaking naka-bull cap.

Mainit ba sa loob?

My god, sana ako na lang iyon.

Ang swerte naman niya.

Psh! baka ka nga sinadya niiya iyon.

Small niya kasi eh.

Biglang napataas ang kilay ko, ako ba pinariringan ng mga ito?

Tiningnan ko ulit siya kuyang nakabull cap.

Muntik na akong matumba kung hindi lang ako nito nahawakan sa kamay.

Pano ba naman, pag harap ko sa kanya, ang lapit ng mukha niya, parang ganito ( 0_) (_ ^) tapos nakangiti pa siya.

Agad akong umayos ng tayo. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Thank you" sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa mga taong nasa paligid, iisa lang ang reaction nila, Gusto na nila akong sabunutan.

Naramdaman ko ang pagpisil nito sa kamay ko. Binawi ko agad iyon, lalo na't halos lumuwa na ang mga mata ng mga babae sa pandidilat nila sa akin.

"Thank you ulit." Tinalikuran ko na siya ng magsalita ito.

"Niru." (?_?) Napalingon ako bigla sa kanya.

"Huh?" nagtatakang sabi ko.

"Norman Rudolfo Santiago, Niru for short" pagpapakilala nito sa akin, "And you are?"

Gusto ko ng matawa dahil sa pangalan niya. Old school. Pff. Hindi kasi bagay sa gwapong katulad niya.

Marunong kana palang mangilatis ng gwapo - mind

(-_-) Tsk - ako.

Ayoko namang tumawa baka maoffend ko siya. "Judel" maikling sabi ko.

Ngumiti ito sa akin. Ningitian ko na lang rin siya."Una na ako sayo. Salamat ulit" sabi ko.

"Nice to meet you, Judel. This is not the last time that we will meet."

(O_O) Bigla na lang akong hinalikan nito sa pisngi. Dahil sa nagulat ako, wala akong nagawa. Natulala na lang ako.

Natauhan lang ako ng magvibrate yong phone ko. Agad hinanap ng mata si Niru, kaso wala na siya.

Umiiling na umalis ako sa hilerang iyon dahil sa titig na mga babae roon.

Sorority GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon