chapter 8

66 2 0
                                    

"Let's go!" Yaya ni Ramil. Pupunta na kami ng Trinoma. Malapit lang kasi ito sa school namin, ang pinagpipitaganang Quezon City Academy along EDSA.
"Wait" pigil ni Ward. Taka kami, nagbago ba ang isip niya? Noon huminto ang CRV sa harap namin. May kotse si Ward at may driver pa! Namula ang hasang ni Karen kasi 'yung mga boyfriends niya walang car! Binuksan ni Ward ang pinto ng backseat at inuna niyang pinasakay si Karen, sunod ako, susunod sana si Ramil pero sabi ni Ward: "Sa harap ka na, dude." Tumaas ang kilay ni Ramil. Dude??? Pero pinagbuksan din naman siya ni Ward ng pinto sa passengers seat kaya napangiti na rin si Ramil. At sumakay na rin si Ward sa backseat. So magkatabi kami. Magkadikit ang braso namin. Eeeee! Ang babaw ko! Pero bakit ba kinikilig ako, eh!

TRINOMA.
Libut-libot kami. Ang tagal mag decide kung san kakain. Sa Jollibee o sa Mcdo o sa Chowking. Siyempre, iniisip namin ni Ramil ang budget.
"Sa Burgoo na lang tayo" yaya ni Ward. Nagkatinginan kami ni Ramil. Mahal do'n, si Karen lang ang may kaya non. Pero kami ni Ramil, hindi.
"Treat ko" nakangiting pahabol ni Ward.
"Go!" Mabilis pa sa tren na sagot ni Ramil.
So, sa Burgoo kami. At siyempre ang sitting arrangement, magkatabi kami ni Ward. "What do you like, Welcome?" Tanong sa akin ni Ward. Tiningnan ko ang menu, ang sasarap ng pagkain lalo na ang mga burger o kaya chicken. Lalo akong ginutom, pero dahil nagpapa-girl ako ang sagot ko: "Salad na lang." Nanlaki ang mga mata ni Ramil. "Kambing lang ang peg?" Si Ramil, ang inorder hamburger. Si Karen pasta! Si Ward chicken something.
Ako, salad. Ang sarap ng kinakain nila. Inggit na inggit ako, lalo na kay Karen na itsurang babae lang pero bitukang dragon. Pero kailangan kong magpa-girl talaga or else baka mawala sa akin ang Miss Universe crown.
"Is the salad good?" Tanong ni Ward.
"Yeah" nakangiti kong sagot.
"Patikim" sabi ni Ward.
"Sure" at binigyan ko pa siya ng salad sa plate niya. Naisip ko, sige ubusin mo tapos mag-cr ka para makikitikim ako sa burger at pasta ni Karen at Ramil. Pero may ginawa si Ward na sobrang sweet.
"Here, tikman mo itong chicken" alok ni Ward, sabay hiwa ng maliit na portion. Naisip ko, ang liit naman ng ibinigay niya sa akin. 'Yun pala kaya maliit, dahil bite size. Dahil isusubo niya sa akin. Oh my god! So sweet! Sina Ramil at Karen napanganga sa inggit. Pero in fairness, gutom pa rin ako.

AFTER kumain, nagkayayaan kung ano ang susunod na gagawin.
"Timezone" yaya ni Ramil.
"Zara" sabi ni Karen. Nasa isip ko: wala bang magyayayang manood ng sine???
Timezone kami. Kainis. Sina Karen at Ramil sa, Just Dance. Kami ni Ward, sa Initial D. Ang galing ni Ward makipagkarera. Napatili ako, lalo na nang napahawak siya sa kamay ko na nasa kambyo. Masaya rin pala ang Timezone.

PAGKATAPOS, sinamahan naming mag-shopping si Karen sa Zara.
Ako, tingin-tingin lang din ng mga damit. Sobrang expensive naman ng mga ito, hindi kaya ng budget. Susme,pang-tuition ko nang isang buwan ang presyo ng isang blouse. May ipinakitang dress si Karen kay Ward. "Is this bagay to me?" Tiningnan ni Ward ang dress, saka si Karen saka siya umiling. "Here, mas bagay  sa iyo ito." May kinukuhang dress si Ward at ibinigay kay Karen saka kinuha niya ang hawak kanina na dress ni Karen at ibinigay sa akin. "Mas bagay sa iyo ito."
Shocked ako. "Why don't you try it?"
"Hindi naman ako bibili, eh."
"Try lang naman." Siyempre, napapayag na rin ako. At paglabas ko ng fitting room, napatingin siya sa akin. Napangiti, I can see admiration in his eyes.
"Ang ganda, teh!" Si Ramil, hindi si Ward.
"Bagay sa iyo. Right Ward?" Ngumiti lang sa akin si Ward. Enough na 'yung ngiti niya to tell me that indeed, I am Miss Universe!

AFTER no'n, nagkayayaan nang manood ng movie.
Yipeee!
Pero toot toot sabi ng cellphone ko. Ang nanay ko!
NASAAN KA NA? UMUWI KA NA NGA AT NATAGA KO ANG DALIRI KO. WALANG GAGAWA NG LONGGANISA.
Waaaah!
Actually, pwede naman akong magpalusot na nasa library ako, pero ang sama ko namang anak no'n, dahil sa kalandian hahayaan ang inang nataga ang daliri (don't worry, hiwa lang actually) kaya bilang ulirang dowter, sabi ko kina Ward na hindi ako pwede. Na kailangan nang umuwi ni Cinderella kahit 7pm pa lang.
Imbyerna sina Karen at Ramil pero si Ward naintindihan ako. Kaya hinatid na niya kami. Una si Karen then si Ramil, at siyempre, ako ang panghuli. Hindi ko na siya pinababa sa amin dahil siguradong magagalit si nanay.
That night: halo ng longganisa, lamas ng tocino, hugas ng pinggan, laba, kula, plantsa; nakangiti ako all through out. Dahik kay Ward. Dahil...
I'm in love!!!

YES, I'm in love! Ng mga sumunod na araw, lagi nang tumatabi si Ward sa akin sa class. At lagi kong nahuhuling nakatingin sa akin at kapag nahuli ko ay ngingiti lang siya. Parang hindi niya ikinahihiyang mahuling nakatingin siya sa akin. And during recess, lagi ko rin siyang kasabay. At lagi rin niya akong tini-treat. Though hindi na muna ako umoorder ng banana cue. I dunno parang ang pangit tingnan na kumakain ka ng banana cue habang nakatingin sa iyo ang love of your life na hindi pa naman kayo dahil hindi pa naman siya formal na nanliligaw.
Yes. Correct, hindi pa rin officially nanliligaw si Ward, wala pa siyang sinasabing he likes me or he admires me or he adores the ground I walk on. Basta lagi siyang nasa tabi ko. Lagi namin siyang kasama sa mall, at ilang times na rin namang nag-mall kami na kaming dalawa lang.
Nanliligaw na ba siya nang ganito? Ia-assume ko na ba na kami na? Ayoko naman no? Gusto ko naman sabihin niya sa akin na: I like you and I want you to be my girl, forever and ever. Amen
Pati sina Karen at Ramil ay naiinip na.
"Baka bading?" Hirit ni Karen.
Oh no!
"No" salag ni Ramil. "Naamoy ko na sana kung bading siya. Malakas kaya ang gaydar ko!"
"Then what?" Tanong ko na medyo desperate na rin.
"Baka naman conservative lang" salo ni Ramil.
"Yung boyfriend ko nu'ng third year, si Eric conservative at torperin. Alam n'yo ang ginawa ko? Hinalikan ko."
"What?"
"Yeah, I kissed him! Ayun, nataranta sinabing love niya ako. Kaya naging kami."
"Hindi ko naman kayang halikan na lang basta si Ward para lang maging kami, no?"
"Sige, paano kung bigla siyang halikan ni Karen?"
"Bakla, hindi naman ako gano'n, no? Saka hindi ko type si Ward. Masyadong good boy, ang gusto kong next boyfriend ko, bad boy!"
"Teka, may boyfriend ka pa ngayon, a."
"Kaya nga sabi ko, next boyfriend, 'di ba? Masama bang magplano?"
"Teka, teka girls, ako ang may problema 'di ba?"
"Ay, akala ko na-solve na natin" hagikhik ni Karen. "Akala ko iki-kiss mo si Ward."
"Akala ko rin, girl. I-kiss mo na lang. Wag ka nang maarte. Mag toothbrush ka lang before doing it." Sabay pang nagtawa at nag-apiran ang dalawa. Sarap lang pag-untugin.
"Sa ating tatlo, ikaw na lang ang hindi pa nagkaka-boyfriend, ang bagal mo kasi."
'Yun lang at nag-bell na. Start na ng classes. So tapos na ang usapan tungkol sa problema ko kay Ward.
At ang solution talaga i-kiss ko siya?
Ayoko nga! Baka isipin easy girl ako, no? But that's exactly what I did.
I kissed Ward!
At doon nagsimulang mawindang ang mundo ko. Dahil noon ko rin nakilala si Mr. Wrong.

The Wrong Mr. Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon