chapter 2

213 1 0
                                    




Galit na galit si Ramil, nagwawala nawala ang pagkabading. Biglang umapir ang matso side niya (parang si Incredible Hulk pag nagagalit. O sige na nga parang si Jennlyn Mercado sa Rhodora X, 'yung bigla na lang sumusulpot si Roxanne). "Leche 'yun a," bumubula ang bibig na sabi ni Ramil. "Bakit?" si Karen na walang alam sa nangyari dahil nakatutok pa rin sa movie habang panay ang kukot ng popcorn. Ganyan si Karen, kapag gusto ang movie, kahit siguro lumindol, hidi madi-distract. "May nambatok sa akin" reklamo ni Ramil. "Sino?" "Yung lalaki sa likod ko," sabi ni Ramil sabay lingon at nakita niya ang lalaking nambatok sa kanya, naglalakad na papalayo. Biglang tayo si Ramil. Nag-excuse sa mga nanonood at sinundan ang lalaki. Ang guwapong lalaki. Ang Mr. Right ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Karen. Hindi na sumagot si Ramil na umuusok pa rin ang tenga. "Karen, let's go!"sabi ko sabay hila sa kaibigan kong panay pa rin ang nguya ng popcorn. "Baka kung anong gawin ni Ramil, alam mo naman 'yun pag nagalit nagiging Incredible Hulk at nakakalimutan niyang si Barbie Doll." "Excuse me. Excuse me.Excuse me," duet namin ni Karen sa mga nanonood habang dumaraan kami. Siyempre, imbyerna sila sa amin dahil ito na 'yung eksenang naghubad si Chris Pratt sa movie. In fairness, maganda ang katawan ng lolo mo. Pero mas importante si Ramil!
So, habol kami sa baklang hindi halatang bakla. Inabutan namin siya sa lobby.
"O, ano'ng nangyari?" Si Karen.
"Nawala eh," galit pa rin si Ramil.
"Hayaan mo na 'yon. Balik na tayo sa movie. Ang ganda e," pagkikibit-balikat ni Karen "kapag nakita ko 'yon, uupakan ko 'yon eh." Panay pa rin ang linga ni Ramil. "Bakit? Namukhaan mo ba?" Tanong ni Karen habang papasok na kami ulit ng sinehan. "Hindi nga, eh. Ikaw ba Welcome," baling niya sa akin. "Nakita mo?" Gusto kong sabihin na oo, nakita ko. Guwapo siya. At siya ang Mr. Right ko. Pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Hindi rin, eh. Ang dilim kasi. Saka nakatingin ako sa movie." Bakit ko naman sasabihin kay Ramil na namukhaan ko ang love-of-my-life? Di inupakan lang niya. In fairness, maganda ang Guardians of the Galaxy. Laugh-a-ton siya hanggang sa ending. Tawa sila ng tawa. Guwapong-guwapo sila kay Chris Pratt. Pero ako, ang iniisip ko pa rin ay ang lalaking nambatok kay Ramil.

HANGGANG gabi, maski nasa bahay na ako, siya pa rin ang iniisip ko. "Hoy, Welcome! Nakatunganga ka na naman. Tulungan mo ako rito sa longganisa."
Nanay ko 'yan. Tindera siya sa palengke. Maghapon siya na nagtataga ng pata at tadyang ng baboy at naghihiwa ng laman at taba ng baka at manok. At pag-uwi, gumagawa pa siya ng longganisa at tocino. Sipag 'no? Kaya pinagbubuti ko ang pag-aaral ko. Ayokong mag-bulakbol. Gusto kong makatapos, makapagtrabaho at maging rich, para titigil na sa pagtitinda sa market si mader. Itu-tour ko na lang siya balang araw sa Asia, America and Europe. Kaya rin tumutulong ako sa paggawa ng longganisa at tocino. Kahit sa totoo lang, nakaka-pudpod ito ng kuko dahil sa ingredient na asin. Kaya kayo, kapag kumakain kayo ng longganisa at tocino, isipin n'yo ang hirap na dinaranas ng gumagawa nito ha? "Bakit ka ba nakatulala?" Tanong ng nanay kong hindi sanay na tahimik. Gusto niya, laging may lumalabas na salita sa bibig biya. Bungangera, in short. Pero advantage 'yon sa market market lalo na pag sumisigaw siya ng "bili na! Bili na kayo ng manok, baboy, baka!"
"Iniisip niya 'yung dyowa niya, Nay." Hirit ni kuya Bal. Actually, ang palayaw niya Balintawak. And you guess it right, ipinanganak siya sa Balintawak dahil himdi nanaman umabot ang nanay ko sa ospital. Malaki kasi ang sipit-sipitan ng nanay ko kaya walang hirap sa panganganak. Kung saan, doon na. "Nag-iimbento lang si kuya Bal." sabi ko sa.
"Dapat lang. Nagpapakahirap ako sa palengke, gumigising ako nang maaga, at pag-uwi ko, trabaho ulit. Para ano? Para makapag-aral kayo. Para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan. Para hindi kayo matulad sa amin ng tatay n'yo na dahil walang  natapos eto, kayod marino! Sumalangit nawa ang kaluluwa ng tatay n'yo." Yes, single mother si mader dahil si tatay ay na stroke dahil inubos niya ang nilutong tinola ni nanay. Alam naman namin ang paghihirap ni nanay kaya matino kami. Lalo na ako. Gusto ko lang naman magka-boyfriend ngayong fourth year dahil nga may kalandian  pact kami nina Karen at Ramil. Itatago ko na lang kay mader. "Wala po akong boyfriend," sabi ko sabay bato ng basahan kay kuya Bal. Si kuya Bal ay second year college, kumukuha ng engineering sa F.E.U. Full scholar. "Ako ho, may boyfriend na," hirit naman ng bunso naming kapatid, si Nova. Kailangan ko pa bang hulaan kung saan naman inabot ng panganganak ang nanay ko? Tumpak! Sa Novaliches. Pero Aurora ang real name niya. Nova lang ang nickname para pare pareho kaming magkakapatid. Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Nova kasi 6 years old lang siya. Grade one. Imposible namang may boyfriend siya talaga 'no? Dahil kung meron, magwewelga na talaga ako.
"Good evening po."
Napatingin kami sa pinto, kay jerson, kapitbahay namin, barkada ni kuya. May dala siyang gitara. Mahilig sila ni kuya na mag-basketball at maggitara. Madalas siyang pumunta sa amin dahil daw kay kuya. Pero ang totoo, may gusto siya sa akin. Paano ko nalaman? Dahil pag naggigitara siya at kumakanta ng love song, sa akin siya nakatingin. Halos magkandaduling-duling siya sa pagpapapungay ng mga mata. May itsura naman si Jerson, pero walang effect sa akin. Dahil halos sabay kaming lumaki ni Jerson. Kilala ko ang likaw ng bituka niya. Nakita ko na ang puwet niya at pototoy noong naliligo kami sa ulan noong mga bata pa kami. Kilala ko rin ang pamilya ni Jerson. Mababait din naman ang tatay at nanay niya, masikap din para sa mga anak. Pero tipikal na pamilya, nag-aaway ang parents niya, naghihiwalay, nagbabalikan. Ilang beses na yatang naghiwalay at nagbalikan ang parents niya. Ang kaming mga kapitbahay ang parang audience na nanonood lang sa kanila. Daig pa nila ang drama sa radyo pwede mong hinaan ang volume o patayin sila. In short, walang mystery si Jerson. Ang gusto ko maging boyfriend ko, 'yung may mystery naman. 'Yung hindi mo kilala, pero ang journey ay 'yung unti-unti mo siyang kikilalanin. Getting to know each other ba? Eh, 'di sa amin ni Jerson, wala na ang stage na 'yon  dahil nga kilala na namin ang hilatsa ng buhay ng isa't isa. Ang gusto ko talaga ay 'yung may mystery. Parang yung lalaking nambatok kay Ramil sa sinehan. Pero paano na 'yan, hindi ko naman na makikita ang cute guy na 'yon! But i was wrong!


SECOND day of school. Late ako. Dahil nagpasama pa ang nanay ko sa palengke. Nagpatulong sa pagbubuhat ng mabibigat na bayong na may lamang longganisa. Kaya ayun, late ako sa school. Kaya parang zombie run ang drama ko. Para talaga akong hinabol ng mga zombies sa World War Z sa bilis kong tumakbo halos dala-dalawang steps sa hagdan ang ginawa ko. Kaya noong pagliko ko sa hagdan, may nakabangga ako. Isang lalaki. Kung sa pelikula nangyari ang nangyari sa akin slow motion. At kahit nagulat siya, sasaluhin niya ako, hahawakan sa bewang, pipigilang bumagsak. At magkakalapit ang mukha namin. Magkakatitigan, mukhang magki-kiss. At ang audience, magsisigawan, kikiligin. Pero sorry, hindi ito movie. Walang slow motion. Hindi niya ako sinalo. Bumagsak ako sa matigas na sahig. Mabilis, masakit. At ang mga estudyanteng nakakita, nagtawanan, nag-apiran. Inis ko gusto kong awayin ang lalaking nakabunggo sa akin. Pero pagtingin ko, siya 'yun, 'yung lalaking nambatok kay Ramil sa sinehan. My Mr. Right!

The Wrong Mr. Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon