Kapag nakakita kayo ng babaeng naglalakad nang nakangiti at parang wala sa sarili, ako 'yon. Dahil sa sobrang saya. Dahil kinuha ni Ward ang number ko kay Karen, dahil ang mysterious Mr. Right ko ay in love rin sa akin.
In love agad? Why not! Basta in my pretty little world, in love sa akin si Ward. Wala nang kokontra, please. Basta ako, masaya. Naka-smile ako nu'ng nag back ride sa strike. Naka-smile pa rin ako nu'ng bumaba kahit pagtapak ko ay kanal ang natiyempuhan ko. Hindi pa rin matanggal ang smile ko kahit tinahulan na ako ng aso nila Aling Karing na nauulol na yata. Naka-smile pa rin ako nu'ng mabangga ako ng mga nagtatakbuhang mga bata na ke babaho. Naka-plaster na ang smile ko sa mukha hanggang bahay.
"Welcome, bakit?" Tanong sa akin ng nanay ko. "Ano hong bakit?" Nakangiti pa rin ako nang magtanong. "Bakit ka nga nakangiti?"
"Hindi naman, a," sagot ko, pero nakangiti pa rin. "Ate, kamukha mo si Joker, 'yung kalaban ni Batman." Si Nova 'yon. Pero hindi ko makuhang mainis sa banat niya.
"Talaga?" Natatawa ko pang sagot. Lalo yatang lumapad ang ngiti ko.
"Bal, ano bang nangyayari rito sa kapatid mo nababaliw na yata."
"In love 'yang si Welcome, 'Nay," paninigurado ni kuya Bal
Siyempre, nagalit si mader. "Totoo ba 'yon, Carmela?" Pag galit si mader, Carmela ang tawag niya sa akin. "In love ka? May boyfriend ka na? Hindi ba ang usapan natin walang boyfriend-boyfriend habang nag-aaral. Ito ngang kuya mo, college na pero hindi pa naggi-girlfriend
Tapos ikaw, high school pa lang may boyfriend na. Hindi mo ba narinig 'yung balita tungkol sa anak ni Pareng Lucio? Second year pa lang nag-boyfriend, ayun nabuntis. O, ano'ng nangyari? Di natigil sa pag-aaral. Gusto mo bang mangyari sa iyo 'yon, ha? Carmela? Hoy, Carmela!" Doon lang nawala ang smile ko.
"Siyempre ho, ayoko! 'Nay, ano ba kayo? Wala akong boyfriend! Ni wala ngang nanliligaw sa akin."
"Nagrereklamo ka na walang nanliligaw sa iyo, gano'n? Gusto mong magpaligsahan tayo ng reklamo? Sige, simulan na natin sa mga reklamo ko. Ako gumigising ng madaling araw, ipinagluluto ko kayo tapos didiretso ako sa Q-Mart. Hahango ako ng baboy, baka at manok. Tapos dadalhin diyan sa talipapa mula umaga hanggang tanghali, nagtitinda ako ng baboy, nagtataga, naghihiwa pagkatapos uuwi ako para lang kumain. Magpahinga nang konti tapos sa hapon, balik na naman sa palengke hanggang gabi, paypay ng langaw. Taga. Hiwa. Pag-uwi ko, ang bahu-baho ko na. Amoy karne na ako. Amoy talipapa. Pero hindi ako makaligo dahil pagod ako at baka mapasma ako at mabalda pa tulad ng nangyari kay Aling Dekdek. Ayokong mangyari iyon dahil ayokong maging pabigat sa inyo."
At matapos ang litanya ni mader sa iyak
Na sasabayan ni Nova ng iyak dahil gano'n siya, kapag may nakitang umiiyak, iiyak din. Ayun, duet na ang mag-ina sa pag-iyak. At si kuya, ako ang sinisisi. "Ikaw kasi!" Ano ang kasalanan ko? Umuwi lang ako ng nakangiti?PERO siyempre, kailangan kong i-pacify ang nanay ko. Kailangan kong sabihing wala naman akong boyfriend (na totoo naman) na wala akong manliligaw (na totoo rin naman) pero tingin ko, malapit nang hindi magkatotoo, na tapusin ko ang pag-aaral ko. Na gagradweyt ako ng college, na magiging flight attendant ako. Na itu-tour ko siya sa buong mundo.
"Hindi ko naman habol 'yung i-tour mo ako 'no?" Sumisiguk-sigok na sagot ng nanay ko. "Ang gusto ko lang, makatapos kayo. Para maganda buhay n'yo. Para huwag kayong matulad sa amin ng tatay n'yo." Alam ko naman 'yon. Lahat naman ng magulang gano'n. Gustong mapabuti ang mga anak. "Huwag mo akong i-tour, ibili mo na lang ako ng palengke."
'Yan si mader. Minsan joker.
Hindi ko naman talaga bibiguin ang mga pangako ko kay mader. Tutuparin ko ang pangako kong makatapos. Pero may sumpaan din naman kami nina Karen at Ramil. Na magka-boyfriend sa high school. Paano na 'yon?
Di bale, ililihim ko na lang kay mader. Lalo na kay kuya na tsismoso! Yay! Ngayon pa lang nagkakasala na ako. Naglilihim na ako. Ni hindi pa nga nanliligaw si Ward.
Nakampante naman si Nanay, si Nova at si kuya na wala nga akong boyfriend o manliligaw. Kaya natahimik na ang Familia Dalumpit sa Cotabato St. Bago Bantay, Quezon City.
Pero ako hindi natahimik. Alumpihit ako. Parang pusang hindi mapaanak. Parang pusang may hinahanap. Pero hindi ako makangiyaw siyempre. Panay ang tingin ko sa cellphone ko. Naghihintay ng text o tawag ni Ward.
7pm, wala pa rin. Nood-nood lang kami ng 24 Oras.
8pm. NIÑO na. Nagpapaiyak na si Nino. Ang cute talaga ni Miguel Tan Felix!
Wala pa ring text o tawag. Panay ang tingin ko sa cellphone ko.
MY DESTINY na! Wala pa rin.
Buti na lang nakakakilig sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kahit paano, nalibang ako. Actually, iniimagine ko na ako si Carla at si Ward ay si Tom kakakilig!!!
ANG DALAWANG MRS. REAL na! Wala pa rin. Panay ang tingin ko sa cellphone ko. Buti na lang hindi napapansin ni mader na tutok talaga sa eksena ng walang hanggang pagsampal ni Maricel kay Dingdong
"23!"
"Ano'ng 23?" Takang tanong ko.
"23 beses sinampal ni Maricel si Dingdong. Grabe! Ang galing! Ngayon lang nagkaroon ng ganyang eksena sa tv, ah!" 'Yan si nanay, adik sa mga teleserye sa TV. "Ano'ng araw ngayon?" Tanong ni nanay.
"28 ho," sagot ko naman.
"23/28," biglang sambulat ni mader na parang natuklasan na ang mystery of the universe saka sabay takbo palabas ng bahay.
"Nay, saan kayo pupunta?"
"Tatayaan ko 'yan sa huweteng! 23/28 siguradong lalabas 'yan!" 'Yan si nanay, adik sa TV. Adik sa huweteng. Simula nang manalo ang daddy ni Karen sa lotto, na-inspire na siya. Umasang kami rin ay mananalo sa huweteng o sa lotto. So far, wala.TAPOS na ang mga teleserye. Tahimik na ang mundo. Natutulog na si nanay at si Nova. Si kuya, nasa labas naggigitara. Ako gising pa rin. Naghihintay ng text o tawag ni Ward.
Tatawag ba 'yon? Magte-text? Bakit niya kinuha ang number ko kay Karen kung hindi naman? Tinitignan ko ang cellphone ko. Waiting for it to beep or ring.
At nag toot-toot nga siya
Nag text si Ward! Napatalon ako sa kama. Naapakan ko ang anirola, nag-ingay. Nag-ingay, nagising si nanay.
"Ano ba 'yon?"
"Wala ho. Nag-text lang ho si Karen," pagsisinungaling ko. Pero hindi ko kailangang magsinungaling. Dahil totoong si Karen ang nag-text.
Karen: NAGTXT NA BA SI WARD?
Ako: HINDI PA NGA, EH. KANINA PA AKO NAGHIHINTAY.
Karen: WAIT MO LANG. MAGTE-TEXT 'YUN. OR ELSE, BAKIT NIYA HININGI # MO?
So, wait ulit ako. Mag-aalas onse na! Bakit hindi pa siya nagte-text/tumawag?
Toot toot! Toot toot! "Patayin mo 'yan, Carmela, kung hindi itatapon ko 'yan sa kanal. Maaga pa akong gigising bukas."
"Opo na po," sabay mute ko sa cp. Kahit mumurahin ito, mahal ko itong cp ko 'no? Sinilip ko kung sino ang nag-text. Si Ramil.
Ramil: WEL, PAKOPYA NG ASSIGNMENT SA PHYSICS BUKAS, HA?
Ako: OO NA. BASTA PAKOPYA SA PHYSICS.
Kainis itong si Ramil. Pampadagdag-suspense. Ward! Tumawag o mag-text ka na, dali please!!!
Brrrr. Brrrr. Vibrate mode ng cp ko. May nag-text ulit. Walang name, number lang. Si Ward!!! At eto ang text niya: PWEDE BANG MANLIGAW?
Napatili ako. EEEEEEEEEEK! Siyempre, binato ako ng nanay ko.

BINABASA MO ANG
The Wrong Mr. Right
RomanceThey say, looking for Mr. Right is hard. But not for welcome (the girl na ipananganak sa welcome rotonda) nakita niya, nakabunggo niya si Mr. Right. Doon nagsimula ang kanilang closeness. Pero hanggang tingin lang ang cute guy. Hindi niya alam kung...