SG: 16 "L.A.O"

72 2 0
                                    

"SAI POV"

"Sister, sabihin ninyo lang po kung mayroon pa kayong kailangan" nakangiting sabi ko. Andito ako ngayon sa Little Angels Orphanage o LAO, dahil sa isang linggong pagkakasuspendido ko sa school. hindi naman nasuspendido ang iba.

"Naku, ikaw talagang bata ka. Sobra-sobra pa nga ang ibibinigay mo sa amin" nakangiting sabi sa kanya ni Sister Marvi, ang mother superior ng LAO. Kung saan isa siya sa mga sponsor roon. Silang pito ay may kani-kaniyang orphanage na iniisponsoran. Kaya niya napili ang LAO ay dahil nasaksihan niya mismo kung papaano na basta na lang iniwanan ng isang magulang ang isang sanggol sa ilalim ng puno sa playground kung saan sila madalas maglaro noon.

Flashback

"Jane, tingnan mo iyon oh" sabi ng 8 years old na Sai sa kapatid.

"Wag kang magulo Meliza, nagbabasa ako" pagtataboy nito sa kanya.

"Pero, Jane, iniwan no'ng Ale yong baby sa ilalim ng puno."

Doon nabaling ang atensiyon ng kapatid sa kanya.

"Asan?" nag-aalalang tanong nito. Pareho kasi silang mahilig sa baby.

Tinuro ko iyong puno kung nasaan ang baby. "Ayun oh." Wala masiyadong tao, dahil linggo at nasa galaan ang karamihan na naninirahan sa village nila.

"Tara puntahan natin" yaya sa kanya ni Jane.

"Wag" pigil ko rito. "Baka niloloko lang tayo ng Ale. Baka paglapit natin roon eh, tayo ang kunin."

"Wag kang matakot Meliza, andito ako. Atsaka gusto mo bang iwanan natin yong baby diyan?." Hindi ako sumagot kaagad, dahil nagdadalawang isip pa ako dahil sa mga napapanood ko sa TV na modus ng mga kidnap for ransom. "Paano kung ang makakita sa kanya ay masamang tao at ibenta rin siya sa mga masasamang tao, at maligaw ang landas niya, na dapat naman ay maiiwasan kung kinuha na natin siya. Gusto mo bang mangyari sa kanya iyon?" pangungunsentiya ng kapatid sa kanya.

"Ayaw ko" umiiling na sagot ko.

Ngumiti ito. "Tara na dali. Kunin na natin at ibigay kay Mama."

End of Flashback

Nakangiti pa rin siya habang inaalala ang pangyayari noon. Masaya naman sila noon. Napapakit ako ng maalala ko kung paano nawala si - .

"Ate Sai!" muntik na siyang ma-out of balance, kung hindi niya agad na balance ang sarili. Napatingin siya sa yumukap sa kanya. Si Tryker Eros Lagdameo, ang eleven years old ngayon na bata. Ito ang baby na nakita nila ng kapatid niya ten years na ang nakakaraan.

Ginulo ko ang buhok nito. Tiningala naman siya nito. "Ang laki mo na at cute-cute mo pa" nanggigigil na sabi ko.

"Hindi po malaki, Ate Sai. Ang tawag roon ay binata at hindi na po ako cute, gwapo na ako." Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at naglagay ito ng check sa ilalim ng baba nito.

"Sus, kahit kailan talaga ang lakas ng tiwala mo sa sarili mo" biro ko rito.

"Mana lang po ako sayo, Ate Sai" bibo na sagot nito. Hindi nila ito naampon dahil ayaw ng papa nila. Kaya nanatili ito sa LAO, hanggang sa ibalita sa kanila ni Sister Marvi na may gustong umampon rito. Pero sinuguro muna niyang nasa mabuting pamilya ito mapupunta at hindi ito matutulad sa pamilya niya.

Ipinilig niya ang ulo. Hindi na niya dapat iniisip ang nakaraan.

Pero ang nakaraan ay karugtong ng kasalukuyan, sabi ng isang bahagi ng isip niya.

Ginulo na lang ulit niya ang buhok nito. "Ikaw talagang bata ka."

"Ate Sai, alam mo bang sabi nila Mama at Papa, bibilhan daw nila ako ng xbox" masayang balita nito.

Sorority GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon