How do you find Mr. Right and where?
Ang tagal ko nang hinahanap si Mr. Right. Sa lugar namin, sa malls, sa school maski nga sa sementeryo 'pag Halloween, panay ang linga ko, magbabakasakaling makita ang lalaking magpapadagundong sa pretty little heart ko, but I haven't seen him yet. Sa Facebook, panay din ang add kong mga friends, but each time I check, wala akong mataypan. Hilig mag-selfies, puro chaka naman. Alam ko, I'm not that pretty, pero wala naman masamang ng guwapong Mr. Right, 'di ba? Saka, I'm pretty enough na rin naman. Maganda ang mga mata ko, medyo matangos ang ilong ko, may tungkil nga lang sa dulo, at ang lips ko, mapula kahit walang lipstick. Lalo na kapag kinakagat-kagat ko ang lips ko nervously kapag hindi ko masagot ang tanong ni Mr. Padilla sa Geometry. Hindi naman ako bobo pero hirap talaga ako sa math. Ewan. Bakit ba kasi inimbento pa ang math?! Dapat ang inimbento lang ay ang tulad ng electricity na natuklasan ni Benjamin Franklin. At least 'yun may pakinabang, ang geometry, susme, ano naman ang pakinabang ko riyan pag naging flight stewardess na ako balang araw, 'no?
Ayan, lumilipad na naman ang isip ko. Ang topic nga pala ay si Mr. Right at kung paano siya hahanapin. I'm really desperate na. Ayokong tumandang dalaga! Ayokong grumadweyt ng high school nang walang boyfriend!
Yes, high school pa lang ako. Pero feeling ko, old maid na ako. kasi naman, may pact kami ng friends ko noong elementary kami na dapat, pag high school na, may boyfriend na. Siyempre, dapat pag elementary dapat walang boyfriend kundi kalalabasan mo non malandi. Kaya usapan namin, high school talaga. At bakit high school? kasi raw, iba raw ang romance kapag high school, college at pag nagtrabaho ka na. Magkakaiba raw ng level, kapag high school kilig-kilig at pure ang romance. Away-bati. kulitan. pag college raw, mas seryoso na ng konti. Hindi na pwedeng basta tampuhan lang tapos magkakabat. Dapat daw may away na. At kapag naman nag tatrabaho na, 'yun dapat seryoso na ang romance. Gusto kong ma-experience lahat ng klase ng romance, 'no?And true enough, dahil sa pact namin, kinarir ng kaibigan kong si Karen ang pagkakaroon ng boyfriend noong first year high school pa lang. Maski noong second year. Maski third year at ngayong fourth year, meron siyang boyfriend. Nakaapat na siya. One boyfriend each year. Ewan ko kung anong quota ang hinahabol nitong si karen. Dream yata niya na maging sales rep balang araw kaya ngayon pa lang sinasanay na ang sarili na may quota. Sabagay, maganda si Karen. Maputi. At malaki ang boobs. Ewan ko ba sa mga boys naduduling sa boobs. E ako, flat chested!
at in fairness kay Karen virgin pa rin siya hanggang ngayon (sabi niya). Okay lang daw na pag tsismisan siya na playgirl, as long as she knows the truth na she's as pure as the snow. Kahit walang snow sa Philippines! Makapagbitaw lang ng dramatic expression.
Isa pa naming friend na kasama namin ni Karen na nagsumpaan, at may boyfriend na rin, ay si Ramil. Yes, si Ramil. lalaki si ramil, or bading... or gay. Pero daig pa niya ako, dahil nagka-boyfriend na siya. Hindi naman taun-taon. Matalino kasi si Rami. Lalo na sa Math. At mahilig siyang magpakopya during tests. Lalo na sa boys. Kaya ang boys, natutuwa sa kanya. At nagiging boyfriend niya. In fairness, hindi kiss and tell si Ramil. Secret ang names ng mga boyfriends niya. Kaya the boys feels safe. Basta minsan, bigla na lang mawawala si Ramil at pagbalik, nakangiti na. Ewan ko kung saan nagpunta at kung ano ang ginawa.
kaya minsan, takot din akong tumingin ng Mr. Right sa school, baka dumaan na kay Ramil. Yuck!!! But nevertheless, naiinggit ako sa kanya. Sa kanila ni Karen, dahil nga may boyfriend na sila. Ako wala pa! Gusto ko nang magka-boyfriend bago ang graduation namin! Mr. Right, where are you?
*************************************************
"WELCOME! There you are! Kanina pa kita hinahanap!" That's Karen 'yong friend kong malaki ang boobs... pero may kaliitan ang utak...pero malaki rin naman ang puso. Mabait itong si karen. At generous. Siya ang nagpapahiram sakin minsan ng blouse o ng skirt o ng shoes. Mayaman kasi sila, eh. Kami, hindi gano'n kayaman. Sige na nga,mahirap lang kami. At ang tinawag niyang Welcome? Ako 'yon. Yes, Welcome ang nickname ko. Ipinanganak kasi ako sa Welcome Rotonda. HIndi na kasi umabot ang nanay ko sa U.S.T Hospita. Kaya ayun ang tawag sa aking ng mga neighbor Wnoong lumalaki ako ay Welcome. my real name is Carmela. Kaya minsan ang tawag sakin ay Wel-Carm. Noong maliit ako hate na hate ko ang nickname ko, pero ngayon okay na rin, unique.Ang labanan ngayon pa-unique-an na ng name para mapansin ka. Tuwing sasagot ako ng "Thank you" sasagot iyon ng welcome sasabihin ko yes thats my name. Magtatawanan ang lahat. Ewan ko lang kung ang nickname ko ang obstacle sa paghahanap ko kay Mr. Right. Magugustuhan kaya ni Mr. Right ang nickname ko?
"o, bakit?" tanong ko kay Karen nang tumabi siya sa akin sa canteen. "Nood tayong sine," yaya niya. "palabas ang Guardians of The Galaxy. Maganda raw." Yan si Karen mahilig maglakwatsa laman ng mall. "May class pa tayo 'no?" At yan naman ako, mahilig sumunod sa rules. Kapag bawal, ayoko. "Boring naman ang physics, eh. Saka first day pa lang naman ng class wala pang ituturo yan."
"I know right? Hindi ko nga maintindihan ang geometry, physics pa kaya. Pero ayokong umabsent. Katakot. Nagpapakahirap ang parents natin para magpag-aral tayo tapos sasayangin natin."
"Ay, may kausap pala akong madre! Kaya ka hindi nagkaka-boyfriend, masyado kang straight. Paano mo makikita ang Mr. Right mo kung dito ka lang sa school. Wala namang cute boys dito."
"A, basta ayoko. Kung gusto mo, after class. Sasamahan kita. Basta ilibre mo ako." Nakangiti kong pahabol.
"Sige na nga. Isama na rin natin si Ramil para mas masaya."*************
MASAYA talagang kasama si Ramil. Kasi mahilig siyang mang-trip ng mga taong hindi niya kilala. For example, nu'ng bumibili kami ng ticket for the movie sa trinoma cinema, sumenyas-senyas siya sa takilyera, as if pipi siya. Yung girl naman, akala pipi talaga siya, panay din ang senyas. Itinuro ni ramil ang Guardians of the galaxy as our movie of choice. Itinuro niya kami at ang sarili niya sabay senyas tatlo. Naintindihan siya ng takilyera, binigyan siya ng tatlong ticket. Saka buong ningning na nagsabi si Ramil ng "thank you."
Windang ang takilyera. Hindi pala pipi si Ramil. Naisahan siya. Nagtawanan kaming umalis. Natawa na lang din si miss ticketerya.
"Grabe ka, Ramil! may pinagtripan ka nanaman!" Ako 'yon, siyempre basag-trip. "pinasaya ko lang naman si ate. Saka ang boring kaya ng buhay nila. Maghapon siyang nakaupo roon at pindot lang nang pindot para ma-release ang tickets. Boring! kita mo, natawa na lang din siya nu'ng malaman niyang hindi ako pipi. Pag uwi niya sa bahay, ikukuwento niya 'yan kung kani-kanino. Event na sa buhay niya 'yon today 'no? at ako ang nagpasaya sa kanya." May katwiran naman ang bakla! masaya rin kasama sa panonood si Ramil dahil malakas tumawa. At kakaiba ang tawa niya, parang pusa na pinipilit na hindi mapaanak sa bubong with matching scratching sa yero. Kaya mas marami ang tawa namin ni Karen dahil pinagtatawanan na namin ang movie, natatawa pa kami sa unique na tawa ni Ramil. Pero ang tawa niyang iyon ang pagsisimulan ng trouble namin. Dahil noon ko nakita si Mr. Right. Sino si Mr. Right? siya 'yung nakaupo sa likod ni Ramil na sa sobrang inis ay tumayo at binatukan si Ramil sabay alis. Pero nakita ko ang mukha niya, guwapo siya. At dumagundong ang aking pretty little heart!
BINABASA MO ANG
The Wrong Mr. Right
RomanceThey say, looking for Mr. Right is hard. But not for welcome (the girl na ipananganak sa welcome rotonda) nakita niya, nakabunggo niya si Mr. Right. Doon nagsimula ang kanilang closeness. Pero hanggang tingin lang ang cute guy. Hindi niya alam kung...