chapter 4

98 1 0
                                    


Oh my god oh my god oh my god !!!
My mysterious Mr. Right is not only in this universe...but also in the Philippines...in Quezon City...in this school...right inside our classroom. In front of me. I'm just a girl standing in front of this gorgeous guy and he just gave me his name.
Ward. Unique name tulad ng name ko, Welcome. At parehong W ang start ng name namin. Ward and Welcome.
Wel-ward! Oh my god were a love team!!!
"Carmela!" 'Yun si Mr. Patalen, hari ng basag! Ipinangangalandakan ang totoo kong pangalan sa harap ng cute guy na ito with a unique name. Ward and Carmela! Hindi bagay!
"Carmela, find a seat so we can start!" Pero nakaupo siya sa chair ko, eh. "Carmela, there's a vacant chair at the back." Talagang ulitin ang name ko? Carmela! Carmela! Carmela! Parang echo! Pero tumayo si ward at nagsabi na: "I'll just seat at the back," sabay ngiti niya sa akin. OMG! What a perfect, Perfect gentleman this cute guy is. Umupo na ako ng buong hinhin. At siya naglakad na papunta sa vacant chair sa likod. At ang katabi ay walang iba kundi si Karen! Si Karen na maganda, maputi at malaki ang boobs! Oh no!

DON'T get me wrong. Karen is my best friend. Silang dalawa ni Ramil, bata pa lang kami, magkakaibigan na kami. Si Karen ang nag-introduce sa akin kay Barbie Doll. Ang manika ko noon ay stick ng popsicle na dinodrawingan ko ng mukha at ang damit niya papel na kinulayan ng crayon (At least, creative 'no?) kapitbahay namin noon si Karen, mayaman na sila, tapos nanalo pa ng lotto ang Daddy niya. Lumipat sila sa mas malaking bahay sa sosyal na subdivision, pero hindi nagbago ang friendship namin. Dati, Barbie dolls ang pinapahiram niya sa akin, ngayon mga damit na sapatos, make-up, hikaw, etc.
mabait si Karen. Mahal ko siya, pero...pero katabi niya si mysterious Mr. Right ko!!! At panay ang bulungan nila! Panay ang ngitian! Ano ang pinagbubulungan nila? Anong secrets? At humawak pa si Karen sa braso ni Ward! "Ang isang guy, kapag hinahawakan ng girl sa braso, tuwang-tuwa ang mga 'yan. Kaya ikaw Welcome, kapag type mo ang isang lalaki. Hahawakan mo sa braso." 'Yun! 'Yun ang payo ni Karen sa akin noon. At yun ang ginagawa niya ngayon kay Ward! Type niya si Ward! How can I compete with Karen? Wala na! Pero ang sakit! Ang sakit-sakit-sakit! Gusto kong maiyak. Ganito pala ang jealousy. Parang tinutusok ng one thousand and thirty four pins ang puso mo. Ngayon ko lang na-experience ito. Oh, Karen! How can you do this to me? At ano 'yung ginagawa nila right now? Ibinigay ni Ward ang cellphone niya kay Karen. At si Karen, may pinindut-pindot sa cellphone. Oh, no! Hiningi ni Ward ang cellphone number ni Karen at ibinigay naman iyon ng best friend ko! Ang best friend kong traydor.
"Carmela!"
Si Mr. Patalen. "why do you keep on looking at the back?"
"Sir, wala. May...may stiff neck lang ako," pagpapalusot ko. "Ang sakit nga, eh." Pero hindi siya naniwala. May tinatanong siya sa akin tungkol sa physics, kanina pa siya nagpapaliwanag sa condensation pero hindi ako nakikinig. Akala ko gatas na condensada ang sinasabi niya, malay ko sa tanong niya. Siyempre, napagalitan ako, pahiya ako. Lalo na kay Ward na nakatingin sa akin. Ang tingin niya sa akin, ang bobo ko!

AFTER class.
Oras ng pagtutuos! Hinila ko si Karen sa comfort room, tinanong. "Ano'ng pinag-uusapan n'yo ni Ward? Bakit kayo nagbubulungan? Bakit mo siya hinawakan sa braso? Bakit mo kinuha ang cellphone niya? Ano ang inilagay mo? Number mo? Hiningi ba niya ang number mo at ibinigay mo naman? Ano'ng klase kang kaibigan, karen?" Dire-diretso kong sumbat sa kanya.
      ''Ha?" '
'Yun lang ang namutawi sa red, red lips ni Karen. Si Karen ang tipo ng tao na kapag sinunud-sunod mo ang tanong, hindi mapa-process ng utak niya iyon. Dapat paisa-isa lang. Pero wala, parang dam na biglang bumulwak ang dibdib ko. Pero in fairness, wala namang alam si Karen sa pinagdaraanan ko. Baka mas magandang sabihin ko na sa kanya ang totoo.
"Karen, alam mo bang since last night ko pa iniisip si Ward?" Napaisip si Karen saka nagtanong. Paano nangyari iyon? Kanina pa lang natin siya nakita."
"Kahapon ko pa siya nakita. Sa sinehan, siya yung nambatok kay Ramil."
Nanlaki ang mga mata ni Karen, bumilog din ang bibig. Minsan kasing- OA ko ang babaeng ito.
"Ano? Bakit hindi mo sinabi?"
"E, uupakan siya ni Ramil."
"Oo nga 'no? Galit na galit sa kanya si bakla."
"Kaya huwag mong sasabihin sa kanya."
"Sige, hindi."
"Mag-promise ka. Kung minsan, 'yang bibig mo, may sariling isip."
"Promise." Nagtaas pa ng kamay ang loka.
"Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang pinagbubulungan n'yo ni Ward."
"Ikaw."    What?  "Ikaw ang pinag-uusapan namin."
"What do you mean...ako?"
"Nagtanong siya tungkol sa iyo." Again, whaaaat?  "Hiningi nga niya ang number mo, eh. Kaya inilagay ko sa cellphone niya." Si Ward, my mysterious Mr. Right, nagtanong tungkol sa akin? Hiningi ang number ko? Oh my gawd!!! Si Ramil 'yun. Pumasok sa CR ng girls at ang pinto, tumama sa mukha ko. Pero feeling ko, kapareho ng effect kapag hinimatay ka sa sobrang kilig.
My mysterious Mr. Right is in love with me!!!!

The Wrong Mr. Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon